news

LUV U star Miles Ocampo says about onscreen partner Marco Gumabao: “Pogi siya. Pogi po siya.”

by Rose Garcia posted on July 20, 2012  STATS: 13116 Views | 6 Comments

“Puwede po. Kasi po si Marco, maalaga po siya sa mga babae. Maalaga po siya sa partner niya. Sweet po siya. Mapang-asar rin siya. Nagpapatawa rin siya. Dati kasi, ang tawag ko sa kanya, Bilbil. Ang tawag naman niya sa akin, Double Chin," says Miles Ocampo when asked if someone like Marco Gumabao could be her first boyfriend.

Photo By: Noel Orsal and Monching Jaramillo

Nasa Season 2 na ang Sunday youth-oriented show ng ABS-CBN na LUV U, kung saan isa sa mga bida ay ang teen actress na si Miles Ocampo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miles sa taping ng nasabing show noong Lunes, July16, sa ABS-CBN compound.

Napansin namin na kung paano sila napapanood onscreen ay ganoon din sila kalapit ng mga co-stars niya, na karamihan ay graduates ng kiddie gag show na Goin' Bulilit.

Ayon kay Miles,“Yes, masaya! Kasi ngayon pong Season 2 namin, mas naramdaman namin na mas maraming sumusuporta. Mas maraming nagmamahal po sa show namin.

"Kahit po sa Twitter, nakakatuwang mabasa yung mga feedback ng mga nanonood sa show namin.”   


FUNNY SHOW. Sa tingin ni Miles, malaking bagay na ang tema ng show nila, although youth-oriented na may kiligan, ay mas nararamdaman ang katatawanan.

Sa palagay rin ba niya ay masaya ang management sa itinatakbo ng kanilang programa?

“Sabi po nila, happy naman. Yun po… masaya po kami. Lalo na po ngayon.

“Ngayon po kasi, ang rating namin, mataas. Masaya po kami sa resulta ng show nitong mga nakaraang buwan, weeks po.”


KAPAMILYA TEENS VS. KAPUSO TWEENS? Kung tutuusin, ang grupo nila sa LUV U ang masasabing pantapat sa tween stars ni Kapuso network.

Sa palagay ba ni Miles ay nakakasabay ang grupo nila sa tween stars ng GMA-7? Sino ang mas lamang?

Sagot niya, “Wala po akong masasabing mas lamang. Kasi, para po sa akin, iba-iba po ang ipinapakita namin.

“Sabi po nila, yung sa amin daw po, mas light lang. Yung typical na nangyayari sa mga kabataan.

“Parang kapag nanonood po sila ng LUV U ay ganoon nga po.

"Kapag nagpupunta po kami ng school, sinasabi po nila na ang eksena raw namin sa show, nangyayari sa kanila.

“So, nakakatuwa po kasi, nakaka-relate po sila.”


MARCO GUMABAO. Sina Miles at Marco Gumabao ang magka-loveteam sa LUV U.

Kumusta ang loveteam nila?

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • lanalang08

    07/22/2012 | 01:50 AM
    may gatas pa sa labi at kagagradwate lang sa goin bulilet hwag muna bf ang harapin. magsumikap muna para mapagsilbihan ang mga magulang at magkaroon nang magandang buhay. walang mapapala kung boys ang nasa isip agad. ganyan yata ang mga kids na hindi kagandahan medyo masyadong concern kung may boys na magiging interesado sa kanila. sa tono nang pagsasalita niya mukhang crush niya itong sinasabi niyang pogi daw na kaloveteam niya. seguro para sa kanya pero based on the picture nope. he's not pogi at all. may itsura maybe but not pogi.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • grazildachuvastra

    07/22/2012 | 01:31 AM
    bat may mga estudyante dito? aba dapat magaral sila ng husto sayang ang tuition fee noh...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lovelike

    07/21/2012 | 03:49 PM
    bakit ngitpa na ang the who talent nang doslaos???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    monjuaquin02
    07/22/2012 | 09:17 AM
    dahlil yung puros ganda at walang talent ay napunta sa syet-e
  • empress_mortal

    07/21/2012 | 12:41 PM
    ah ok, pogi na pala yon...? hmmm
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    monjuaquin02
    07/22/2012 | 09:17 AM
    compared sayo malamang oo..
  • syetedos

    07/21/2012 | 02:10 AM
    artista ba cla?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    monjuaquin02
    07/22/2012 | 09:16 AM
    oo sila ang dahilan kung bakit tinapaos yung unang tween hearts at siila rin ang dahilan kung bakit lubog ang together sa syete nationwide
  • msTrue

    07/20/2012 | 06:03 PM
    eto nb ang mga baguhang artista ng abs????
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    monjuaquin02
    07/22/2012 | 09:12 AM
    MAS MAGALING pang umarte yan c miles kesa k marianitang luwag daw ang kepyyas tulad ng sabi ni pwearl hahaha

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About