news

Martin Escudero amused by allegation that he had an affair with a transvestite; thankful to LGBT community for not hitting him

by Ruel J. Mendoza posted on July 20, 2012  STATS: 8003 Views | 4 Comments

Martin Escudero on being named by a transvestite as one of the celebrities with whom she had a relationship: “Medyo na-amuse lang ako kasi biglang na-namedrop ako. Ang dami naman na puwedeng mabanggit na pangalan na mas sikat sa akin sa StarStruck, di ba? Bakit ako ang naisipan na pangalanan?”

Photo By: Noel Orsal

Natawa na lang si Martin Escudero nang tanungin siya sa press launch ng tatlong bagong shows ng TV5—Third Eye, Artista Academy, at Enchanted Garden—kung may hindi magandang reaksiyon ang LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community sa kanyang pagtanggi na nagkaroon siya ng relasyon sa isang transvestite.

Nabalita kasi na si Martin ang taga-StarStruck na nakarelasyon diumano ng transgender na nagngangalang Jerrich Divinagracia

Inisiwalat ni Jerrich ang tungkol dito nang mag-audition siya sa artista search ng GMA-7 na Protégé.

 

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Martin, “Wala naman akong alam na may nagagalit sa aking grupo. Wala naman din akong natatanggap na pananakot.

“Hindi naman siguro sila mga bayolenteng tao, di ba?

“'Tsaka wala naman akong sinabing hindi maganda sa grupo ng LGBT. Nasabi ko lang na wala akong nakarelasyon na transgender.

“Yun naman kasi ang totoo—wala talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Martin sa Elements @ Centris, Quezon Avenue noong July 17.

Dagdag niya, hindi naman siya nagagalit dahil sa balitang iyon.

“Medyo na-amuse lang ako kasi biglang na-namedrop ako.

“Ang dami naman na puwedeng mabanggit na pangalan na mas sikat sa akin sa StarStruck, di ba? Bakit ako ang naisipan na pangalanan?

“Anyway, nagpapasalamat ako sa grupo ng LGBT na hindi sila nagagalit sa akin. Naging totoo lang ako sa mga sinabi ko.”

Pero kahit natsismis siya ng ganun, hindi naman daw ito rason para iwasan niya ang mga gays.

“Hindi ko naman gagawin iyon. Hindi naman ako naging homophobic, e.

“Marami akong kaibigan na gays lalo na noong pinasok ko ang showbiz. Yung iba sa kanila, pinagtatanggol pa ako.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • bacobaco

    07/22/2012 | 02:03 PM
    MARTIN PATOTOHANAN NAMIN NA NAGING LOVER KA JERRICK DIVINAGRACIA 100 PERCENT NA TOTOO AS IN TOTOO SOON MERONG PASABOG NA SASABOG SA KATOTOHANAN NAGING LA LIVE IN PARTNER KA NIYA NUNG ISA KA PA LANG TRYING HARD NA GUSTO MAGING STARSTRUCK NAYON BA AT NAN DIYAN KA NA SA TV5 DENIAL KING KA NA DIN HAHAHAHA PAKA TOTOO KA LANG NA IKAW AY ISANG GAY LOVER MARTIN ESCUDERO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thirstytrooper

    07/21/2012 | 07:05 PM
    more best actor awards for you martin. magaling ka talaga umarte! pangalagaan mo yan!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    monjuaquin02
    07/22/2012 | 09:18 AM
    malamang umalis sa bakuran ng syet-e... kaya may awards
  • starkings

    07/21/2012 | 05:24 PM
    parang kargador lang sa pier ang hitsura!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shobizaddict

    07/20/2012 | 04:42 PM
    naku Mart, don't worry, TA NGA lang maniniwala. Unang una, chaka sya para patulan mo, at kung pumapatol ka man sa kauri nya dahil sa pera, di mo pa din papatulan dahil mukha namang purita sanchez
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About