news

JM de Guzman experienced depression after shooting Intoy Syokoy: "First time kong mahubaran dito emotionally, hubo’t hubad...As in, sobrang punit."

by Rose Garcia posted on July 20, 2012  STATS: 38501 Views | 8 Comments

JM de Guzman on winning Cinemalaya Best Actor for his performance in Intoy Syokoy: “Hindi po ako umaasa. Ayokong umasa. Never. Pangit umasa. Parang masasaktan ka lang kung hindi mangyari. Ang alam ko lang, ibinigay ko ang best ko. Tapos, bahala na si Lord.”

Photo By: Noel Orsal

Kung hindi inaantok ay sadyang mapungay lang ang mga mata ni JM de Guzman nang makaharap at makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Intoy Syokoy kahapon, July 19.

Ginanap ang presscon ng Cinemalaya 2012 entry na ito sa Sir Boy’s Food Republic Restaurant sa may Panay Avenue, Quezon City.

Paliwanag ni JM, araw-araw raw kasi siyang nagte-training.

“Gusto ko kasing magka-abs,” nakangiti niyang sabi.

Ito ba ay bilang paghahanda sa Cosmo Bachelor Bash, kunsaan rumarampa ang mga showbiz hunks?

“Target ko po ‘yan,” pag-amin ng Kapamilya young actor.

“Yung kasama ko kasi sa bahay at sa taping, tito ko, boxer siya. Tapos yung nagda-drive sa akin, kasama ko rin sa bahay mismo.

“E, may trainor siya, yung condo ko, parang gym. Paggising ko ng umaga, ‘Halika na, halika na...’

“Tapos, kumpleto ng supplement. Hindi na ako lalayo.

“Minsan naman, kapag napaaga ang tapos ng taping, diretso kami [sa gym].”

Boxing at kickboxing daw ang ginagawa niya at minsan ay inaabot siya ng tatlong oras.


LIFE-CHANGING. Hindi maikakaila na maganda ang itinatakbo ng career ngayon ni JM sa bakuran ng ABS-CBN.

Sabi niya tungkol dito, “Grateful po ako na nandito pa rin. Tapos, sobrang suwerte.

“Kaya hindi po ako tumitigil na i-improve pa ang sarili ko. And makapag-contribute pa sa ABS-CBN po at maibalik ko rin sa kanila ang malaking utang na loob na ito.

“They changed my life.”

ANGELITO. Itinama naman ni JM nang sabihin namin sa kanya na ang pang-hapong teleserye “niya” na Angelito ay nagkaroon na ng Part 2.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • heart07

    07/22/2012 | 04:55 AM
    bkla k ata eh or tibo nde lht ng nsa indie hubaran lng mga pinapalabas kc dun my sense ang story pero un mga taong tulad mo n wlang sense at di maarok ng utak ang values at katotohanan ng buhay n pinapakita sa indie eh malamang mapapangitan nga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    07/22/2012 | 01:58 AM
    baket pag indie fillm ay karaniwan na lang pinaghuhubad ang mga lalake at nakikipaghalikan sa kapwa lalake. although true to life ang mga indie films pero masyadong graphic and bulgar ang mga eksena na minsan tuloy ay nakakatakot panoorin. or kaya ang mga babae naman ay walang pakundangan paghubarin din. lj reyes maybe pumayag siya sa nude exposure niya dahil nga may anak na siya and di na siya nahihiya na ipakita ang katawan niya. kaya go lang siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • heart07

    07/21/2012 | 10:43 AM
    correction naging sikat si jm dahil sa angelito break nya he opted to do indie kasi malalim xa umarte may ibubuga pero he's humble enuf to say na ayaw nya macompare kay coco kasi ang lau na ni coco sknya pero sa galing nila pareho nila deserve un break.jm can stand on his own lam ang priorities di xa showbiz na tao.sayang lng un tandem nila ni charee p. kasi c charee msydong open sa lavlyf nya nde marunong sumkay sa mga tao. check nyo sa fb at twitter kung ilang beses cla ngtrending kya nga may part two ang angelito kasi sa dami ng supporters here and abroad...isa nko dun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepreader123

    07/21/2012 | 08:04 AM
    May appeal ba si JM sa inyo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • motsanski

    07/20/2012 | 10:26 PM
    cla ni coco martin yung from indie to mainstream eh nakatawid ng maayos, pati na yung edgar allan guzman, where's sid lucero now adays?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jaz_dkapuso

    07/20/2012 | 10:17 PM
    This should be a good movie... Mainstream movies have become very boring and predictable... Pare-pareho na lang ang plot.. walang pinagbago... its so good na may mga tulad nina Boy Abunda na sumusugal sa mga ganitong klaseng pelikula... KUDOS.. But whats disappointing ay yung mga fans/viewers.. Sa PILIPINAS pa rin talaga makikita ang mga MABABABAW na audience... Dapat you watch a movie dahil may sense/maganda/interesting... pero to watch a movie coz' of the actor... hahaha. wala talagang patutunguhan ang industriya dito.. kasi ang mga sikat na di magaling, lalong sumisikat.. at yung mga actors na may lalim... napapailalim... FYI iam_brainful - if you havent noticed.. LJ is a better actress than JM as an actor.. JM himself admitted that.. no need to emphasize ang KAKITIRAN ng pag-iisip mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    07/20/2012 | 10:04 PM
    Aabangan ko to hinde dahil kay LJ kundi dahil kay JM. JM is a worldclass Kapamilya actor, im sure pang Oscar performance niya dito. Bibili din ako ng original DVD nito yun hinde pirated. Yun Pedro Calunsod din aabangan ko kase im sure maganda din yun at it strenthen our faith and believe in God.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • heart07

    07/20/2012 | 05:59 PM
    angelito at kay charee wla ka ba icocomment?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About