Pinatotohanan ni Direk Chito Roño, direktor ng horror-suspense movie na The Healing, na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Kim Chiu, na ibinalibag niya talaga si Vilma sa ilang mga eksena.
“Ibinalibag ko lahat yan! Kasi yun talaga ang role. Ma-action talaga yung pelikula. Medyo may aksyon.
“Kaya nga sinabi ko talaga beforehand na, ‘Oy, maaksyon ito ha? Tatakbo-takbo ka rito. May fight scene, may routine dito,’ ginanun ko siya,” kuwento ni Direk Chito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
PHYSICALLY DEMANDING. Nag-alala na si Direk Chito kung pagagawa pa niya kay Vilma ang iba pang mga nakakapagod na eksena.
“Actually, nag-trim down na ako nung time na mahilo siya.
“'Ay, huwag ko nang gawin yung mahuhulog pa siya sa hagdanan.’ So, huwag na lang.
“Puwede namang i-revise ko, e, baka hindi na niya kakayanin.”
Puwede naman yung double ang mahuhulog na Vilma sa hagdan.
“Hindi. Kahit may double yung bagsak… e, marami pang mangyayari sa kanya.
“Sa ngayon marami pa nga, e. Pag napanood mo… ‘Ay! Ginawa lahat yun ni Vi!’ E, siya talaga yun, halos walang double.”
Hindi ba nag-reklamo si Vilma matapos ang unang physical scenes niya?
“Hindi naman yun nagrereklamo. Nagkuwento lang yun after na, ‘Nahilo ako…' Tumawa ako… 'Bakit hindi mo sinabi kanina?’
“Kasi yung ibang mga kasama niya, nasa momemtum na. Dugo-dugo na sila… mga ganun. Alam mo namang trooper yan, e.”
“Hindi siya nag-reklamo, nagkuwento na lang siya kasi after na,” paglalarawan niya kay Ate Vi.
MORE ACTION. Sadista ba si Direk Chito na kahit si Kris Aquino ay pinahirapan niya sa mga nagdaang suspense-movie project nito?




CALLED OUT
ALL COMMENTS