news

Arnold Reyes admires acting skills of LJ Reyes: “Kahit sa mga eksenang wala siyang ginagawa, wala siyang sinasabi, nakikinig lang siya, napaka-powerful para sa akin."

by Rose Garcia posted on July 21, 2012  STATS: 6764 Views | 9 Comments

Arnold Reyes has two Cinemalaya entries this year, Intoy Syokoy ng Kalye Marino and Dyablo. He also appears in Graceland, which is in competition at the International Film Festival in Canada.

Photo By: Noel Orsal


Isa na siguro ang aktor na si Arnold Reyes na masasabing suki talaga ng mga pelikula ng Cinemalaya.  Halos taon-taon yata ay may pelikula siyang entry sa Cinemalaya na ngayon ay isang linggong mapapanood sa CCP.


Kasama si Arnold  sa pelikulang Intoy Syokoy ng Kalye Marino na prinodyus ni Boy Abunda at ngayong gabi ang gala night sa CCP Main Theater.


“Nagsunod-sunod ang Cinemalaya entry ko.  Yung first, Bigtime, tapos, nagsunod-sunod na. 

"This year, dalawa po ang Cinemalaya entry ko.  Itong Intoy  Syokoy at Dyablo.   At kasabay rin ng festival natin, in competition naman yung Graceland na ginawa ko sa International Film Festival sa Canada.”


May pagka-thriller raw ang Graceland.  Isang Filipino-American na si Ron Morales raw ang nag-direk nito.


Sa pakikipag-usap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arnold noong press conference ng  Intoy Syokoy noong Huwebes ng tanghali sa Sir Boy’s Food Republic,  napu-fulfill daw talaga ng mga ginagawa niyang indie films ang passion niya sa pag-arte.


Ayon nga kay Arnold, “Yes, napu-fulfill at nadadala ko kahit paano sa TV ang [passion] at discipline. Kapag may ginagawa akong karakter, kahit paano, nasasama mo yung pisikal.”


Sa telebisyon, nakagawa siya ng Reputasyon sa ABS-CBN at sa GMA naman, My Beloved daw ang huli niyang ginawa.  Balik-ABS-CBN nga lang daw siya ngayon sa panghapong serye na Pintada.


Ginagampanan ni Arnold ang role ni Boyet sa magkaka-barkada sa Intoy  Syokoy. Sino naman siya?


“Sa magkaka-barkada, si Boyet ang pinaka-happy-go-lucky, snatcher, yung parang ang tingin niya sa buhay, wala lang, magaan lang. 

"Huwag kang hot, yung ganoon.  Kalmado ka lang.  Pero parang in a way, pagtakpan din ang reyalidad ng buhay.”


WORKING WITH LJ REYES. Sa cast ng pelikula, hindi na raw bago  kay Arnold ang maka-trabaho si LJ Reyes.


Kuwento niya, “Meron kaming Camera Café dati.  Kami ang loveteam doon. 

"So, tuwang-tuwa ako kapag makakasama ko si LJ.  Kasi, grabe ang bonding namin, yung gutom.  Specifically yung sa Camera Café.


“Na every time na magkikita kami, wala kaming pinag-uusapan kung hindi yung nakaraan namin sa Camera Café. 

"Tapos, nagkasama kami ni LJ sa unang indie namin, yung The Leaving.  Nanalo siyang Best Supporting Actress.”

Biro namin sa kanya, may nakaraan pala talaga sila ni LJ?

“Yes, may nakaraan kami,” nakangiti niyang sabi.


Siya ang kasama ni LJ noong una itong manalo ng award sa CCP para sa The Leaving. Ngayon ay marami ang nagsasabi na magaling din si LJ sa Intoy Syokoy. Ano naman ang masasabi niya?


“Para sa akin, magaling si LJ.  Kahit sa mga eksenang wala siyang ginagawa, wala siyang sinasabi, nakikinig lang siya, napaka-powerful para sa akin.


“Kaya sinasabi ko sa kanya na 'Uy, LJ, natutuwa ako kapag ka-eksena kita.  Nararamdaman ko talaga, napapadali ang eksena.'

"Kasi, ang galing niya, e.  Ang galing ni LJ.  Kaya sabi ko lang sa kanya, I’m a fan.”

1  

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • iam_brainful

    07/23/2012 | 06:49 AM
    ashleymadison naging busy kase ako sa aking studies. mag aaral ako sa expensive school abroad to broaden my mind and knowledge. right as of this moment im waiting harvards reply to my application. and sometimes the PEP website is not fit for me because many bashers and haters here who are very unclassy at all, sometimes pep is for the gossips which is not fit for my brains because i am professional and high standards of thoughts.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ashleymadison
    07/23/2012 | 09:16 AM
    Huh...Wow .... anyways...you're super funny and super classy !! Hope you get accepted to Harvard pero while waiting for your application...hope you could post comments sometimes. Goodluck!!
  • xenaako

    07/22/2012 | 10:44 AM
    tumira na nman si brainless! "oowws, come on! give me a BRAKE."??? HAANOOOO? BRAKE FLUID BA YAN te? LMAO. kahit itanong mo ky uncle google mag e-error yan! bwahahha. susme! stop pretending eka nga, mag tagalog ka na lang te! wag ng mag inarte! hahhaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • toxic_01

    07/22/2012 | 12:22 AM
    Magaling talaga si LJ at im a FAN also. since starstruck and up to now.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • toxic_01

    07/22/2012 | 12:20 AM
    All praise for LJ REYES :"
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    07/22/2012 | 12:06 AM
    sana kumita ang pelikula na ito dahil kahit san ako magbasa merong article tungkol ke LJ at mga kasama nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    07/21/2012 | 10:50 PM
    Produkto ng STARSTRUCK si LJ like Jennylyn Mercado,Paulo Avelino etc .etc.Magagaling.Galing GMA yan.Kahit saan pa sila magpuntang estasyon eh GMA pa din ang nag discover sa kanila.And obviously they're great actors.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    monjuaquin02
    07/22/2012 | 08:49 AM
    pero hnde gma ang nagpasikat sa lhat ng galing sa gma mo.
  • jams_mom

    07/21/2012 | 10:36 PM
    both arnold and LJ are very good actors... i hope to see LJ on stage soon... speaking fo Camera Cafe, sana ibalik nila ito... this was very funny...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    07/21/2012 | 08:22 PM
    Owws. come on give me a brake. punta ka ng Star Magic at dun talgang mamangha at mapapa WAAAWWWW ka sa galing ng Worldclass ABS-CBN Kapamilya talents.. parang animoy mga oscars winners, nandun lahat mapa young vilma, young nora, young maricel, young sharon, young myrel streeps,...
    Reply |  12 Replies
    0   0   0  
    iam_brainful
    07/21/2012 | 08:25 PM
    ayy nasa WC ABS-CBNpala cya now, ngayon ko lng nabasa yun part na nasa Pinatada cya.anyway, so now cguro naman nakakakita ka na ng true very worldclass talents sa ABS-CBN right?
    grazildachuvastra
    07/22/2012 | 01:37 AM
    ano bang pinagsasabi mo? may topak ka talaga brainidoro..sino si myrel streeps? hahaha
    gorgeous_aleck
    07/22/2012 | 06:05 AM
    magagaling talaga ang starstruck. di lang naa-appreciate ng iba dahil makatotohanan ang acting nila. gusto kasi ng iba yung humahagulgol sa pag iyak habang sinasampal at minamaltrato. ang tunay na acting ay natural, hindi OA. alam mo naman pag OA na acting sa ABS lang makikita. kahit di kailangan umiyak, umiiyak talaga para sabihin na magaling.
    monjuaquin02
    07/22/2012 | 08:51 AM
    ksa sa gma na ham ang acting.. magtanong ka sa mga naglipatan sa abs na galing abs.. mangahang mangha sila.. tapos yung mga galing abs na nagopnta sa gma.. wala lang parang mga reyna at hari sila
    monjuaquin02
    07/22/2012 | 08:52 AM
    magagaling ang artista na yan.. d lang kayang pasikatin ng gma.. fact
    xenaako
    07/22/2012 | 10:43 AM
    tumira na nman si brainless! "oowws, come on! give me a BRAKE."??? HAANOOOO? BRAKE FLUID BA YAN? LMAO. kahit itanong mo ky uncle google mag e-error yan! bwahahha. susme! stop pretending eka nga, mag tagalog ka na lang te! wag ng mag inarte! hahhaha
    xenaako
    07/22/2012 | 10:50 AM
    tumira na nman si brainless! "oowws, come on! give me a BRAKE."??? HAANOOOO? BRAKE FLUID BA YAN? LMAO. kahit itanong mo ky uncle google mag e-error yan! bwahahha. susme! stop pretending eka nga, mag tagalog ka na lang te! wag ng mag inarte! hahhaha
    xenaako
    07/22/2012 | 10:53 AM
    tumira na nman si brainless! "oowws, come on! give me a BRAKE."??? HAANOOOO? BRAKE FLUID BA YAN? LMAO. kahit itanong mo ky uncle google mag e-error yan! bwahahha. susme! stop pretending eka nga, mag tagalog ka na lang te! wag ng mag inarte! hahhaha
    ashleymadison
    07/22/2012 | 09:52 PM
    You are really funny brainful!!! You always make my day. How come you don't post that much anymore?
    iam_brainful
    07/23/2012 | 06:48 AM
    ashleymadison naging busy kase ako sa aking studies. mag aaral ako sa expensive school abroad to broaden my mind and knowledge. right as of this moment im waiting harvards reply to my application. and sometimes the PEP website is not fit for me because many bashers and haters here who are very unclassy at all, sometimes pep is for the gossips which is not fit for my brains because i am professional and high standards of thoughts.
    gorgeous_aleck
    07/23/2012 | 07:44 AM
    ang galing sa ABS, support lang sa GMA. ang galing sa GMA, lead sa ABS. totoo, di ba?
    monjuaquin02
    07/23/2012 | 12:45 PM
    u know y gorgeous? dahil yung galing abs laos na kaya lumipat sa gma.. tapos yung galing gma mga sikat sa gma at gus2 na mas sumikat at mas mahasa sa acting.. yun yun.. oh la la
  • p4n4lo

    07/21/2012 | 08:12 PM
    magaling talaga si LJ...actually madaming magaling na taga GMA 7...hindi nga lang sila overrated...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    monjuaquin02
    07/22/2012 | 08:56 AM
    over over rated ka pa dian.. HINDE SILA SIKAT.. FACT

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About