news

Former comedian Sammy Lagmay, bedridden and going blind, appeals for financial help

by Arniel Serato posted on July 22, 2012  STATS: 29654 Views | 15 Comments

Former comedian Sammy Lagmay is suffering from complications of diabetes—he has difficulty breathing, he needs a dialysis and he is losing his sight. He says, “Talagang di ko kayang mag-isa na. Kung maglalakad ako, talagang matitisod ako. So I’m considering myself na medyo bulag na rin kasi talagang hindi ko na nakikita, e.”

Photo By: File Photo

Ipinalabas kahapon, Sabado, July 21 sa Paparazzi Showbiz Exposed ang kuwento ng komedyanteng si Sammy Lagmay na nakaratay ngayon sa banig ng karamdaman.

Kuwento ng kapatid nitong si Mylene, “Sa ngayon po, hindi talaga maganda ang kalagayan niya dahil inuubo siya ngayon. Kagabi hindi siya makatulog sa sobrang ubo niya kaya sobrang hirap siya ngayon, hirap huminga. Hinihingal daw siya.”

Ilang linggo na daw nasa ospital si Sammy dahil sa sakit na diabetes na napag-alamang dalawang taon na pala niyang dinadala.

Pahayag ni Sammy sa Paparazzi, “Kahit nung may show pa ako sa Channel 5, may sakit na ako. Kaya lang, pinipilit pa ring magtrabaho kasi kailangang kumita, e. Dumating sa puntong nawala na yung show, medyo bumigay na rin ang katawan.”

Kasalukuyang nag-da-dialysis si Sammy. Dugtong pa na kuwento ng kanyang kapatid na si Mylene, “Nag-umpisa lang yan sa pagka-diabetic niya. Tapos hanggang sa naano na yung ibang organs niya tulad ng kidney niya, tapos yung baga niya may tubig na.”

Bukod sa sakit na diabetes, may isa pang nararamdamang sakit si Sammy—ang unti-unting paglabo ng kanyang paningin.

Lahad ni Mylene, “Isa na naman dun sa problema namin yung mata niya kasi bulag na nga po siya. Inaano namin na baka pwede naming ipatingin. Baka pwede pa siyang makakita ulit.”

Emosyonal namang kuwento ni Sammy, “Talagang di ko kayang mag-isa na. Kung maglalakad ako, talagang matitisod ako. So I’m considering myself na medyo bulag na rin kasi talagang hindi ko na nakikita, e.”

Naibenta na halos lahat ni Sammy ang kanyang mga naipundar, ayon pa sa kuwento ng Paparazzi. Bagamat may mga nagpaabot ng tulong na mga kasamahan noon sa showbiz ay kapos pa rin daw talaga sila para sa iba pang mga gastusin lalo na sa mga gamot. Kaya naman nananawagan si Sammy ng kaunting tulong mula sa mga dating kasamahan at kaibigan.

Lambing pa niya, “Ako’y nananawagan sa inyo na sana’y makahingi po ng konting tulong sa inyo. Talagang hirap na hirap na. Kung may makatulong, salamat. Yung mga kasamahan ko sa trabaho, sana makatulong kayo.”

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  Darlings

    07/23/2012 | 09:45 AM
    I remember him sa ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA TV SHOW sa Abs-Cbn. Nakakaawa naman. Sana makakatulong lahat sa industriya tulad ng ibang artista, tv networks, managers at producers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  shidax

    07/23/2012 | 07:46 AM
    wheat grass juice lang ang panlaban ng diabetes at kailangan din tigilan muna ang pagkain ng matatamis lalong lalo na ang pag-inom ng softdrinks,kanin kailangan 120 grams lang.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    lefty
    07/23/2012 | 09:05 AM
    hindi lang naman sa pagkain ng matatamis ang bawal pati rin naman sa maaalat na pagkain..I know kasi diabetic din ako masuwerte lang ako kasi me medical insurance ako kaya hindi ako na momoblema sa bayarin
    shidax
    07/23/2012 | 01:33 PM
    lefty true ang maalat din....nanay ko diabetic at highblood.3 months ago nagbabaston sya paglumakad kasi masakit daw ang mga binti nya pero simula noong pinadalhan ko sya ng wheat grass juice nawala ang sakit ng kanyang mga paa at bumababa ang bloodsugar at bloodpressure nya sana tuloy tuloy na.
  • 13  humandynamics

    07/23/2012 | 06:06 AM
    isa lang si sammy sa million na kababayan natin ang may kaparehong sitwasyon... ang problema sa pinas hindi ka titingnan ng doktor kung wala kang ibabayad, kung wala kang pera patay kang bata ka... very vulgar at nakaka dismaya ang magpa doctor sa pinas.. umuwi ako sa pinas nagka sore throat, nagpa doctor, tiningnan ng doktor ang lalamunan ko, may sinulat sa papel sabay sabing dalhin mo sa cashier tsaka ka bumalik dito, yun palang bayad sa kanya.. after kong binayaran ang doctor's bill bumalik ako sa doctor, tsaka niya pa lang ako binigyan ng prescription at sinabi kung anong problema.. ALSO, napaka arogante nila ha, napakatipid magsalita, theyre too important to bother, too big to answer your questions. pagdating naman sa america kailangan magaral ulit sila para lang maging nurse. kaloka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  lanalang08

    07/23/2012 | 06:06 AM
    pag diabaetic expected na talagang lalabo ang mata mo. kung nag uumpisa pa lang ang diabetes nang isang tao kailangan talaga na labana niya iyon. exercise is a good sort para labanan ang diabetes. usually kasi ang taong nagkakadiabetes ay di nag eexercise, malakas kumain nang kanin, at matamis. hindi naman matamis lang ang sanhi nang pagkakaroon nang diabetes nang isang tao. kailangan talagang tagtag ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  schokolade

    07/23/2012 | 05:15 AM
    God is good mang Sammy im sure maraming tutulong sayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  eminem

    07/23/2012 | 04:52 AM
    oh willie, baka gusto mo siyang tulungan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • greencardholder

    07/23/2012 | 02:55 AM
    Mang Sammy keep your faith. God is always with you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jhn

    07/23/2012 | 02:32 AM
    Diabetes is what they call a silent killer. Sammy must have diabetes a long time ago na hindi lang alam. There is no cure for this, unfortunately. I, too have diabetes for about 20 years now and take daily meds and watch what I eat, and exercise and of course, visit the doctor every 3 months for check up. I just hope that people in the entertainment business will help him as meds are expensive and hopefully gets a little healthier.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/23/2012 | 01:14 AM
    Its so sad that he is not DOLPHY....paging comedians earning millions have a heart to your brother inthe profession....KONG BUHAY LANG SIGURO SI DOLPHY NGAYON BAKA SIYA NA ANG NANGUNANG TUMULONG.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    shellphone
    07/23/2012 | 03:52 AM
    hindi kailangan ng ibang comedian para tulungan yan, hindi na nila responsibilities yun.. Kung mag bigay sila ok, kung hindi rin okay lang din. Ang point dyan ang health care system sa Pinas wala pa rin. Sa pocket lang ng politician napupunta ang budget ng health care.
    xenaako
    07/23/2012 | 10:22 AM
    tama ka shellphone
  • aling_nena

    07/22/2012 | 09:45 PM
    yang paglabo ng mata at pagkabulag ni sammy ay konektado sa diabetes niya. maaaring may blod clot sa mata niya kaya di siya makakita, ganyan isa sa kakilala ko kaya regular din siya sa pagpapatingin ng mata niya. sana may tumulong kay sammy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Orangina_123

    07/22/2012 | 08:49 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    lanalang08
    07/23/2012 | 06:09 AM
    baket naman makukulong si roderick eh bintang pa lang naman sa kanya iyon. ano ka masaya hinusgahan mo na agad ang tao eh di pa napapatunayan na may ghost employees nga siya. at hindi atcheng si roderick. para lang si mang dolphy si roderick lumalabas lang nang bakla pero di bakla.
    Orangina_123
    07/23/2012 | 11:47 AM
    Ate saang planeta ka nakatira?
  • twozerofive

    07/22/2012 | 08:48 PM
    Swerte mo Sammy naging artista ka, may tutulong sayo, kami pangkaraniwang tap, may cancer tatay ko, sakit ng mayaman pero di kami mayaman :
    Reply |  6 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/22/2012 | 08:57 PM
    Wag po mawalan ng pag-asa, may paraan ang nasa itaas...
    fatedtoloveyou25
    07/22/2012 | 09:01 PM
    wag kng mawalan ng pag asa..prayers lng..wag n wag kang bibitaw sa KANYA..hnd k nya pababayaan...
    doslugi
    07/22/2012 | 09:03 PM
    twozerofive hi. wala man akong perang maitutulong sa yo pangako isasama ko sa dasal ang tatay mo bago ako matulog. Wag mawalan ng pag asa lift everything to God and ull be fine.
    chowee143
    07/23/2012 | 02:20 AM
    lalo ka kelangan ng tatay mo ngyn, pkamamahalin mo ang tatay mo at kumapit ka sa kanya, e2 na ang pnahon na maipadama sa tatay mo ang pagmamahal ng isang anak , walang kasing sakit mwalan ng magulang, ung pain nde nwawala at mwawala , maging matatag ka para sa tatay mo at c GOD na ang bhala sa lhat. hangad ko gumaling na ang tatay mo.
    greencardholder
    07/23/2012 | 02:53 AM
    Ako din kahit di kita kilala isasama ko dad mo sa prayers ko. God bless him.
    fecatada
    07/23/2012 | 12:07 PM
    Be strong God is always with you and your family. We will pray for your dad. Sooooo sad my family been through tough times as well, but through prayers and God's guidance, we overcome everything with flying colors. Just treasure the happy memories of your dad, and leave everything to God, hinding-hindi po kayo pababayaan niya.
  • Orangina_123

    07/22/2012 | 08:46 PM
    Paging freddi Webb, nova villa, carmi Martin, Sheila ysrael, tessie Tomas, anjo ylana, Roderick paulate...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    milomilo123
    07/23/2012 | 10:17 AM
    butas ang bulsa ng mga tao na yan
    xenaako
    07/23/2012 | 10:24 AM
    hindi nman siguro kelangan na million ang ibigay na tulong dba? how can you say butas ang mga bulsa nila eh iba nga sa kanila lumalabas pa rin sa tv, yung iba jan for sure may tinatagong yaman
  • chikorita_pikachu

    07/22/2012 | 08:40 PM
    magaling na komendante c mang sammy--------- kaya lang wala ba xa naipon sa knyang kinikita??? sna tulungan xa ng TV5 at gumaling na xa! haaaaaaaaay~
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    remyr12
    07/23/2012 | 02:37 AM
    chikorita, meron siyang naipundar kaya lang nagamit na dahil sa sakit. Ang mga ibang sakit ni Sammy all came from having diabetes. Sabi nga ng in-law ko, dapat may pera ka to be able to really control diabetes and the complications that comes with it. Ang in-law ko, sobra ang maintenance, masunurin, ultimo pagkain niya lahat monitored and controlled. Kaya lang, yung ibang complications lumalabas pa rin, ilang beses na siyang nagpaayos ng mata dahil sa glaucoma, ilang beses ng pinagamot ang heart, bones and she takes 10 or more medications a day..pero ganoon pa rin. Magastos talaga to survive.
  • jakar

    07/22/2012 | 08:38 PM
    god bless....marami siguradong tutulong sayo..have faith!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About