Sagot ni Kim Chiu sa akusasyong pang-camera lang ang anumang namamagitan sa kanila ng kaparehang si Xian Lim: “Sa amin kasi ni Xian, pag may kailangan on-screen, pag off-screen, alam na namin yun. Hindi naman kailangan... bakit kailangang magkaroon ng ganun? Parang napakasama naman ng mga tao na nagkukuwentuhan nang ganun. Siguro naiinggit sila o ano man... Hindi ko alam kung bakit sila makakapagsabi ng ganung bagay na hindi naman totoo." 

Photo: Noel Orsal

Isang araw bago ang 23rd birthday ni Xian Lim noong July 12, isang maliit na party ang inihanda ng mga kaibigan niya, sa pangunguna ng ka-loveteam niyang si Kim Chiu.  

Kasama ni Kim sa paghahanda si Maja Salvador at ilan pang non-showbiz friends nila.  

Balita ring niregaluhan ni Kim ng mamahaling travel bag at sapatos si Xian.

Kinumpirma naman ito ni Kim nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bakuran ng ABS-CBN.

Aniya, “Wala lang, kasi mahilig siya sa sapatos. Travelling bag, kasi yung bag niya, masyadong masikip, maliit...

"Yun ang laging paborito niya, so yun. Naisip ko palitan naman niya.

“Binigyan niya ako ng coin kasi pamahiin yun. Ewan ko, parang hindi raw matapak-tapakan.”


BIRTHDAY BLOWOUT. Ikinuwento rin ni Kim ang simple at intimate birthday party na ibinigay nila para kay Xian.

“With friends. Sabi niya kasi hindi raw siya usually nagse-celebrate ng birthday niya, usually nasa bahay lang daw sila ng bahay ng mommy niya.

“So kami nila Maja, yung mga non-showbiz friends namin, parang sinelebreyt namin... yung celebration talaga.

“Kami-kami, kaming lahat, sabi namin, ‘Bigyan naman natin ng birthday si Xian,’ parang ganun.

“'Lagi naman siyang nanlilibre sa atin, tayo naman ang manlibre sa kanya.' Kami-kami lang kasi mahal na pag marami kami.  

“Restaurant lang. The day before ng birthday niya.”

HAPPINESS. Sa hiwalay na panayam kay Xian, sinabi niyang ang wish niya sa kanyang kaarawan ay makuha ang kaligayahan ng puso niya—na obvious namang si Kim ang pinatutungkulan niya. 

Hiningan namin ng reaksiyon ang young actress sa hindi mamatay-matay na isyu na may mutual understanding na talaga sila ng kapareha, pero hindi pa lang nila ito kinukumpirma.

Sagot ni Kim, “Hindi ko alam… pero masaya kami pag magkasama kami.  Ganun muna.