Toni Gonzaga describes how she deals with having Vice Ganda as a love interest: “Kapag si Vice lalaki, lalaking kumilos. Para siyang matangkad na lalake kaya… tapos masarap pang kausap. Alam mo yun… masarap kasama? Minsan iisipin mo lang talaga, 'Ay, babae rin nga pala si Vice!' Para hindi ako malito!”

Photo: Noel Orsal

Marami ang nakakapansin sa very slim na pangangatawan ni Toni Gonzaga ngayon.

Pero hindi naman daw siya todo-diet.

“Nagyo-yoga lang ako,” aniya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa The Buzz kahapon, July 22.

“Basta may chance, nagyo-yoga ako. Tapos nagda-dance class din ako… ballroom.

“Nagpapayat talaga ako para sa movie’ng ginagawa ko with Vice [Ganda] ngayon. E, kasi… leading lady niya ako.  

“Baka maging mas maganda pa sa akin si Vice. Kaya nagpapaganda ako!” sabay tawa ng actress-TV host.

Napupuna ba ng boyfriend niyang si Direk Paul Soriano ang effort niyang magpapayat at mas magpaganda pa?

“Of course!” tawa ulit ni Toni.

“Pero ayaw naman ni Paul ng masyadong payat. Gusto niya, medyo may laman din naman nang konti.

“Kaya lang minsan, dahil nga kapag sunod-sunod ang trabaho tapos nakakalimutang kumain… yun!”


MACHO LOVE INTEREST. Exciting para kay Toni na hindi isang hunk actor o guwapong leading man ang kapareha niya sa latest project ng Star Cinema, kundi si Vice Ganda nga.

“Hindi pa-girl si Vice sa pelikulang ito. Lalaki siya rito. 

"May working title na ito pero babaguhin yata kaya hindi ko pa masabi.

“So… talagang exciting kung paano siya magpapakalalaki.

“Nakaka-four shooting days na kami. At walang sayang na oras dahil masaya kami sa set.”


KISSING SCENE! Ano yung nakunang eksena nila ni Vice na sa palagay niya’y siguradong ikaaaliw ng moviegoers?

“Kissing scene!” patili at natawa ulit na sabi ni Toni.