news

Toni Gonzaga on TV host Vice Ganda as her love interest in new movie:  “E… ito, mas babae pa sa akin ang leading man ko!”

by Ruben Marasigan posted on July 23, 2012  STATS: 23912 Views | 8 Comments

Toni Gonzaga describes how she deals with having Vice Ganda as a love interest: “Kapag si Vice lalaki, lalaking kumilos. Para siyang matangkad na lalake kaya… tapos masarap pang kausap. Alam mo yun… masarap kasama? Minsan iisipin mo lang talaga, 'Ay, babae rin nga pala si Vice!' Para hindi ako malito!”

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nakakapansin sa very slim na pangangatawan ni Toni Gonzaga ngayon.

Pero hindi naman daw siya todo-diet.

“Nagyo-yoga lang ako,” aniya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa The Buzz kahapon, July 22.

“Basta may chance, nagyo-yoga ako. Tapos nagda-dance class din ako… ballroom.

“Nagpapayat talaga ako para sa movie’ng ginagawa ko with Vice [Ganda] ngayon. E, kasi… leading lady niya ako.  

“Baka maging mas maganda pa sa akin si Vice. Kaya nagpapaganda ako!” sabay tawa ng actress-TV host.

Napupuna ba ng boyfriend niyang si Direk Paul Soriano ang effort niyang magpapayat at mas magpaganda pa?

“Of course!” tawa ulit ni Toni.

“Pero ayaw naman ni Paul ng masyadong payat. Gusto niya, medyo may laman din naman nang konti.

“Kaya lang minsan, dahil nga kapag sunod-sunod ang trabaho tapos nakakalimutang kumain… yun!”


MACHO LOVE INTEREST. Exciting para kay Toni na hindi isang hunk actor o guwapong leading man ang kapareha niya sa latest project ng Star Cinema, kundi si Vice Ganda nga.

“Hindi pa-girl si Vice sa pelikulang ito. Lalaki siya rito. 

"May working title na ito pero babaguhin yata kaya hindi ko pa masabi.

“So… talagang exciting kung paano siya magpapakalalaki.

“Nakaka-four shooting days na kami. At walang sayang na oras dahil masaya kami sa set.”


KISSING SCENE! Ano yung nakunang eksena nila ni Vice na sa palagay niya’y siguradong ikaaaliw ng moviegoers?

“Kissing scene!” patili at natawa ulit na sabi ni Toni.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • kaeayo

    07/24/2012 | 01:17 PM
    Sya ba si Time Giver?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lifehouse232
    07/24/2012 | 01:22 PM
    Haha! Yes.
  • tarantinobill

    07/24/2012 | 11:22 AM
    I'm soooo excited for this movie! I love Toni Gonzaga movies. Vice is a plus.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexitorin

    07/24/2012 | 02:37 AM
    Maski anong negative issues kay Toni, dahil she handled it well and with finess, hindi siya naaapektuhan. This for sure will be a big hit. Nakakatawa naman ang description ni Toni ng leading man niya, mas babae pa sa kanya. Ha ha. . .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Omelette_du_fromage

    07/24/2012 | 12:48 AM
    This is a sure-fire hit! Congrats in advance Toni G. and Vice G.! :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cj_03

    07/23/2012 | 09:53 PM
    Iniimagine ko pa lang natatawa na ako lol. Bka tomboy si toni dto lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • trisha207

    07/23/2012 | 08:16 PM
    two box office queens este box office gay pala iyong isa ! Riot ang movie ni Toni and Vice. Ngayon palang nakikita ko na, pipilahan ito ng husto.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    aaronick
    07/23/2012 | 08:53 PM
    Hoy, mali ka pareho. Box office gays pareho yan. Dahil parehong bakla yan. Isang baklang bakla at isang baklang babae. But seriously, gusto ko si Toni nuon pa man. Parang hindi ako naaapektuhan ng mga negative intrigues sa kanya. May ugali kasi ako na kapag ang isang paborito ko ay nagkaroon ng negative na balita sa kanya, madali akong ma-turnoff. Pero kay Toni, talagang hanggang ngayon, hindi ako nagsasawa sa kanya. Si Vice naman, ewan ko lang. Magaling siya sa comedy, pero hindi maganda ang aura niya sa akin. But nevertheless, wala naman akong masamang tinapay kay Vice. And for sure, papanoorin ko ito.
  • lifehouse232

    07/23/2012 | 07:36 PM
    Ay gusto ko ito! Sana lang mas maganda ang acting ni Toni dito kaysa sa Wedding Tayo, Wedding Hindi. At sana rin mas maganda ang story kaysa sa Praybeyt Benjamin. Pero for sure, box office hit ito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ka_epalako

    07/23/2012 | 07:29 PM
    exciting! i can't wait!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About