Vilma Santos stars in her seventh film after joining politics in 1998. Her latest offering is The Healing, a suspense-horror movie from Star Cinema.

Photo: Noel Orsal

“But again, at the end of the day, importante pa rin yung box-office. Kasi foundation iyon ng isang artista, e.

“So ang ano… kumita muna yung pelikula. Kapag nagka-award ka, bonus! Di ba?”

Umaasa pa rin ba siyang magkaroon ng award bilang Box-Office Queen?

Apat na beses ginawaran ng Box-Office Queen of Philippine Movies si Vilma ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI): noong 1977, 1982, 1984, at 2001. Bukod pa rito ang box-office queen titles na iginawad sa kanya ng iba’t ibang award-giving bodies.

Sagot ni Ate Vi, “Hindi na. The mere fact na… I’ve been there, I’m very thankful.

“And the mere fact lang na kumita yung movie mo, panoorin ito ng marami, at mabawi ng producer yung kanyang pinuhunan, that’s good enough. ‘Yon lang!

“But aside from that, hindi na.

“Ibig kong sabihin, kahit papaano naman, e, grumadweyt na ako diyan.”