news

President Benigno Aquino III's third SONA sends message of hope to Filipinos

by Kathleen Benavidez posted on July 23, 2012  STATS: 117811 Views | 30 Comments

Muling humarap si Presidente Noynoy Aquino sa sambayanang Pilipino para sa taunang State of the Nation Address o SONA. Dito ay ibinida niya ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng tatlong taong panunungkulan niya, at ang mga gagawin pa sa nalalabing apat na taon ng kanyang termino.

Photo By: Noel Orsal

"Paalala lang po: hindi natatapos ang laban sa isang tiwaling opisyal na natanggal sa puwesto, sa isang maanomalyang kontratang napigil ipatupad, o sa isang opisinang naituwid ang pamamalakad. Kaya naman nananawagan po tayo sa Kongreso na ipasa ang panukala nating sa pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act, upang mas mapaigting pa natin ang pagpapanagot sa mga tiwali.

"Itong tinatamasa natin ngayon: ang bawat nailawan at iilawan pang sitio; ang bawat daan, tulay, paliparan, tren, at daungan; ang bawat kontratang walang bukol; ang kaligtasan at kapayapaan mula lungsod hanggang nayon; ang pagbalik ng piring sa sistemang pangkatarungan; ang bawat classroom, upuan, at aklat na napasakamay ng kabataan; ang bawat Pilipinong nahahandugan ng bagong kinabukasan—ang lahat ng ito, naabot natin sa loob lamang ng dalawang taon.

"Pagtabihin po natin ang dalawang taon na ito, at ang nakaraang siyam at kalahating taon na ating pinagdusahan. ‘Di po ba’t sumusulong na ang agenda ng pagbabago? Ang kapareho namin ng adhikain, malamang, kasama namin sa agendang ito. At kung kontra ka sa amin, siguro kontra ka rin sa ginagawa namin. Kung kumukontra sila sa agenda ng pagbabago, masasabi ba niyang sila’y nasa panig ninyo?

"Paparating na naman po ang halalan. Kayo po, ang aming mga boss, ang tangi naming susundan. Ang tanong ko sa inyo, “Boss, saan tayo tatahak? Tuloy ba ang biyahe natin sa tuwid na landas, o magmamane-obra ba tayo’t paatras, pabalik sa daan na baluktot at walang patutunguhan?”

"Naalala ko pa po noong nagsimula tayo. Mulat na mulat ako sa bigat ng pasaning sasalubong sa atin. Kabilang ako sa mga nag-isip: Kaya pa bang ituwid ang ganito kabaluktot na sistema?

"Heto po ang aking natutuhan sa dalawampu’t limang buwan ng pagkapinuno: Walang pong imposible. Walang imposible dahil kung nakikita ng taumbayan na sila ang tanging boss ng kanilang pamahalaan, bubuhatin ka nila, gagabayan ka nila, sila mismo ang mamumuno tungo sa makabuluhang pagbabago. Hindi imposible na ang Pilipinas ang maging kauna-unahang bansa sa Timog-Silangang Asya na magbibigay at nagbibigay ng libreng bakuna laban sa rotavirus. Hindi imposible para sa Pilipinas na tumindig at sabihing: 'Ang Pilipinas ay sa Pilipino—at handa kaming ipagtanggol ito.' Hindi imposible na ang Pilipinong kaytagal nang yumuyuko tuwing may nakakasalubong na dayuhan—ang Pilipino, ngayon, taas-noong tinitingala ng buong mundo. Talaga namang ang sarap maging Pilipino sa mga panahong ito.

"Noon pong nakaraang taon, hiniling ko sa taumbayan: Magpasalamat sa mga nakikiambag sa positibong pagbabago sa lipunan. Hindi po biro ang mga pagsubok na dinaanan natin, kaya angkop lamang na pasalamatan ang mga taong nakibalikat, sa pagkukumpuni sa mga maling idinulot ng masamang pamamahala.

"Sa lahat ng miyembro ng aking Gabinete: Maraming, maraming salamat. Mapalad po ang sambayanan at may mga tulad ninyong handang isuko ang pribado at mas tahimik na pamumuhay para maghatid serbisyo-publiko, kahit pa batid ninyong ang kapalit nito ay mas maliit na sweldo, panganib, at pambabatikos. Maraming salamat muli.

"Huwag din po sana nilang masamain dahil personal ko silang papangalanan: Kina Father Catalino Arevalo, at Sister Agnes Guillen, na dumidilig at nagpapalago sa aking buhay spirituwal, lalo na sa mga panahong sukdulan ang pagsubok sa amin, maraming, maraming salamat din po.

"Ito po ang aking ikatlong SONA, tatlo na lamang din po ang natitira. Papasok na po tayo sa kalagitnaan ng ating liderato. Noong nakaraang taon, ang hamon ko sa inyo: iwaksi ang kultura ng negatibismo; sa bawat pagkakataon, iangat ang kapwa-Pilipino.

"Batid po sa tinatamasa natin ngayon: hindi kayo nabigo. Sa inyo nagmula ang pagbabago. Ang sabi ninyo: posible.

"Humaharap po ako sa inyo bilang mukha ng isang gobyernong kayo ang boss at kayo pa rin ang lakas. Inuulat ko lamang ang mga pagbabagong ginawa ninyong posible.

"Kaya nga po sa lahat ng nurse, midwife, o doktor na piniling magsilbi sa mga baryo; sa bawat bagong graduate na piniling magtrabaho sa gobyerno; sa bawat atletang Pilipinong bitbit ang watawat saan mang panig ng mundo; sa bawat kawani ng pamahalaan na tapat na nagseserbisyo: Kayo po ang gumawa ng pagbabago.

"Sa tuwing haharap ako sa isang ina na nagsasabing, 'Salamat at nabakunahan na ang aking sanggol,' ang tugon ko: Ikaw ang gumawa nito.

"Sa tuwing haharap ako sa isang bata na nagsasabing, 'Salamat sa papel at lapis, sa pagkakataong makapag-aral,' ang tugon ko: Kasama ka sa gumawa nito.

« Prev  1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

30 Comments

  • 30  BrunoEsmeralda

    07/25/2012 | 11:15 AM
    PURO PAG ASA, PURO REVENGE. Hanggang ngayon BITTER pa rin ang kasalukuyang administration sa Gloria Macapagal Arroyo Regime dahil puro PAPURI ng present administration ang kanilang ini report noong nakaraang Monday sa SONA. Yung mga improvements sa stats, sana ma equate naman sa QUALITY. All WORDS but actual benefits to the public nationwide still not delivered.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  zorro_T

    07/25/2012 | 08:47 AM
    si Pnoy di nakapalag sa Tsina na ideclare ang isa sa mga island sa Paracel Islands na city of China. puro dakdak wala naman magawa. takot kumprantahin ang tsina baka mabutata ang bilyon bilyon tulong galing sa tsina.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    alexitorin
    07/25/2012 | 08:56 AM
    zorro, ang laki ng inutang ni Gloria Macapagal Arroyo s China. Nasaan ang mga bilyones na ito? Mga apo mo at kaapu apuhan, baon pa rin sa utang. You need to read and understand better hindi iyong dada ka ng dada na wala ka namang alam.
  • 28  mrpogiako

    07/25/2012 | 08:29 AM
    PNOY is the worst leader in the world.. according iyan sa isang International survey.. 2nd Hitler and 3rd is Sadam. Atleast nasa Guiness Book of World record tayo. Good job PNOY.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    humandynamics
    07/25/2012 | 08:45 AM
    you must be having good dinner conversastion at your home, saang hate store nabibili ng nanay mo ang librong binabasa niyo?!
    alexitorin
    07/25/2012 | 08:59 AM
    humandynamics, I agree. Mukhang walang alam ang mga ito at maliban sa pudpod, bao pa ang utak. Where do you get your facts mrpoglako ?
  • 27  humandynamics

    07/25/2012 | 07:38 AM
    kayong mga kritiko ni Pnoy makakatulong din kayo sa gobyerno kung gusto niyo.. ITIGIL na ninyo ang pag ihi sa mga pader HINDI KAYO ASO, para hindi bumantot ang kapaligiran. ITIGIL na rin ang pagtapon niyo ng basura kung saan saan para hindi laging mukhang third world country ang pinas.. wala na nga kayong PRIDE sa sarili niyo, pati bansa niyo dinadamay niyo. kung walang trabaho kayong mahanap imbis na pakalat kalat sa lansangan ang mga anak niyo, PALIGUAN AT ALAGAAN niyo.. ang gagaling niyong mambatikos pero puro langaw naman ang kapaligiran ng mismong bahay niyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  pinasbuzzer

    07/25/2012 | 06:05 AM
    nakakalungkot diman lng kmi naalala kaming Mga OFW
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  ipur

    07/24/2012 | 06:00 PM
    kudos to our president PNoy... spread more good news, please like "Good News.Philippines" on FB...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jesseville
    08/01/2012 | 01:24 PM
    only good news? Wala lang gingawa ang presidente natin? Ok lang sa yo ang mga good news galing sa kanya na wala namang katotohanan?
  • 24  TheGMA07

    07/24/2012 | 02:11 PM
    PNoy has more improvement that the previous Administrations, Hindi lang nararamdaman nang mga pinoy yan kasi puro 'negativity' ang palaging napupuna at mas naghihirap kasi mismong sarili hindi kayang pagsumikapan... I'm not PRO-Pnoy nor Anti-Pnoy, pero sa tingin ko SLOWLY but surely yung ginagawa nilang hakbang para mas mapatupad yung mga plataporma.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jennybelle08
    07/25/2012 | 01:06 PM
    I agree.. sa lahat ng presidente na nagsosona noon .. si president pnoy lang ang masnaiintindihan natin yung Sona niya lahat tagalog talaga and thats good!.. na impressed ako kc yung sona niya naiintindihan natin.. mas may improvements ang phil. ngayun kumpara noon...
  • 23  halabira

    07/24/2012 | 11:08 AM
    As usual, ang sona ay di sumasalamin ng katotohanan!sana mapasyal ka sa western visayas,napakahirap na ng buhay ngayon at makita mo rin kung paanong yumayaman ang mga politiko namin lalo na sa aklan!pwe!puro salita, di namin naramdaman ang sinabi mo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:19 AM
    Ikaw ang taga-aklan, ikaw ang unang kumilos Laban sa sinasabi mong abusadong politiko nyo doon...
  • 22  rom_05

    07/24/2012 | 10:57 AM
    hindi naman kataasan ang expectation ko sa kanya so chillax lang ako. As long as hindi naman siya gumagawa ng mga bagay that will negatively impact the economy i think magiging okay tayo. Yun lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:14 AM
    Tarush!...Pero Ito may utak...
  • 21  kanguzoGMA7

    07/24/2012 | 10:40 AM
    PNOY made a promise bago matapos ang term niya........di ko expect magagawa niiya lahat lahat yun pero kung matupad niya karamihan ng pangako niya WE NEED TO RESPECT HIM............pero kung di niya magagawa karamihan ng pangako niya papanig ako sa inyong mga ANTI-PNOY
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:14 AM
    Balimbing
    heavensent143
    07/24/2012 | 01:44 PM
    Sa kadami damming problem na naiwan sa kanya, u think ma solve Nya lahat... He did a lot of progress kaya in fairness to him.. Bigyan mo sya ng magic wand para magawa Nya lahat, or else tumulong ka na Lang kaya para sa Ikauunlad ng bans a natin... Dami mong satsat.....
    Orangina_123
    07/24/2012 | 04:07 PM
    O ayan, nadale ka tuloy...pak!
    kanguzoGMA7
    07/25/2012 | 07:24 AM
    wala akong magagawa ko mahina utak niyong dalawa ORANGINA at HEAVENSENT kung di niyo na GETS ibig kong sabihin bwahaahaha.......KAYA WALANG PAG ASA UMASENSO PILIPINAS ORANGINA AT HEAVENSENT DAHIL SA MAKIKITID NIYONG UTAK DALAWA bwahaahahaaha
  • 20  kanguzoGMA7

    07/24/2012 | 08:01 AM
    masasabi ko lang nagkaroon ng lamat ang CORRUPTION sa pilipinas ng ma convict si THIE JUSTICE CORONA..........di basta basta mawawala ang corruption at least may nagawa si PNOY..........sana ma convict ni PNOY ang mas masahol pa kay MARCOS si PANDAK ARROYO
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:20 AM
    Si thief justice ba kamo?
    jesseville
    07/24/2012 | 12:19 PM
    DI Ba sa hanay naman ng mga tauhan ni P-Noy nagkalat ang mga corrupt! Ang dami nyang mga alipores na may mga anomaliya pero dedma lang sya! May tauhan syang may anomaliya sa high powered weapon at DVD pro walang aksyon ang palasyo! F gusto niya nga pag babago o tuwid na daan, mag walis muna cya sa bahay niya bago sa mga kapitbahay! Bakiy di niya kayang linisin mismong bahay nya?
    Orangina_123
    07/24/2012 | 12:46 PM
    Manang Gloria ikaw ba yan?
    kanguzoGMA7
    07/25/2012 | 07:31 AM
    JESSEVILLE BIGYAN MO NG MAGIC WAND SI PNOY GAYA NG SABI NG IBA DYAN MAWAWALIS NIYA SARILING BAHAY..........kahit saan bansa ka magpunta may CORRUPTION ang govt kahit dito sa USA maramign corruption na nangyayari...
  • 19  semsem

    07/24/2012 | 06:47 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 07:24 AM
    Kapampangan ka ineng? Naloko ka ba ng recruiter?
    momrogan
    07/24/2012 | 09:22 AM
    I don't think he is bastos. The previous president and her family ripped you off and the the country of it's full potential and she deserved to be chased pay for her bad management
  • 18  jasmyn

    07/24/2012 | 04:58 AM
    Well said! At least nakakaliwanag ng isipan kung ano nga ba ang nangyari, nangyayari at mangyayari sa bansa.... I was one of those who were saying "ningas kugon lang yan!" and wishing sana iba nga sya kesa sa mga past na naupo... And i agree sa ibang pepster na nagsasabi, ung mga taong naghihintay na lang ng biyaya,sana matuto ding magbanat ng buto! Ung mga rally rally, hindi maiiwasan, kasi un lang ang paraan na madaling maiparating sa gobyerno kung ano pa ba ang kulang sa ginagawa... A peaceful rally is welcome, wag lang lalagyan ng gulo.... Well ano pa nga ba ang masasabi ko, sana tuloy tuloy na.... For the good of all filipinos! Keep up the good work!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  abscbn_14344

    07/24/2012 | 01:49 AM
    showbiz government
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:36 AM
    Another one...suko na talaga ako...
    jesseville
    07/24/2012 | 12:25 PM
    another promises ! Puro nalang promise NASAAN ANG TUWID NA DAAN?
    Orangina_123
    07/24/2012 | 12:49 PM
    Imulat mo ang iyong mga mata...at iyong makikita...
  • 16  iam_brainful

    07/24/2012 | 01:24 AM
    Proud to be Kapamilya! CONGRATS Kris and Pnoy!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:35 AM
    Eto pa isa, walang nasa isip kundi network war...mahihirapan si Pnoy Kung ganito ng ganito..
  • 15  jakar

    07/24/2012 | 01:04 AM
    Naku pinoy magagalit ang mga world class fangs nyan... Kc tagalog ang gamit mo...Lam mo na mga nakatuntong lang sa kalabaw feeling mas mtaas p sila rito
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:33 AM
    Kaloka ka gagawin mo na namang network war pati SONA ni Pnoy...get a life iha...
  • 14  msTrue

    07/24/2012 | 12:39 AM
    the best ang SONA ni pinoy ngayong 2012,,, sadyang dapat lang na wikang pilipino ang ginamit nya, maliwanag sa buong sambayanan ang mga iniuulat nya, dapat laging ganito ang sona......mabuhay ka pinoy!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:23 AM
    Mainam din iha na matuto kang mag-english, Malay mo makapag-abroad ka...gudlak ineng...
  • 13  Monicafer

    07/24/2012 | 12:17 AM
    In fairness maraming natutulungan ang mga kapatid ni PNoy. Si Kris kahit ano pa ang pintas ng iba, bukas palad sa pagtulong sa ating mga kababayan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:25 AM
    Saludo talaga ako sa the sisters...sila kaya isunod nating ibotong presidente? Ano sa tingin mo?...
  • 12  lostris

    07/24/2012 | 12:11 AM
    etong mga rallyista, imbes mag aral mabuti, nasa kalye. huwag nyo sana aksayahin mga tax na binabayaran naming mga working mamamayan na ginagastos sa public schools para sa inyo...
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:31 AM
    Hindi po mga estudyante yung rallyista, mga galing pong pampanga ang mga iyon...
    lostris
    07/24/2012 | 01:45 PM
    hindi lahat un galing pampanga. iba't ibang sector un, kasama ibang grupo ng militanteng estudyante....
    Orangina_123
    07/24/2012 | 05:10 PM
    Oo nga, mga estudyante ng pampanga...kapampangan pa rin weh!
  • 11  jakar

    07/23/2012 | 11:44 PM
    Ang solusyon di lang dapat gobyerno ang kumikilos buong mamamayan kung laging waiting mode sa mga biyaya walang mangyayari kilos...at tama na ang anak naging libangan na kc ang paggawa Ng bata wag ng tutulan ang contraceptive atbp... Sa mga criminal nmn ituloy na ang bitay lalo kcng lumalakas ang loob ng mga criminal na yan eh... Good job pinoy... Sana nga praying... Maging maayos na ang lagay ng pilipinas sa pamumuno mo... Goodluck n god bless!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About