"Sa tuwing haharap ako sa isang OFW na nagsasabing, 'Salamat at puwede ko na muling pangaraping tumanda sa Pilipinas,' ang tugon ko: Ikaw ang gumawa nito.
"Sa tuwing haharap ako sa isang Pilipinong nagsasabing, 'Salamat, akala ko hindi na magkakakuryente sa aming sitio. Akala ko hindi ko na aabuting buhay ang liwanag na ganito,' ang tugon ko: Ikaw ang gumawa nito.
"Sa bawat pagkakataon na haharap ako sa isang magsasaka, guro, piloto, inhinyero, tsuper, ahente sa call center, karaniwang Pilipino; sa bawat Juan at Juana dela Cruz na nagsasabing 'Salamat sa pagbabago,' ang tugon ko sa inyo: Kayo ang gumawa nito.
"Inuulit ko po: Posible na ang dating imposible. Humaharap po ako sa inyo ngayon, at sinasabing: hindi ko SONA ito. Kayo ang gumawa nito. SONA ito ng sambayanang Pilipino.
"Maraming, maraming salamat po at magandang hapon po sa lahat."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
30 BrunoEsmeralda
29 zorro_T
28 mrpogiako
27 humandynamics
26 pinasbuzzer
25 ipur
24 TheGMA07
23 halabira
22 rom_05
21 kanguzoGMA7
20 kanguzoGMA7
19 semsem
18 jasmyn
17 abscbn_14344
16 iam_brainful
15 jakar
14 msTrue
13 Monicafer
12 lostris
11 jakar
more comments