news

President Benigno Aquino III's third SONA sends message of hope to Filipinos

by Kathleen Benavidez posted on July 23, 2012  STATS: 117827 Views | 30 Comments

Muling humarap si Presidente Noynoy Aquino sa sambayanang Pilipino para sa taunang State of the Nation Address o SONA. Dito ay ibinida niya ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng tatlong taong panunungkulan niya, at ang mga gagawin pa sa nalalabing apat na taon ng kanyang termino.

Photo By: Noel Orsal

"Ang pumalit po, at pinapalit na: pabahay, tulay, at learning center para sa mga Badjao sa Basilan. Mga community-based hatchery, lambat, materyales para maglinang ng seaweeds, at punlang napakinabangan ng 2,588 na mangingisda. Certified seeds, punla ng gabi, cassava, goma, at mga punong namumunga para sa 145,121 na magsasaka. Simula pa lang po iyan: nakalaan na ang 183 million pesos para sa mga municipal fishing port projects sa ARMM; 310.4 million pesos para sa mga istasyon ng bumbero; 515 million pesos para sa malinis na inuming tubig; 551.9 million pesos para sa mga kagamitang pangkalusugan; 691.9 million pesos para sa daycare centers; at 2.85 billion pesos para sa mga kalsada at tulay na babagtas sa rehiyon. Ilan lang po iyan sa patutunguhan ng kabuuang 8.59 billion pesos na ipinagkaloob ng pambansang gobyerno para isakatuparan ang mga reporma sa ARMM. Lilinawin ko rin po: hindi pa kasama rito ang taunang suportang natatanggap nila, na ngayong 2012 ay umabot sa 11.7 billion pesos.

"Miski po ang mga dating gustong tumiwalag, nakikita na ang epekto ng reporma. Kinikilala natin bilang pahiwatig ng kanilang tiwala ang nakaraang pitong buwan, kung kailan walang nangyaring sagupaan sa pagitan ng militar at ng MILF. Sa peace process naman po: hayag at lantaran ang usapan; nagpapamalas ang magkabilang panig ng tiwala sa isa’t isa. Maaaring minsan, magiging masalimuot ang proseso; signos lang po ito na malapit na nating makamit ang nag-iisa nating mithiin: Kapayapaan.

"Mapayapang pag-uusap rin po ang prinsipyong isinulong natin upang mabuo ang ating Executive Order ukol sa pagmimina. Ang kaisipan sa likod ng nabuong consensus: mapakinabangan ang ating likas na yaman upang iangat ang buhay ng Pilipino, hindi lamang ngayon kundi pati na rin sa susunod na salinlahi. Hindi natin pipitasin ang ginintuang bunga ng industriyang ito, kung ang magiging kabayaran ay ang pagkasira ng kalikasan.

"Ngunit unang hakbang lamang ito. Isipin po ninyo: Noong 2010, 145 billion pesos ang kabuuang halaga na nakuha mula sa pagmimina, subalit 13.4 billion pesos lamang o siyam na porsyento ang napunta sa kaban ng bayan. Ang likas na yaman, pag-aari ninyo; hindi tayo papayag na balato lang ang mapupunta sa Pilipino. Umaasa po tayo sa pakikiisa ng Kongreso upang makapagpasa ng batas na sisigurong napapangalagaan ang kalikasan at matitiyak na makatarungan ang magiging pakinabang ng publiko at pribadong sektor sa mga biyayang makukuha natin mula sa industriyang ito.

DISASTER MANAGEMENT. "Pag-usapan po natin ang sitwasyon sa Disaster Risk Reduction and Management. Dati, ang gobyernong dapat tumutulong, nanghihingi rin ng tulong. Ngayon, nasa Pasipiko pa lang ang bagyo, alam na kung saan idedestino ang ayuda, at may malinaw nang plano upang maiwasan ang peligro.

"Tuwing pag-uusapan nga po ang sakuna, lagi kong naaalala ang nangyari po sa amin sa Tarlac noong minsang bumagyo. Sa lakas ng ulan, bumigay ang isang dike. Nang nagising ang isang barangay captain, tinangay na ng baha ang kanyang pamilya at mga kagamitang pangsaka. Buti nga po’t nakaligtas ang buong mag-anak. Malas lang po ng kalabaw nilang naiwang nakatali sa puno; nabigti ito sa lakas ng ragasa.

"Walang kalaban-laban din po ang marami sa tinamaan ng bagyong Ondoy, Pepeng, at Sendong. Napakarami pong nasawi sa paghagupit ng mga delubyong ito. Sa ilalim ng bagong-lunsad na Project NOAH, isinakay natin sa iisang bangka ang mga inisyatiba kontra-sakuna, at hindi na rin po idinadaan sa tsamba ang paglilikas sa mga pamilya. Gamit ang teknolohiya, nabibigyan na ng wastong babala ang Pilipino upang makapaghanda at makaiwas sa disgrasya.

"Real-time at direkta na ang pakinabang ng walumpu’t anim na automated rain gauges at dalawampu’t walong water level monitoring sensors natin sa iba’t ibang rehiyon. Bago matapos ang 2013, ang target natin: animnaraang automated rain gauges at apatnaraan at dalawampu’t dalawang water level sensors. Ipapakabit po natin ang mga ito sa labingwalong pangunahing river basins sa buong bansa.

"Isa pa pong pagbabago: Dati, ang mga ahensya’y kanya-kanyang habulan ng numero, kanya-kanyang agenda, kanya-kanyang pasikatan. Ngayon, ang kultura sa gobyerno: bayanihan para sa kapakanan ng taumbayan. Convergence po ang tawag natin dito.

"Dati pa naman po naglipana ang mga programa sa tree planting. Pero matapos magtanim, pababayaan na lang ang mga ito. Kapag nakita ng mga komunidad na naghahanap din ng kabuhayan, puputulin ang mga ito para gawing uling.

"May solusyon na po rito. Mayroon na pong 128,558 hectares ng kagubatang naitanim sa buong bansa; bahagi lang po iyan ng kabuuang 1.5 million na ektaryang matatamnan bago tayo bumaba sa puwesto. Nakapaloob po rito ang mga komunidad na nasa ilalim ng National Convergence Initiative. Ang proseso: pagkatanim ng puno, makikipag-ugnayan ang DSWD sa mga komunidad. Kapalit ng conditional cash transfer, aalagaan ang mga puno; mayroon ding mga magpapalago ng bagong punla sa nursery. 335,078 na po ang mga Pilipinong nakakakuha ng kabuhayan mula dito.

"Sa isa nga pong programa, nakiambag din ang pribadong sektor, na nagbibigay ng espesyal na binhi ng kape at cacao sa komunidad, at tinuturuan silang alagaan at siguruhing mataas ang ani. Itinatanim ang kape sa lilim ng mga puno, na habang nakatayo ay masisigurong hihigop ng baha at tutulong makaiwas tayo sa pinsala. Ang kumpanyang nagbigay ng binhi, sure buyer na rin ng ani. Panalo po ang mga komunidad nay may dagdag kita, panalo ang pribadong sektor, panalo pa ang susunod na salinlahing makikinabang sa matatayog na puno.

"Matagal na pong problema ang illegal logging. Mula nga po nang lumapag ang EO 23, nakasabat na si Mayor Jun Amante ng mahigit anim na milyong pisong halaga ng troso. Nagpapasalamat tayo sa kanya. Sa Butuan pa lang ito; paano pa kung magpapakita ng ganitong political will ang lahat ng LGU?

"Ang mga trosong nakukumpiska ng DENR, lalapag sa mga komunidad na naturuan na ng TESDA ng pagkakarpintero. Ang resulta: upuan para sa mga pampublikong paaralan na hawak naman ng DepEd. Isipin po ninyo: ang dating pinagmumulan ng pinsala, ngayon, tulay na para sa mas mabuting kinabukasan. Dati, imposible nga ito: Imposible kung nagbubulag-bulagan ang pamahalaan sa ilegal na gawain.

"Kaya kayong mga walang konsensya; kayong mga paulit-ulit isinusugal ang buhay ng kapwa Pilipino: maghanda na kayo. Tapos na ang maliligayang araw po ninyo. Sinampolan na natin ang tatlumpu’t apat na kawani ng DENR, isang PNP provincial director, at pitong chief of police. Pinagpapaliwanag na rin po natin ang isang Regional Director ng PNP na nagbingi-bingihan sa aking utos at nagbulag-bulagan sa mga dambuhalang trosong dumaan sa kanilang tanawin. Kung hindi kayo umayos, isusunod namin kayo. Magkubli man kayo sa ilalim ng inyong mga padrino, aabutan namin kayo. Isasama na rin namin ang mga padrino ninyo. Kaya bago pa magkasalubong ang ating landas, ako po’y muling makikiusap, mas maganda sigurong tumino na kayo.

« Prev  1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

30 Comments

  • 30  BrunoEsmeralda

    07/25/2012 | 11:15 AM
    PURO PAG ASA, PURO REVENGE. Hanggang ngayon BITTER pa rin ang kasalukuyang administration sa Gloria Macapagal Arroyo Regime dahil puro PAPURI ng present administration ang kanilang ini report noong nakaraang Monday sa SONA. Yung mga improvements sa stats, sana ma equate naman sa QUALITY. All WORDS but actual benefits to the public nationwide still not delivered.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  zorro_T

    07/25/2012 | 08:47 AM
    si Pnoy di nakapalag sa Tsina na ideclare ang isa sa mga island sa Paracel Islands na city of China. puro dakdak wala naman magawa. takot kumprantahin ang tsina baka mabutata ang bilyon bilyon tulong galing sa tsina.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    alexitorin
    07/25/2012 | 08:56 AM
    zorro, ang laki ng inutang ni Gloria Macapagal Arroyo s China. Nasaan ang mga bilyones na ito? Mga apo mo at kaapu apuhan, baon pa rin sa utang. You need to read and understand better hindi iyong dada ka ng dada na wala ka namang alam.
  • 28  mrpogiako

    07/25/2012 | 08:29 AM
    PNOY is the worst leader in the world.. according iyan sa isang International survey.. 2nd Hitler and 3rd is Sadam. Atleast nasa Guiness Book of World record tayo. Good job PNOY.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    humandynamics
    07/25/2012 | 08:45 AM
    you must be having good dinner conversastion at your home, saang hate store nabibili ng nanay mo ang librong binabasa niyo?!
    alexitorin
    07/25/2012 | 08:59 AM
    humandynamics, I agree. Mukhang walang alam ang mga ito at maliban sa pudpod, bao pa ang utak. Where do you get your facts mrpoglako ?
  • 27  humandynamics

    07/25/2012 | 07:38 AM
    kayong mga kritiko ni Pnoy makakatulong din kayo sa gobyerno kung gusto niyo.. ITIGIL na ninyo ang pag ihi sa mga pader HINDI KAYO ASO, para hindi bumantot ang kapaligiran. ITIGIL na rin ang pagtapon niyo ng basura kung saan saan para hindi laging mukhang third world country ang pinas.. wala na nga kayong PRIDE sa sarili niyo, pati bansa niyo dinadamay niyo. kung walang trabaho kayong mahanap imbis na pakalat kalat sa lansangan ang mga anak niyo, PALIGUAN AT ALAGAAN niyo.. ang gagaling niyong mambatikos pero puro langaw naman ang kapaligiran ng mismong bahay niyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  pinasbuzzer

    07/25/2012 | 06:05 AM
    nakakalungkot diman lng kmi naalala kaming Mga OFW
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  ipur

    07/24/2012 | 06:00 PM
    kudos to our president PNoy... spread more good news, please like "Good News.Philippines" on FB...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jesseville
    08/01/2012 | 01:24 PM
    only good news? Wala lang gingawa ang presidente natin? Ok lang sa yo ang mga good news galing sa kanya na wala namang katotohanan?
  • 24  TheGMA07

    07/24/2012 | 02:11 PM
    PNoy has more improvement that the previous Administrations, Hindi lang nararamdaman nang mga pinoy yan kasi puro 'negativity' ang palaging napupuna at mas naghihirap kasi mismong sarili hindi kayang pagsumikapan... I'm not PRO-Pnoy nor Anti-Pnoy, pero sa tingin ko SLOWLY but surely yung ginagawa nilang hakbang para mas mapatupad yung mga plataporma.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jennybelle08
    07/25/2012 | 01:06 PM
    I agree.. sa lahat ng presidente na nagsosona noon .. si president pnoy lang ang masnaiintindihan natin yung Sona niya lahat tagalog talaga and thats good!.. na impressed ako kc yung sona niya naiintindihan natin.. mas may improvements ang phil. ngayun kumpara noon...
  • 23  halabira

    07/24/2012 | 11:08 AM
    As usual, ang sona ay di sumasalamin ng katotohanan!sana mapasyal ka sa western visayas,napakahirap na ng buhay ngayon at makita mo rin kung paanong yumayaman ang mga politiko namin lalo na sa aklan!pwe!puro salita, di namin naramdaman ang sinabi mo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:19 AM
    Ikaw ang taga-aklan, ikaw ang unang kumilos Laban sa sinasabi mong abusadong politiko nyo doon...
  • 22  rom_05

    07/24/2012 | 10:57 AM
    hindi naman kataasan ang expectation ko sa kanya so chillax lang ako. As long as hindi naman siya gumagawa ng mga bagay that will negatively impact the economy i think magiging okay tayo. Yun lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:14 AM
    Tarush!...Pero Ito may utak...
  • 21  kanguzoGMA7

    07/24/2012 | 10:40 AM
    PNOY made a promise bago matapos ang term niya........di ko expect magagawa niiya lahat lahat yun pero kung matupad niya karamihan ng pangako niya WE NEED TO RESPECT HIM............pero kung di niya magagawa karamihan ng pangako niya papanig ako sa inyong mga ANTI-PNOY
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:14 AM
    Balimbing
    heavensent143
    07/24/2012 | 01:44 PM
    Sa kadami damming problem na naiwan sa kanya, u think ma solve Nya lahat... He did a lot of progress kaya in fairness to him.. Bigyan mo sya ng magic wand para magawa Nya lahat, or else tumulong ka na Lang kaya para sa Ikauunlad ng bans a natin... Dami mong satsat.....
    Orangina_123
    07/24/2012 | 04:07 PM
    O ayan, nadale ka tuloy...pak!
    kanguzoGMA7
    07/25/2012 | 07:24 AM
    wala akong magagawa ko mahina utak niyong dalawa ORANGINA at HEAVENSENT kung di niyo na GETS ibig kong sabihin bwahaahaha.......KAYA WALANG PAG ASA UMASENSO PILIPINAS ORANGINA AT HEAVENSENT DAHIL SA MAKIKITID NIYONG UTAK DALAWA bwahaahahaaha
  • 20  kanguzoGMA7

    07/24/2012 | 08:01 AM
    masasabi ko lang nagkaroon ng lamat ang CORRUPTION sa pilipinas ng ma convict si THIE JUSTICE CORONA..........di basta basta mawawala ang corruption at least may nagawa si PNOY..........sana ma convict ni PNOY ang mas masahol pa kay MARCOS si PANDAK ARROYO
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:20 AM
    Si thief justice ba kamo?
    jesseville
    07/24/2012 | 12:19 PM
    DI Ba sa hanay naman ng mga tauhan ni P-Noy nagkalat ang mga corrupt! Ang dami nyang mga alipores na may mga anomaliya pero dedma lang sya! May tauhan syang may anomaliya sa high powered weapon at DVD pro walang aksyon ang palasyo! F gusto niya nga pag babago o tuwid na daan, mag walis muna cya sa bahay niya bago sa mga kapitbahay! Bakiy di niya kayang linisin mismong bahay nya?
    Orangina_123
    07/24/2012 | 12:46 PM
    Manang Gloria ikaw ba yan?
    kanguzoGMA7
    07/25/2012 | 07:31 AM
    JESSEVILLE BIGYAN MO NG MAGIC WAND SI PNOY GAYA NG SABI NG IBA DYAN MAWAWALIS NIYA SARILING BAHAY..........kahit saan bansa ka magpunta may CORRUPTION ang govt kahit dito sa USA maramign corruption na nangyayari...
  • 19  semsem

    07/24/2012 | 06:47 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 07:24 AM
    Kapampangan ka ineng? Naloko ka ba ng recruiter?
    momrogan
    07/24/2012 | 09:22 AM
    I don't think he is bastos. The previous president and her family ripped you off and the the country of it's full potential and she deserved to be chased pay for her bad management
  • 18  jasmyn

    07/24/2012 | 04:58 AM
    Well said! At least nakakaliwanag ng isipan kung ano nga ba ang nangyari, nangyayari at mangyayari sa bansa.... I was one of those who were saying "ningas kugon lang yan!" and wishing sana iba nga sya kesa sa mga past na naupo... And i agree sa ibang pepster na nagsasabi, ung mga taong naghihintay na lang ng biyaya,sana matuto ding magbanat ng buto! Ung mga rally rally, hindi maiiwasan, kasi un lang ang paraan na madaling maiparating sa gobyerno kung ano pa ba ang kulang sa ginagawa... A peaceful rally is welcome, wag lang lalagyan ng gulo.... Well ano pa nga ba ang masasabi ko, sana tuloy tuloy na.... For the good of all filipinos! Keep up the good work!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  abscbn_14344

    07/24/2012 | 01:49 AM
    showbiz government
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:36 AM
    Another one...suko na talaga ako...
    jesseville
    07/24/2012 | 12:25 PM
    another promises ! Puro nalang promise NASAAN ANG TUWID NA DAAN?
    Orangina_123
    07/24/2012 | 12:49 PM
    Imulat mo ang iyong mga mata...at iyong makikita...
  • 16  iam_brainful

    07/24/2012 | 01:24 AM
    Proud to be Kapamilya! CONGRATS Kris and Pnoy!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:35 AM
    Eto pa isa, walang nasa isip kundi network war...mahihirapan si Pnoy Kung ganito ng ganito..
  • 15  jakar

    07/24/2012 | 01:04 AM
    Naku pinoy magagalit ang mga world class fangs nyan... Kc tagalog ang gamit mo...Lam mo na mga nakatuntong lang sa kalabaw feeling mas mtaas p sila rito
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:33 AM
    Kaloka ka gagawin mo na namang network war pati SONA ni Pnoy...get a life iha...
  • 14  msTrue

    07/24/2012 | 12:39 AM
    the best ang SONA ni pinoy ngayong 2012,,, sadyang dapat lang na wikang pilipino ang ginamit nya, maliwanag sa buong sambayanan ang mga iniuulat nya, dapat laging ganito ang sona......mabuhay ka pinoy!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:23 AM
    Mainam din iha na matuto kang mag-english, Malay mo makapag-abroad ka...gudlak ineng...
  • 13  Monicafer

    07/24/2012 | 12:17 AM
    In fairness maraming natutulungan ang mga kapatid ni PNoy. Si Kris kahit ano pa ang pintas ng iba, bukas palad sa pagtulong sa ating mga kababayan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:25 AM
    Saludo talaga ako sa the sisters...sila kaya isunod nating ibotong presidente? Ano sa tingin mo?...
  • 12  lostris

    07/24/2012 | 12:11 AM
    etong mga rallyista, imbes mag aral mabuti, nasa kalye. huwag nyo sana aksayahin mga tax na binabayaran naming mga working mamamayan na ginagastos sa public schools para sa inyo...
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:31 AM
    Hindi po mga estudyante yung rallyista, mga galing pong pampanga ang mga iyon...
    lostris
    07/24/2012 | 01:45 PM
    hindi lahat un galing pampanga. iba't ibang sector un, kasama ibang grupo ng militanteng estudyante....
    Orangina_123
    07/24/2012 | 05:10 PM
    Oo nga, mga estudyante ng pampanga...kapampangan pa rin weh!
  • 11  jakar

    07/23/2012 | 11:44 PM
    Ang solusyon di lang dapat gobyerno ang kumikilos buong mamamayan kung laging waiting mode sa mga biyaya walang mangyayari kilos...at tama na ang anak naging libangan na kc ang paggawa Ng bata wag ng tutulan ang contraceptive atbp... Sa mga criminal nmn ituloy na ang bitay lalo kcng lumalakas ang loob ng mga criminal na yan eh... Good job pinoy... Sana nga praying... Maging maayos na ang lagay ng pilipinas sa pamumuno mo... Goodluck n god bless!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About