news

President Benigno Aquino III's third SONA sends message of hope to Filipinos

by Kathleen Benavidez posted on July 23, 2012  STATS: 117826 Views | 30 Comments

Muling humarap si Presidente Noynoy Aquino sa sambayanang Pilipino para sa taunang State of the Nation Address o SONA. Dito ay ibinida niya ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng tatlong taong panunungkulan niya, at ang mga gagawin pa sa nalalabing apat na taon ng kanyang termino.

Photo By: Noel Orsal

Tumutok ang maraming Pinoy mula alas-kuwatro ng hapon hanggang alas-sais ng gabi kanina, July 23, para sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Gaya ng nakagawian na, inihayag ni PNoy ang kanyang SONA sa Session Hall ng House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City.

Binantayan ang bawat pahayag ng Pangulo tungkol sa mga nagawa na ng kanyang administrasyon sa loob ng unang tatlong taong panunungkulan, at ang mga gagawin pa sa nalalabing apat na taon ng kanyang termino, sa larangan ng kalusugan, edukasyon at ekonomiya, agrikultura, at imprastraktura.

Hindi rin kinalimutan ng Pangulo ang isyu ng pakikipaglaban para sa mga teritoryo sa West Philippine Sea at ang patuloy na paghahanap ng hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao Massacre.

Pagkatapos ng SONA ni Pangulong Aquino ay sari-saring opinyon ang lumabas sa social networking sites, lalo na sa Twitter.

Naging trending topic pa nga ang mga katagang “Responsible Parenthood,” na ayon sa ABS-CBN broadcast journalist na si Lynda Jumilla ay tumutukoy sa isa sa mga pinakamainit na isyu ngayon—ang Reproductive Health Bill.

Ang buong tweet ni Lynda Jumilla: “Palace source: ‘responsible parenthood’ as mentioned by pnoy in#SONA2012, is malacañang's preferred term for RH bill.”

Marami ang natuwa sa SONA ng Pangulo na naging “magaan” daw dahil sa pagbibiro nito at sa mga mensaheng puno ng pag-asa, tulad ng linyang: “Ang sarap maging Pilipino sa mga panahong ito.”

Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan ang mga bumabatikos at pumupuna sa mga kakulangan diumano ng SONA, tulad ng hindi pagbanggit ng Pangulo sa Freedom of Information Bill.

Sa kabuuan, naging positibo ang mensahe ng SONA, na nagpabatid sa publiko na posible ang mga pagbabagong ipinangako ng Presidente.

Narito ang kabuuang State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino:

"Maraming salamat po. Maupo po tayong lahat.

"Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga kagalang-galang na miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga pinuno ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa kong nagseserbisyo sa taumbayan; at siyempre sa akin pong mga boss, magandang hapon po.

"Ito po ang aking ikatlong SONA, at parang kailan lang nang nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daan. Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan.

"Dalawang taon na ang nakalipas mula nang sinabi ninyo, 'Sawa na kami sa korupsyon; sawa na kami sa kahirapan.' Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang tunay na kakampi ng taumbayan.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

30 Comments

  • 10  shidax

    07/23/2012 | 11:12 PM
    maraming salamat sa iyo mahal kong presidente.sana tuloy tuloy na ang pagbabago sa ating bansa at sa pagiging lider mo tutulungan ka naming itaas ang ating bansang minamahal.mabuhay presidente aquino!!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:26 AM
    Grace lee? Ikaw ba yan?
  • Im_just_here

    07/23/2012 | 11:11 PM
    Sa pagbasa ko sa kanyang talumpati, para akong naliwanagan na may pag asa ang pilipinas. Sana tuloy tuloy na para makauwi na dyan sa atin. Nakakapagod na rin mag trabaho dito sa ibang bansa. Kasi sa totoo lang, sa isang buwan sahod ko bilang teacher dito sa china, aabutin ng 6 na buwang sahod dyan sa pinas. Kaya sino ba namn ayaw mag tiis kait naiipit sa mga pambubuly ng mga intsik...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    cyberonline
    07/23/2012 | 11:29 PM
    be-nu-bully kayo ng mga intsik jan? hirap nun ha. tsk tsk tsk...
    Orangina_123
    07/24/2012 | 11:34 AM
    Tama yan, Dyan ka na nga muna ineng sa china...nasa palad mo ang solusyon para di na tayo binu-bully ng china...kaw ang pag-Asa...maaari mo bang Lagyan ng Lason ang pagkain dyan sa canteen ng school Ninyo?...unahin mo ang principal, then lipat ka uli ng ibang school, hanggang maubos sila...
  • longbeach

    07/23/2012 | 10:32 PM
    a warm of applause to our president NOY...talagang hindi nag kamali ang mga pilipinong bumoto sa yo...now i can really say i'm proud to be a filipino...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:20 AM
    I'm not proud of your English grammar...nagkamali ang teacher mo, Hindi ka dapat ipinasa...
  • iam_brainful

    07/23/2012 | 10:12 PM
    Isa itong prove na hindi tayo nagkamali sa pag idol sa nag iisang Queen of All Media Miss Kris Aquino. Thats why I LOVE kris!!! Sana mas marami pang matulungan ang Aquino family sa bansa naten lali na yun mga poors.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 07:28 AM
    Ok na rin, wag Lang katihin uli si krissy...
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:22 AM
    Mabuhay ang ating pangulo...pangulong kris Aquino...
  • bigfoot12

    07/23/2012 | 09:52 PM
    kudos to pnoy for a wonderful report! sa mga raliyista nmn, sana paminsan minsan ilagay lng sa lugar ang mga pagkilos nila at di n makadagdag sa pasanin ng bayan.. di ba pedeng magprotesta ng walang sakitan.. hindi iisa ang problema ng pangulo, sana maisip naten ang mga solusyon at hindi tayo dumagdag sa mga kelangan ng solusyon.. i'm looking forward for another year of clean governance!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:28 AM
    Sa mga rallyista, gumilid lang daw po ng kalsada hiling ni bigfoot
  • Deane_2005

    07/23/2012 | 09:18 PM
    one of the best SONA so far...sana makarating na yung sinasabi ng presidente na modernization sa AFP ...para mabatayan na natin yung bansa sa mga gahamang tao
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:27 AM
    Hindi po bansa manang, islands Lang po...
  • greencardholder

    07/23/2012 | 09:16 PM
    At isa pang maganda sa SONA ay tagalog ito. Napakadaling intindihin ng karamihan sa mga Pinoy. God bless the Philippines!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    jakar
    07/23/2012 | 11:39 PM
    Kc di sya self proclaime na world class with affluent in english pa... Lol
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:27 AM
    Next year daw in English na, so pag-aralan mo na para gets mo na...
  • redsand

    07/23/2012 | 09:14 PM
    I LOVE PNOY Sona2012. Very truthful. Inspiring. Sincere and Full of Hope. I love being Filipino.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • p4n4lo

    07/23/2012 | 08:45 PM
    isang milyong palakpak ako sa responsible parenthood...no to tapon ng baby sa harap ng simbahan o sa basurahan...ang kaunlaran ng bayan nagsisimula sa bawat pamilya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:25 AM
    Ineng baka mamaga ang kamay mo...isang milyong palakpak?
  • chikorita_pikachu

    07/23/2012 | 08:02 PM
    sana huwag nya hayaan ibully ng china ang Pinas at makuha ang panatag shore..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 09:24 AM
    Sure ka? Panatag shore?
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About