news

PNoy’s third SONA draws positive response from most politicians

by Nerisa Almo posted on July 24, 2012  STATS: 24949 Views | 16 Comments

Karamihan ng mga pulitikong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay nagsabing ang mga inihayag ni PNoy sa kanyang ikatlong SONA ay makatotohanan, kung pagbabasehan ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng tatlong taong panunungkulan.

Photo By: Noel Orsal

Bagamat itinuturing na pinakamahabang State of the Nation Address (SONA) sa kasaysayan ng Pilipinas ang inilahad ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon, Hulyo 23, tumutok pa rin ang sambayanang Pilipino sa paglalahad niya ng mga nagawa at mga gagawin pa lamang ng kanyang administrasyon.

Sa loob ng halos isa't kalahating oras, ang ikatlong SONA ni PNoy ay nakatanggap ng 119 na palakpakan mula sa mga panauhin sa Session Hall ng House of Representatives, sa loob ng Batasan Pambansa Complex, Quezon City.

Ilan sa mga isyung binanggit ni PNoy sa kanyang SONA—na lubos na pinalakpakan ng mga senador, kongresista, at iba pang mga panauhin—ay ang tinawag niyang “responsible parenthood,” na iniuugnay sa usapin ng Reproductive Health Bill; ang pagtaas ng budget para sa edukasyon; at mga programang pang-agrikultura at imprastraktura.

Kasama rin sa mga susunod na plano ng administrasyong Aquino ang pagkakaroon ng mas modernong kagamitan para sa sandatahang lakas at ang pagkikipaglaban para sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.

(CLICK HERE to read related article.)

Nang matapos ang SONA ni Pangulong Aquino, agad na kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga nakaantabay na mamamahayag sa Batasan Pambansa, ang reaksiyon ng mga pulitikong nakinig sa loob ng Session Hall.

Karamihan sa kanila ay positibo ang naging pagtanggap sa ikatlong SONA ng Pangulo.

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY. Si Bise Presidente Jejomar Binay, na hindi ka-partido ng Presidente ngunit kaalyado nito, ay nagsabing, “Napakaliwanag ng sinabi ng Pangulo sa repormang nagawa niya.

“Itong mga ginawa niya ay hindi nagawa noong nakaraang administrasyon.

“So, asahan niyo naman na ang kanyang gabinete ay nagpupursige para matamo ang kanyang mga pinapakita.”

SENATOR JINGGOY ESTRADA. Ganito rin halos ang reaksiyon ni Senator Jinggoy Estrada nang makausap siya sandali ng ilang press. Hindi rin ka-partido ng senador ang Presidente at hindi rin niya ito kaalyado sa lahat ng isyu.

Aniya, “Ako, I’m very proud to be a senator during his leadership.

“His speech was very, very realistic and very, very doable.

“It’s doable in the sense na they’re achievable in terms of infrastructure, sustainable program… Everything he said, I think, they’re all acceptable.”

Gayunman, umaasa si Senador Estrada na hindi nalilimutan ng Pangulo ang kanyang mga naunang naipangako sa bayan.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  washdckami

    07/24/2012 | 08:38 PM
    ako dati ayaw kong mag bangko sa pinas.. pero ngayon dahil balik tiwala na ako sa gobyerno nag start na uli akong ipon dyan. kailangan talaga kasi para kahit man lang sa dolar na iniipon dyan pag napagsama sama ng nasa labas ng bansa ay makatulong din sa pinas
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  chowee143

    07/24/2012 | 07:31 PM
    I commend pnoy sa pag sasalita ng tagalog sa sona nya, mas lalong na intindihan ng bwat filipino at detalyado. mahirap intindihin at boring nga nmn kung english at malalalim png term ang gagamitin. dpt sna if may sona tagalog ang wika ng sa ganun lht mka intindi. aminin man o hindi higit na nkararami ang hirap umintindi pag english ung iba nag pi pretend na naintindhan pra lng masabi " galing mo mag english pare! or edukado" I. for one, hirap intindihin pag english ang sona.. ngyn ko lng na appreciate ang sona. congrats kay pnoy at sa nag suggest gawin tagalog sona mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  flightforge29

    07/24/2012 | 02:47 PM
    Sana dumating yong point in time, na tayo na namang mga Pinoy ang titingalain ng ibang bansa. Napakalaking populasyun ,pero kayang pakainin at buhayin ang lahat ng mga mamayan nito sa pamamagitan ng kinikita nito sa pangangalakal at turismo. At kung mayroon mang mga tinatagong mapagkukunan ng natural gas at enerhiya ang Pinas para magboast ang ekonomiya nito, sana magalugad na ito at madevelop ng sa ganoon mas makatulong pa ito sa ikauunlad ng bansa. Pag nagkataon, kukunti na lang na mga Pinoy na lalabas ng bansa para magtrabaho. Sana matulad tayo sa Japan na halos wala akong makitang OFW na Japanese. Kung mayroon man, pinadala sila ng bansa nila for business and advisory cause para sa isang project or business deals. Kaya kasing buhayin ng gobyerno ng Japan ang lahat ng mga mamamayan nito kaya hindi na nila kailangang mangibang bansa pa. Sana maging ganito din balang araw ang Pilipinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  iloveJL

    07/24/2012 | 11:19 AM
    I LOVE PNOY!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kinabog

    07/24/2012 | 10:48 AM
    ANg ayoko lang dito sa SONA, naninisi sa dating administrasyon. Hindi nya ba alam na ang GMA administration ang nagbigay daan para maabot natin ang mga to ngayon? Natatandaan ko pa nung SONA ni GMA na makikita ang mag resulta ng mga ginawa nila sa susunod na mga administrasyon. Most of GMA platforms eh pinagpatuloy lang si Pnoy at yung hindi naging successful na project, inayos nya. Kapag dumating ang susunod na administrasyon, gugustuhin ba ni PNOY at sisihin sya dahil ang ilang projecst nila eh nila matagumpay? Sana sa susunod na SONA, wala ng ganyan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    chypre2013
    07/24/2012 | 02:05 PM
    para sa akin hindi pagninisi yon kundi nagsasalita lang sya kung ano ang kanyang nakikita....lol truth hurts ika nga....
  • 11  kinabog

    07/24/2012 | 10:42 AM
    Ang magreklamo ay hindi nangangahulugan walang ginagawa kundi manggulo lamang. Ang bansang Singapore, hindi nyo ba alam na most of the reason bakit gumanda ang sistema nila dahil mareklamo ang mga singaporeans? Konti hindi tama sa paligid nila at kung tingin nila pangit ang sistema, magrereklamo mga yan. Tayo kasing mga pinoy mahilig tayo sa "bahala na yan" "ok na yan" "pwede na yan". Walang perpektong administrasyon kaya wag nyo sisihin ang mga nag rarally dahil isang mukha yan na may mali pa rin sa sistema ng gobyerno at kailangan tignan at solusyunan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  twozerofive

    07/24/2012 | 10:11 AM
    Kayong mga haters, makakaawa kayo... Tumulong na Lang kasi kayo... Simulan nyo dito sa pep, iwasang maging hater, ok???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexitorin

    07/24/2012 | 09:59 AM
    Napansin ko lang kay Noli De Castro, parang may itinatagong galit kay PNoy. Kabayan, punong puno ka ng negative comments sa SONA pero nahihirapan kang magbigay ng positive feedback. Instead of wasting your time and focusing your energy sa mga patama mo sa current administration, like a man with a chip on his shoulders, i.e. sourgrapes, why don't you say something positive to give at least an incentive to our countrymen to work together. Kung tutuusin, sana idinamay ka na rin kay Gloria sa pagka kurakot. Wala naman kayong nagawa sa administration ninyo ni GMA kung hindi and magpa yaman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • petiteclau

    07/24/2012 | 07:23 AM
    Ang mahirap sa mga pinoy ay umaasa At isinisisi sa Pangulo ang kahirapan di na lang magsumikap para umunlad sila ..lahat naman ng bansa ay may mahirap at mayaman nasa tao na lang ang gawa..nakakainis tignan ang ralliyista dapat sa kanila di binibigyan ng maximum tolerance kasi sila mismo ang naguumpisa ng gulo kaya dapat maparusahan ...kudos PNoy i am one of your supporter...
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    BlueBonnet
    07/24/2012 | 08:44 AM
    Magaling lang ang karamihan sa mga pinoy sa reklamo pero pag sa gawa mga tamad. Mga walang disiplina sa sarili. Ang mga estero, ilog Pasig mga kalye ang dudumi kasi dyan tinatapon ang mga basura tapos e sisi sa gobyerno. Ang mga nagrarally kung nagtrabaho sila e di sana may natapos silang trabaho kahit man lang naglinis sila lang kanilang bahay. Rally ng Rally Magtapang tapangan tapos pag nasaktan dahil din sa kanilang kagagawan magrereklamo.
    alexitorin
    07/24/2012 | 09:51 AM
    BlueBonnet I couldn't agree with you more. Tamang tama ka. You hit the spot. Ang nakakaloka pa, rally ng rally pero karamihan sa kanila, hindi sigurado kung BAKET sila nagra rally. Walang patutunguhan.
    chypre2013
    07/24/2012 | 02:09 PM
    lol pwd naman yan....bago sila bigyan ng permit to rally dapat meron silang 3 days seminar for economics....para maintindihan nila kung ano ang nangyayari sa ating bansa....; after that....they can rally.....kasi pansin ko lang parang hindi nga nakapagtapos ng college yong maraming ralliesta....intindihin na lang natin....:D
    chowee143
    07/24/2012 | 07:44 PM
    kaya po cla nag rarally kc may bayad po per day , sayang ung bayad pang buy din ng bigas hehehehe! yan ang hrap sa mga pnoy puro short term ang iniiisip, katulad sa mga bumibili ng boto kya nalulukluk sa pwesto ang mga kawatan and nde nila alam walang ggwin ung binoto nila kundi nakawan cla hanggat nka upo ang binoto nila at iiwan clang mas mahirap pa sa daga.
  • Deane_2005

    07/24/2012 | 07:16 AM
    let's do our share as Filipinos hindi naman kaya yan ng Presidente dapat mag tulungan bawat Filipino just like yung ginagawa ng mga Chinese sa kapwa nila..Enough na yung crab mentality ...at yung mga nega tulad ng mga militante na protesta ng protesta na wala naman ginawa kundi mag protesta lang ...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    BlueBonnet
    07/24/2012 | 08:45 AM
    Dyan lang kasi sila magaling. Ang magreklamo!
    redprince
    07/25/2012 | 02:50 AM
    Mga tamad at walang magawa sa buhay ang mga marereklamong yan kahit sino ilagay mong presidente, magrereklamo ang mga yan. Gusto nila lahat instant!
  • Americangirl

    07/24/2012 | 07:15 AM
    Mabuhay ka Pangulong Noynoy Aquino. I have never been prouder to be a Pinoy than now. Kung dati ay sobrang nakakahiya ang bansa natin dahil sa kurkakot na Presidente at Politico ..ngayon, marami na akong naririning na positibong komento sa bansa natin kahit pa sa mga Amerikano dito sa Amerika. Again, Mabuhay at Salamat.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    redprince
    07/25/2012 | 02:49 AM
    I totally agree
  • pinayforever2

    07/24/2012 | 06:58 AM
    Lahat naman ng sonas ng lahat ng presidente ng ibat ibang bansa ay positive ang sinasabi at message of hope. Pero dami pa ring loko sa atin dyan lang sa NAIA pagdating mo pa lang umpisa na, lol, hanggang sa pag-alis mo. Di mo rin masisi minsan dahil dala rin ng hirap ng buhay.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    redprince
    07/25/2012 | 02:48 AM
    Miss... NAIA is not the whole Philippines. They are working on it already after pabayaan ng previous presidents. Ang babas lang ng argument.
    redprince
    07/25/2012 | 02:49 AM
    Ang babaw ng argument.
  • worryfreebabe

    07/24/2012 | 06:15 AM
    i didnt vote for noynoy .. but when he won .. i think siya yung binigay ng Diyos to help our country .. at least di siya corrupt .. our country wont prosper if we wont help him .. let us do our share .. at least begin on each family .. ayusin natin buhay natin at pamilya .. at magiging sunod sunod na yan .. pag babago sa sarili at sa paligid .. let us pray that others who always oppose will help too .. its about time to heal our country .. this is ours .. mahalin natin at huwag sirain ..
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    chypre2013
    07/24/2012 | 02:11 PM
    hehehe check mo yong astrological ni pnoy...then you will amazed kung ano ang makikitang mong characteristic....:D i wont tell it kung ano pero hanapin mo ;
    redprince
    07/25/2012 | 02:47 AM
    Chypre2013... Cant help but to reply sa comment. Astrological ni pinoy? Hala! No wonder, some of us are still... You know what.
  • Darlings

    07/24/2012 | 05:38 AM
    I am huge Aquino supporter and I am a glad I made the right choice. Kung ganito lang sana ang mga Presidente natin noon, siguradong the Philippines could have been one of the most progressive countries in the world by now. I am so proud to be a Filipino.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • muchos_grasas

    07/24/2012 | 04:56 AM
    mag tulungan na lang po tayo para sa ika-uunlad ng Pilipinas. Isipin po ng mga kababayan natin kung ano ang matutulong nila sa Pilipinas hindi ang Pilipinas ang tutulong sa kanila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • brainful_than_brainful

    07/24/2012 | 03:03 AM
    talk...talk...talk.....blah.....blah.....blah.....blah.....blah.....blah.....blah
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    07/24/2012 | 07:21 AM
    Hoy ikaw umayos ka dyan, ikaw ang walang silbi sa lipunan. Upgrade mo sarili mo at maghanap ng trabaho, mga tulad mo ang pabigat sa lipunan...hihihi
    chypre2013
    07/24/2012 | 02:12 PM
    hhahaah orangina :P wag mo ng pansinin :P eh sa ganyan yan

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About