Nakangiting sinabi ng actor-politician, na hindi naman nagdetalye na: “Yung mga pangako niya noong nakaraang administrasyon, hanggang ngayon nandiyan pa. Pero this is continuing, so we’ll just wait.”
SENATOR MANNY VILLAR. Para naman kay Senador Manny Villar, naging totoo ang Pangulo sa ibinalita nito sa mga Pilipino tungkol sa mga nagawa ng kanyang administrasyon.
“Maganda naman ang narinig ko,” sabi ni Senador Villar, na nasa iba pang partido at pinakamahigpit na kalaban ni PNoy sa nakaraang presidential elections.
“At doon sa SONA naman ay maraming nabanggit ang Pangulo na nagawa niya at kuntento naman ako sa aking mga narinig.
“Dalawang taon pa lang naman ang pangulo natin. Siyempre, ang pagbabago ay nangangailangan pa ng kaunting panahon.”
REP. LUCY TORRES-GOMEZ. Ayon naman kay Ormoc Representative Lucy Torres-Gomez, “I think [PNoy’s SONA] was very comprehensive.
“Nabusog tayo sa good news, and it was very obvious, ipinakita talaga kung gaano na karaming nagawa because they showed where we started, where we're now, and the hope of where we're going.
“So, it was very optimistic.”
Ang congresswoman ay kaalyado ng Presidente.
REP. RISA HONTIVEROS. Bagamat ikinatuwa ng karamihan ang pagbanggit ni PNoy tungkol sa “reproductive parenthood,” tila hati naman ang opinyon ng mga masugid na nagsusulong ng RH Bill.
Ang dating AKBAYAN Partylist representative na si Risa Hontiveros ay humanga sa naging pahayag ng Pangulo, na iniugnay niya sa mainit na usapin ng RH Bill.
Sabi ni Riza: “‘Yong sinasabi niyang responsible parenthood, ‘yon na kasi ang buong pamagat ng RH Bill, ‘Responsible Parenthood, RH [reproductive health], and Population Development’
“Talagang punung-puno ako ng pag-asa na bago pa ang eleksiyon ng 2013, pagbobotohan na 'yan at maipapasa.”
Dagdag pa niya, “Maganda, ngayong SONA ay naitampok niya ang mga tagumpay sa anti-corruption.
“Siya ay nagtampok din ng mga poverty elevation programs, at ‘yon na nga, publicly nag-declare na siya ng pagsuporta sa ilang mga panukalang batas tulad ng RH Bill.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
16 washdckami
15 chowee143
14 flightforge29
13 iloveJL
12 kinabog
11 kinabog
10 twozerofive
9 alexitorin
8 petiteclau
7 Deane_2005
6 Americangirl
5 pinayforever2
4 worryfreebabe
3 Darlings
2 muchos_grasas
1 brainful_than_brainful