Isa sa well-attended na pelikula sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon ay ang pelikulang Bwakaw, entry ni Jun Lana sa Directors' Showcase.
Nagkaroon ito ng gala night na ginanap sa Tanghalang Nicanor Abelardo o Main Theater ng Cultural Center of the Philippines kagabi, July 24.
Dinaluhan ito ng cast members ng pelikula, sa pangunguna ng bidang si Eddie Garcia.
Ang Bwakaw ang pangalawang indie film na nagawa ng veteran actor-director.
Ayon pa kay Eddie, iba ang pakiramdam niya kapag isang indie film ang ginagawa niya kumpara sa mainstream.
“Ang indie film kasi, ang mga young filmmakers, hindi nila iniisip yung box-office. Hindi kamukha ng mainstream, ang main aim noon ay negosyo.
“Makakatulong ito sa movie industry, dahil mae-educate ang masa ng kakaibang pelikula.
“Ang mainstream kasi, formula yun, e. Kung ano ang kikita, yun ang gustong gawin—yung sa mainstream,” saad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Hindi rin isinasara ni Eddie ang posibilidad makapagdirek ng isang indie film at ang pagsali sa Directors' Showcase ng Cinemalaya.
“Why not? Kung merong magandang istorya, kung merong magpu-produce, why not?” sabi niya.
Wala pa naman daw siyang naiisip na gusto niyang gawin para sa Cinemalaya. Kung meron lang daw na magandang project na puwede niyang gawin, tatanggapin daw niya ito.
Ang huling pelikulang idinirek ni Eddie ay ang Abakada Ina noong 2001. Bida rito si Lorna Tolentino bilang isang ina na hindi nakapag-aral.
PREPARING FOR DEATH. Ang kuwento ng Bwakaw ay tungkol sa isang matandang bading na matagal nang pinaghahandaan ang kanyang kamatayan.
Wala siyang kasama sa kanyang bahay kundi ang alaga nitong aso na si Bwakaw.
Hindi na bago kay Eddie Garcia ang role ng isang bading, pero kakaiba raw itong ginawa niya ngayon.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
17 czeska221
16 tanya24
15 syetedos
14 liwayway
13 ian15yeah
12 MolybdenumStudios
11 delicate_tickles
10 wahahe
9 pepato
8 tatoyadik
7 lefty
6 greencardholder
5 jakar
4 firewall02
3 doslugi
2 matty29
1 Orangina_123