Alam din sa loob at labas ng showbiz ang pagiging istrikto at protective ng mga magulang ni Sarah, partikular na ang ina nitong si Divine Geronimo—o mas kilala sa tawag na Mommy Divine.
Pero naiintindihan naman daw ni Gerald ang paghihigpit na ginagawa ni Mommy Divine kay Sarah.
“Alam ninyo, si Tita, kailangan nating intindihin… Baby niya talaga si Sarah. Kailangan nating respetuhin yung pagmamahal at suporta na ibinibigay niya kay Sarah," pahayag ng matinee idol.
BACK STORY. Hindi na bago ang mga kuwento tungkol sa paghihigpit ni Mommy Divine kay Sarah, lalo na pagdating sa lovelife ng anak.
Naging malaking balita nga noong 2011—ang masalimuot na pangyayari ay naganap noong huling bahagi ng 2010, ngunit naibalita lang nang buo noong Marso 2011—ang naudlot na pag-iibigan sa pagitan ni Sarah at ng young actor na si Rayver Cruz.
Ang buong istorya ng short-lived romance na ito nina Sarah at Rayver ay naisulat sa March 2011 issue ng YES! Magazine. Dito ay nagpa-interbyu sina Sarah at Rayver, Mommy Divine, Cristine Reyes, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Anna Dasig.
Sa naturang issue ng YES! nalaman ng publiko, sa unang pagkakataon, ang mga saloobin ni Mommy Divine.
Ito raw ang dahilan kung bakit ganun na lamang ang pagpuprotektang ginagawa niya at ng asawang si Daddy Delfin kay Sarah:
"Siyempre, tao lang 'yong anak ko, e. Hindi naman puwedeng hindi siya magkagusto o magka-crush, at hindi naman puwedeng walang magkagusto din sa kanya.
"Ang sa akin lang po, ang palagi kong 'pinapakiusap sa kanila, kung magkagusto kayo, sana hindi ngayon. Sa tamang edad na o sa tamang panahon.
"Vocal naman ako na hindi ko naman pinagbabawalan ang anak ko totally. But for now, sabi ko, hindi pa dapat, kasi nakikita ko ang ugali ng iba. Iba siya sa mga kaedad niya na talagang exposed, na alam nila kung paano paikot-ikot, kung paano sumuong sa ganoong relasyon at kung paano lumabas. 'Yong anak ko, hindi, e.
"Kilala ko siya. Ang buhay niya, trabaho, school, bahay, kami, family. Hindi siya exposed sa labas. Hindi pa siya nakalabas kahit kailan nang mga ganoon. Lalabas kami, family lang.
"So parang alam ko kung mapapahamak ang anak ko, at alam kong base sa mga taong nagbibigay ng warning sa akin na mapapahamak siya kung pababayaan ko siya. Hindi po ako nanghuhusga. Kumbaga, kung ano lang 'yong nararamdaman ko."
RIPE TO LOVE. Ngayong araw, July 25, ay ipinagdiriwang ni Sarah ang kanyang 24th birthday.
Sa edad niyang ito, marami ang sasang-ayon kapag sinabing nasa hustong gulang na siya upang umibig.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
262 cheesecake_21
261 ledfarani
260 ledfarani
259 happy2_joy2
258 ellenbermu
257 gingersnap
256 amdp
255 amdp
254 happy2_joy2
253 orangecountykid
252 2Curious_1
251 juicypulp
250 Fan_ni_Divine
249 semsem
248 bram_stoker
247 kissicious88
246 liwayway
245 pipay28
244 SimplySaid12
243 funrel
more comments