Kinabukasan, July 22, ay may nakakaintrigang post sa Twitter ang matalik na kaibigan ni Gerald na si Young JV, isang rapper.
Ani Young JV:" #gerald anderson don't cry bro we here #thecrew"
Marami sa mga nakabasa ng tweet ang nagtanong kung ano ang ibig niyang sabihin at kung ano ang nangyari kay Gerald.
WHEN IS THE RIGHT TIME? Sa isang banda, may ilan ding nagulat sa blind item ni Ogie Diaz dahil ang buong akala nila ay tanggap na ng pamilya ni Sarah si Gerald bilang manliligaw.
Nabanggit kasi ni Gerald sa isang panayam na nakakapunta na siya sa bahay nila Sarah upang umakyat ng ligaw—na hindi nagawa ni Rayver nang magkagustuhan sila ng Pop Princess.
Kay Rayver kasi, lahat ng kapamilya ni Sarah ay tutol sa pagdalaw o pagtawag man lang ng binata kay Sarah. Kay Gerald naman, pumayag ang ama ni Sarah, ngunit tutol ang ina nito.
Samantala, sa parte ni Sarah, kapansin-pansin ang pagiging bukas na nito sa kanyang nararamdaman.
At mukhang napupusuan na ni Sarah si Gerald upang maging kasintahan.
Patunay pa ng ilang showbiz insiders, "kinikilig" daw talaga si Sarah kay Gerald. Gusto daw ng Pop Princess ang young actor.
Kung totoo ngang may ginagawa na namang paghadlang ang ina ni Sarah, sa pagkakataon kayang ito ay maipaglaban na ng Pop Princess ang kanyang nararamdaman?
O gaya noon, bilang isang masunuring anak, ay titiklop siya at susundin ang kagustuhan ng magulang sa kabila ng kanyang tunay na nararamdaman?
Sabi nga ni Sarah YES! noong 2011, nang tuluyan na silang magkahiwalay ni Rayver: "Pero ano naman po, at the end of the day, tama po lahat ng 'tinuturo niya [Mommy Divine] po, e. Kumbaga, may mga choices ako na bumabagsak sa turo ni Mommy, na tama rin pala si Mommy, na dapat nakinig din ako."
Sa panayam ni Rayver noon sa YES!, may sinabi ito tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Sarah: “Kung ipinaglaban lang niya ako, sana kami pa rin hanggang ngayon.”
Ngayon, kung totoo ngang sumuko na si Gerald sa panliligaw kay Sarah, kailan kaya magiging handa ang Pop Princess na ipaglaban ang nararamdaman at hayaan ang sarili na magmahal?
At isa pang katanungan: Kailan kaya darating ang sinabi noon ni Mommy Divine na "tamang panahon" para magmahal si Sarah?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
262 cheesecake_21
261 ledfarani
260 ledfarani
259 happy2_joy2
258 ellenbermu
257 gingersnap
256 amdp
255 amdp
254 happy2_joy2
253 orangecountykid
252 2Curious_1
251 juicypulp
250 Fan_ni_Divine
249 semsem
248 bram_stoker
247 kissicious88
246 liwayway
245 pipay28
244 SimplySaid12
243 funrel
more comments