Sa July 29, Linggo, ang last episode ng showbiz-talk show ng GMA-7 na Showbiz Central.
Last Sunday, July 22, bago magsimula ang airing ng show, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakuwentuhan ang isa sa hosts nito na si John “Sweet” Lapus.
Ano na ang plano niya pagkatapos ng pamamaalam ng Showbiz Central, na tumagal ng limang taon sa ere?
“Wala pa nga, e. Although kinausap na naman ako ng GMA management. They will definitely have something in store for me.
“Although siyempre, mapapanood pa rin naman ako sa Makapiling Kang Muli. Until September pa ‘yan.
“So, pakatutukan niyo ‘yan, at paganda nang paganda ang istorya at pataas nang pataas din ang rating namin.
“So, nakakatuwa naman.”
Ang Makapiling Kang Muli ang primetime series na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Carla Abellana.
Dagdag ni Sweet, “Siyempre, gusto kong mag-stay bilang Kapuso.
“Pinangakuan naman nila ako. So, bibigyan ko na lang kayo ng update after Showbiz Central kung ano ang mangyayari.”
Pero kung siya ang tatanungin, anong klaseng programa ang gugustuhin niyang sunod na gawin?
“Kahit ano.
“Well, maraming fans ang nagre-request, sana tsismis show pa rin, di ba?
“But then, siyempre, kung ano ang ibibigay ng management sa akin, iyon naman ang tatanggapin natin.
“E, I’m sure naman, they would think of something na babagay talaga sa akin.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
20 bacobaco
19 bobbydrew0122
18 coolet_06
17 bobbydrew0122
16 aizadyosa
15 dominicguevarra
14 Aginaya
13 gayfairy
12 p4n4lo
11 cinelamour
10 felixsotto
9 merlion_25
8 winklebee
7 outback_dreamer
6 BERNARD2010
5 kapamskoo
4 charmlang123
3 thunder_1273
2 gorgeous_aleck
1 blackdiamond0206