Ayon sa bali-balita, nag-break na sina Ravyer Cruz at Cristine Reyes at ito'y ikinatuwa ng pamilya ng aktor dahil hindi raw boto ang mga ito sa aktres.
Ang malinaw na sagot ni Rayver dito: Una, walang katotohanan ang nasabing breakup. Pangalawa, boto ang pamilya niya kay Cristine.
Nilinaw maigi ni Rayver ang mga bagay-bagay nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, July 22, sa backstage ng ASAP 2012.
Maayos nga raw ang relasyon ni Cristine sa pamilya Cruz.
At patunay nito ay kasama ni Cristine ang pamilya Cruz sa selebrasyon ng ika-23 kaarawan ni Rayver noong July 19.
“Kung hindi sila close, di sana hindi siya invited sa birthday ko. I had dinner with family and Cristine last Friday.”
Giit niya tungkol sa tsismis: “Hindi totoo yun! Ngayon lang, magkasama sila, e.
"Lalo na ngayon na nakalipat na si Cristine sa South [of Metro Manila], mas nakakapag-bonding na kami,"
CLOSE PROXIMITY. Marami nga ang nag-isip na kaya lumipat ng South si Cristine ay para mas higit itong mapalapit sa boyfriend.
“Hindi pa kami magkakilala, matagal na siyang nag-iipon para makalipat sa South," tugon dito ni Rayver.
“Nagkataon lang na taga-South din ako kasi marami siyang friends na taga-doon…
“So tumatambay talaga siya doon. Maganda yung ambience sa South."
LOVER’S GIFT. Ano ba ang gift sa kanya ni Cristine?
“Yung pagmamahal niya. Di ba galing siya ng London?
“Nasa balikbayan box pa yung pasalubong ko, so kasama na rin siguro yung gift ko. Hindi naman ako humihiling ng regalo.”
Consistent din si Rayver sa pagsabing wala talaga silang pinagdaanang mabigat ng girlfriend para mauwi sila sa breakup.
“Wala namang pinagdaanan na mabigat, pero may mga lumabas bang isyu?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 intoxicatedredux
10 liwayway
9 pinayforever2
8 jusmenaman
7 tetamz
6 pinoycali_ako
5 puckerlips143
4 superbeki
3 mariel225
2 298
1 msweh