"So, ang feeling ko, dapat kasama na siya ngayon. Gusto ko ma-experience din ni Ate Guy siyempre.
"Maganda sigurong tingnan pag naglalakad na siya sa red carpet at a-attend ng international premieres [ng Thy Womb]."
A few times in the past, nanalo na ring best actress sa international film competitions si Nora.
Mayroon siyang best actress awards mula sa Cairo, Penang, at Brussels para sa pagganap niya sa mga pelikulang The Flor Contemplacion Story, Bakit May Kahapon Pa?, at Naglalayag, respectively.
"Sana we could duplicate [those feats], ano?” asam ni Direk Brillante.
SECRET IS HARD WORK. Maraming beses o halos lahat ng nagawang pelikula ni Brillante Mendoza ay napabilang sa iba't ibang prestihiyosong international film festivals sa buong mundo.
Ano ang sikreto ng tagumpay na ito ni Direk Brillante?
"Siguro, hard work," aniya.
"Lahat naman, pinaghihirapan. Kahit sabihing gagawin ang pelikula ng ten days, twelve days... Hindi dahil ginawa mo siya nang gano'n, e, ibig sabihin, madalian ang pelikula.
"Isa sa mga kinu-consider mo siyempre bilang independent filmmaker ay ang cost ng paggawa ng pelikula.
“Napakamahal, kaya kailangan mo siyang tapusin in a very short span of time.
"Sa totoo lang, hindi rin komo 12 days shoot yun, yun lang ang span ng concentration mo, o yun lang ang span ng commitment mo sa film.
"Baka times ten siya!" sabi ng premyadong filmmaker.
Paliwanag niya, "Kasi, kailangan mong gawin in ten or twelve days yung lahat ng dapat mong ginagawa in thirty-six days!
"Ibig sabihin, ang concentration mo, dapat i-compress mo siya into ten, twelve days.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
65 thirstytrooper
64 oneandonlygirlinmylife
63 Orangina_123
62 mamamomchang
61 Queenofkings
60 yunikrose
59 yunikrose
58 oneandonlygirlinmylife
57 thirstytrooper
56 ohmyateguy
55 thirstytrooper
54 lifehouse232
53 thirstytrooper
52 thirstytrooper
51 thirstytrooper
50 dati_tfc
49 Orangina_123
48 utotngpinoy
47 utotngpinoy
46 Orangina_123
more comments