news

Eddie Garcia on kissing scene with Rez Cortez in Bwakaw: “It’s just a job, trabaho lang ito.”

by Nonie Nicasio posted on July 27, 2012  STATS: 10618 Views | 6 Comments

Eddie Garcia on giving his all for every project he does: “Hindi naman dahil maliit lang ang role mo, babalewalain mo, hindi! Kailangan pagandahin mo rin kahit gaano kaliit iyon… So, hindi ko binibigyan ng importansiya yung, halimbawa, dahil maganda ang role mo dito, mas lalong pagagalingin mo o ibibigay mo ang lahat. Pare-pareho iyan."

Photo By: Noel Orsal / Cinemalaya

“Kaya hindi ka naman puwedeng gumawa ng puro horror-horror, dahil magsasawa naman ang mga tao. Kailangan ay may variety," sabi ng veteran actor.

STILL STRONG AT 83. Gaya ng nabanggit, 83 years old na si Eddie.

Sampung buwan nga lang ang pagitan nila ng Comedy King na si Dolphy, na sumakabilang-buhay noong July 10, 2012 sa edad ding 83.

Pero kung titingnan ang pangangatawan ni Eddie ay hindi iisiping ganun na ang edad niya.

Kaya marami ang gustong malaman kung ano ang kanyang sikreto pagdating sa usaping ito.

“Sikreto? Wala!” nakangiting tugon ng beteranong aktor.

“Wala naman akong sikreto talaga. Basta, happy life, you eat the food na hindi masyadong masama sa katawan mo, you exercise…”

Biro namin, dapat ba ay maging active din ang sex life para humaba ang buhay?

“Well, if you feel like it, pero huwag mong pilitin kung hindi. Huwag dapat haluan ng kung ano-anong gamot,” sabi niya.

So, hindi niya kailangan ng viagra?

“Ako, hindi ako naggaganyan, e. Kung gustong lumaban ni manoy, e, di ayos.

“Kung hindi naman, e, di meme [sleep] muna siya!” tawa niya.

Dagdag pa ni Eddie, “Kasi kung kundisyon naman si manoy, napi-feel naman iyon, e!”

« Prev  1  2  3  4  

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • kalye69_2005

    07/28/2012 | 02:29 PM
    TO lanalang08: Kapag gumaganap ang mga artistang tunay na lalaki, like si Eddie Garcia, hindi na siya si Eddie Garcia, kundi iyong karakter na ginagampanan niya. Mas lalong hindi magandang tignan kung ang gaganap ay bakla talaga, tapos ay hindi convincing umarte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kalye69_2005

    07/28/2012 | 02:26 PM
    TO ALIME: puwedeng d tanggapin pero kung magnda at challenging ung role, bakit mo palalagpasin kung talagang artista ka? Kailangan kasi sa istorya ang halikan na un, siguro kung napanood mo na ung pelikula, mag-a agree kja rin. Malabo yata ang sinabi mo na disqualified na si Mr Eddie Garcia dahil sa kissing with rez cortez at sa palagay jo, d ito matatawag na d pag aalaga sa kanyang good reputation, sa halip dapat siyang purihin dahil sa kanyang propesyunalismo, ano naman ang masama kung makipaghalikan siya kung kailangan sa script, dapat nating lawakan ang ating isipan, lalo na pagdating sa sining...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alime

    07/28/2012 | 08:38 AM
    it's just a job daw eh pede namang hindi tanggapin or pa revise yung script kung ayaw mo talagang makipag halikan sa kapwa mo lalaki unless kung type mo rin! for me disqualified na sya for national artist kasi hindi nya inaalagaan ang good reputation nya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    07/28/2012 | 03:17 AM
    baket ba ang hilig hilig nitong mga director na ito na magkaroon nang mga kissing scene ang mga kapwa lalake. wala akong problema sa mga gays dahil gusto ko sila pero sana naman pag nag direk sila nang mga artistang lalake tigilan na ang mga kissing scenes dahil hindi magandang tignan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    07/27/2012 | 07:15 PM
    Super idol na idol kita Manong Dolphy!!Sana humaba pa ang buhay nyo para makapagbigay pa kayo ng inspirasyon at kasiyahan sa mga mahilig manuod ng pelikula at telebisyon!!!!!!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    lotuss
    07/27/2012 | 07:56 PM
    Late naman na yata yang wish mo na humaba pa ang buhay ni manong dolphy.. di ba nga nasa heritage parkl na labi nya..
    greencardholder
    07/27/2012 | 08:19 PM
    Hahaha..baka naman typo error lang.
    aaronick
    07/27/2012 | 08:34 PM
    Typo lang yan. Mukha namang si Manoy ang tinutukoy niya. Hehehehe.
  • aaronick

    07/27/2012 | 05:02 PM
    Isa si Eddie Garcia sa mga veteran actors na talagang hinahangaan ko. Kasi napaka-versatile.; Mapa-bida or kontrabida, very effective. And I am so happy na sa edad niyang 83, active na active pa rin siya sa showbiz. Ang laki ng dapat niyang ipagpasalamat kasi ang lakas lakas pa rin niya. Baka nga umabot pa itong si Manoy ng 100 y.o. Kung ako ang tatanungin, isa rin si Eddie Garcia na pwedeng pwedeng gawaran ng National Artist Award. Agree?
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    lefty
    07/27/2012 | 06:44 PM
    I agree next in line ke dolphy si manong eddie sa pagka national artist
    Lieutenantcaine
    07/27/2012 | 07:30 PM
    Sobrang tama ang sinabe mo at idagdag ko lang na magaling din siyang director sana nga maibigay sa kanya ang award na yan habang malakas pa
    Orangina_123
    07/27/2012 | 10:55 PM
    Aaronick ikaw predict ko Hindi na aabutin ngayong taon na to...hihihi...peace po....

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About