news

TV Patrol celebrates 25th year; PNoy delivers "prangka" speech

by Karen A. Pagsolingan posted on July 28, 2012  STATS: 98863 Views | 126 Comments

Ang Pangulong Noynoy Aquino ang naging panauhing pandangal sa selebrasyon ng ika-25 taon ng TV Patrol. Sa kanyang talumpati, isang anchor ang pinasaringan nito. Hindi siya nagbanggit ng pangalan pero marami ang nagsabi na ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi si Noli de Castro (inset), na dating Bise Presidente ng bansa.

Photo By: Monching Jaramillo

Masaya at makulay ang naging selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng TV Patrol kagabi, ika-28 ng Hulyo, sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

Nagmistulang "grand reunion" din ito dahil maging ang mga dating anchors at reporters ng primetime news program ng ABS-CBN ay nagsidatingan.

Kapansin-pansin na wala si Mel Tiangco, isa sa orihinal na anchors ng nasabing news program at ngayon ay anchor ng 24 Oras, ang katapat na news program sa GMA Network.

Subalit isang Kapamilya ang nagbanggit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na dumalo raw ang veteran female newscaster sa pagtitipon na naganap bago ang malaking selebrasyon.


GABBY LOPEZ. Sa pamamagitan ng ilang video presentations, binalikang-tanaw ang lahat ng malalaking balita, ang pagpapalit-palit ng administrasyon, maging ang mga sakuna na naranasan ng mga Pilipino.

Ipinakita rin ang hirap ng mga mamahayag, na hindi alintana ang panganib, bagyo, lindol, o pagputok ng bulkan, makapaghatid lamang ng balita.

Bilang pagkilala rito, sa mensahe ni Gabby Lopez, chairman ng ABS-CBN, sinabi nitong: "Ang gawain ng TV Patrol ay gawain ng mga bayani."

Sinabi rin nito na ang programa ay nagsisilbing "salamin ng bayan."


PNOY'S "PRANGKA" SPEECH. Inayunan ito ni Pangulong Noynoy Aquino, ang panauhing pandangal, sa unang bahagi ng kanyang mensahe.

Aniya, "Sa loob ng dalawampu’t limang taon, kinilala ang TV Patrol sa tapang at sigasig ng paghahatid ng impormasyon sa mamamayang Pilipino.

"Sa tuwing may sakuna, naroon kayo upang magbigay ng kaalaman kung paano umiwas sa peligro at disgrasya.

"Sa tuwing may agam-agam ang publiko ukol sa isyu, kayo ang takbuhan para sa tapat na pag-uulat.

"Kaya naman, sa lahat ng bumubuo ng inyong programa, mula noon hanggang ngayon, sa harap man o sa likod ng kamera: talaga namang pong isang mainit na pagbati sa inyong ikadalawampu’t limang anibersaryo."


NOLI DE CASTRO. Ang ikinagulat ng audience ay ang prangkang pasintabi ng Pangulo, sa gitnang bahagi ng kanyang mensahe, matapos niyang banggitin ang ilang datos na nasabi rin sa kanyang pangatlong State of the Nation Address ng July 23.

Ang pahayag ni PNoy: "Huwag po sana ninyong mamasamain, tutal kaharap ko na po kayo ngayon, at one night lang naman sa 365 days ng isang taon ko kayo makakausap. Tingnan po natin ang paghahayag ng inyong institusyon."

Pagkatapos nito ay nagkuwento siya tungkol sa tatlong insidente, kung saan nagbigay ng komento ang isa sa mga anchors ng TV Patrol.

Malumanay ang tono ng Pangulo, subalit may laman ang kanyang pasaring.

Ang una ay tungkol sa ulat ng isang reporter sa "dalawampung porsiyento" na pagtaas ng "passenger arrivals" sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

126 Comments

  • 126  magisip

    08/04/2012 | 08:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  magisip

    08/04/2012 | 08:07 PM
    MAG-ISIP....diba doon naman magaling si Pnoy mng impeach..eh di pa imbistigahan nya si Noli at if guilty e impeah..hindi yung naninira ng Party..kunting mudo kaya, o hiya..ngmamagaling eh alam nman ng mga tao yan...Presidenteng walang mudo....walang manners..nakakahiya ka... wala kayong pinagkaiba ni Kris... mahilig lng mgpa sikat...power tripping...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  chances2010

    08/02/2012 | 06:58 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  happyhearts

    08/02/2012 | 12:22 AM
    tama si Pnoy! kelangan malaman ng mga news anchors na yan na tagapaghatid lang sila ng balita kaya dapat di nila nilalabas mga opinion nila sa pagbabalita. kung gusto nila , umalis sila sa news , gumawa sila ng ibang programa kung saan mailalabas nila opinion nila...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lulu_kapuso
    08/06/2012 | 11:02 AM
    Yah that's so true at tsaka, actually kaya nga tawag sa kanila eh ABiaS-CBN eh. haha
  • 122  Lokotoy

    08/01/2012 | 01:00 AM
    Pretty soon out na s kabayan s tv patrol.... Watch out ..,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  pantas_uno

    07/31/2012 | 12:57 PM
    buti nga hehehe....walang kinikilingan, walang pinoprotektahan...salitang totoo lamang. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  jesseville

    07/31/2012 | 12:34 PM
    Sana s Gibo nalang ang nanalo! Pinoy is far way behind Gibo as far as intelligence and of course personaliy is concerned! Kaya lang mas sikat siya kay Gibo dahil anak siya ni Noynoy at Cory! Yan lang ang edge niya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  alexitorin

    07/31/2012 | 06:50 AM
    Huwag kalimutan ang pagibig funds scam na kinasangkutan ni Noli De Castro. Bilyon ang nanakaw nila sa taong bayan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  ratedsardines

    07/30/2012 | 05:14 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  billboard_01

    07/30/2012 | 11:58 AM
    Bitter si Pinoy
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lulu_kapuso
    08/06/2012 | 11:04 AM
    May point din naman kasi xa.. Eto kasing si Noli, nagsasalita pa eh wala namang nagawa.. tuloy.!!! epal kasi eh
  • 116  milomilo123

    07/30/2012 | 02:40 AM
    saan ka nakaita na bisita ka lang pero ikaw pa mismo ang nangbastos sa may ari ng tahanan. si pnoy lang. wala talagang modo ang taong ito...It is very easy to become a president but it is hard to act lke one.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lulu_kapuso
    08/06/2012 | 11:04 AM
    At least, hindi xa plastic, not because he was invited, he has no right to tell what they should do
  • 115  milomilo123

    07/30/2012 | 01:16 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  Monicafer

    07/29/2012 | 09:55 PM
    Could somebody please elaborate the accomplishments of NDC during his term?
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    ratedsardines
    07/29/2012 | 11:28 PM
    Pag Ibig loans para sa mahihirap na abot halaga, kaya maraming iskwater ang nagkabahay. Si PNoy.... zero.
    alexitorin
    07/30/2012 | 10:22 AM
    Monicafer, ang pagibig loans na sinasabi mo, mga hindi qualified ang borrowers pero in approved ng in approved ng administrasyon ni Noli De Castro dahil galing sa gobyerno ang loan funds. Ang private investors na gumawa ng bahay na itininda, ang siyang kumikita ng malaki at may sabit si De Castro at ibang kaalyado niya gaya ni Manny Villar. Isipin mo kung bakit malapit si Arlene na ka bit ni Noli De Castro kay Willie Revillame at Manny Villar. Pabahay, my a s s.
    jams_mom
    07/30/2012 | 07:24 PM
    NDC as senator?... he had 140 PRINCIPALLY AUTHORED bills including improved benefits for senior citizens, etc... as VP, we cannot expect him to do much bcoz, as any VP, hindi naman talaga sila binibigyan ng trabaho ng presidente... i DONT like Noli de Castro, but i'll give him credit that is due to him... now, tell me, does Noynoy Aquino have any accomplishments as tongressman, senatong and now, as panggulo?... what has he done to merit ANY respect as a man?
  • 113  gbedaniol

    07/29/2012 | 09:35 PM
    Pnoy..its ok na maglabas ng sama ng loob.. pero bilang pangulo ng pilipinas dapat ay ikaw ay maging modelo ng bansang Pilipinas. Sa ginawa mong ito pinakita mo lang na nagtatanim ka ng sama ng loob pinaalala mo pa yung mga bagay na hindi maganda maari nmn keo na magusap ni Noli de Castro ng personal hindi yung binobroadcast mo pa sa .buong Pilipinas. kawalan na rin ng respeto ang ginawa mo sa programang TV Patrol. Maaring may mali si Noli de Castro pwero hindi tama ang ginawa mo bilang Presidente ng PIlipinas na ipangalandakan sa harap ng publiko ang sama ng loob. Halimbawa na lng sa isang Kasiyahan sa isang Bahay ikaw ay panauhin pandangal pero may masama kang naririnig sa isa sa may ari ng bahay na nagimbita seo at sa speech mo imbes na pasasalamant lng ang ginawa mo ay nagsaad ka pa ng sama ng loob,,, hindi bat kawalang galang ang inasal mo
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    semsem
    07/29/2012 | 11:46 PM
    Tama ka!
    happyhearts
    08/02/2012 | 12:18 AM
    sabi nga nila ... kung hindi ngayon? kaylan pa? kung ba't kasi nagbibigay ng opinion , e news anchor nga... haisst! tapang talaga ni Pnoy! hehehe
  • 112  jesseville

    07/29/2012 | 09:23 PM
    Nassan ang post ko? nawawala?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  jesseville

    07/29/2012 | 09:19 PM
    Bakit ganito ang PRESIDENTE natin? Bakit sa mga pagtitipon niya gawin ang pam babastos? Ginawa na niya yan kay Corona before now kay Noli de Castro naman! And to think na isa syang guest sa dalawang okasyon! Bakit hindi sya kumukuha ng timing at tamang lugar upang gawin yon? Hay naku basta mga tao na connected kay GMA before ay kasama sa galit niya! BAKIT NYO PINILI ANG TAO NA ITO? good thing hindi ko sya ibinoto! Ky Gibo Teodoro ako!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    ratedsardines
    07/29/2012 | 09:44 PM
    Natumbok mo ng husto.NAPAKAVINDICTIVE na pangulo io, at grabe ang pagkapikon, mas masahol pa kay Erap, at least si Erap,marunong pumili ng lugar, si PNoy, pa ingles ingles pa pero asal iskwater naman. Palibhasa'y walang magawang maganda sa bayan kaya hanap ng hanap ng butas. Haaayssss.
    semsem
    07/29/2012 | 11:48 PM
    Tama ka rin! Binoto ko rin si Gibo noong 2010 elections, kahit alam ko mas sikat si PNOY at yung Villar! syayng di nanalo si Gibo.
  • 110  merlion_25

    07/29/2012 | 08:45 PM
    Epic butata for the staff and anchors of Tv Patrol. Lalong bumaba credibility ng ABSCBN News and Current Affairs.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  MarkLapid

    07/29/2012 | 08:06 PM
    Wala namang nagawang mabuti yan si NOLI De CASTRO,nagpayaman lang yan at sunod-sunuran kay Arroyo. Saka ang lakas nyang manghanap ng mali sa iba, gamit pa ang TV Patrol, samantalang mas marami ang kalokohan nyan noong vice president pa sya. Masyadong nagmamalinis, namang kredibilidad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  Skylec

    07/29/2012 | 06:51 PM
    Pati presidente madrama. Huag ka na sanang dumalo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  amayabai

    07/29/2012 | 06:24 PM
    in short, FACE PALM sila gabby lopez, charo santos, noli de castro and company haha. nganga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About