Pinasalamatan ang mga bumuo ng programa—Angelo Castro Jr. (yumao na), na unang prodyuser at direktor ng programa; Federico Garcia, na general manager ng network noon; Rolly V. Cruz (yumao na), na assistant general manager; Frankie Evangelista (yumao na), na nakilala ng buong bayan dahil sa segment niyang "Pulso."
Inalala rin si Ernie Baron, ang yumaong weather man ng programa.
Kinilala pa ang lahat ng mga tagapagbalita, maging ang mga nasa likod ng kamera at "unsung heroes."
Samantala, nagpamalas din ng galing sa pagkanta ang mga anchors at reporters na sina Henry Omaga-Diaz, Tony Velasquez, Marc Logan, at Doris Bigornia, kasama ng mga entertainers na sina Ethel Booba, Kitkat, Cacai Bautista, at Leo Martinez.
Sumayaw naman ng flamenco, isang uri ng sayaw mula sa España, ang Star Patrollers na sina Phoemela Barranda, Marie Lozano, Gretchen Fullido, at Ginger Conejero, kasama ang anchor ng TV Patrol weekend edition na si Pinky Webb.
Marami rin ang naaliw sa song number ni Korina Sanchez.
Habang kinakanta nito ang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" ay ipinakita ang mga larawan ng ilang brodkaster ng ABS-CBN noong sila'y mga bata pa at ngayong mas maedad na.
Tatlo ang version ng larawan ni Luchi Cruz-Valdes— ang una ay may logo ng GMA-7, kung saan siya unang nagtrabaho; pangalawa, sa ABS-CBN, kung saan nagtrabaho rin siya nang matagal; pangatlo, sa TV5, kung saan siya ang kasalukuyang tagapamahala ng News and Public Affairs.
Ang selebrasyon ay lalo pang nagningning dahil sa mga artistang umakyat din sa entablado: Jon Santos, Jed Madela, Vina Morales, Gloc9, Bituin Escalante, Basil Valdez, Dulce, Hajji Alejandro...
Pepe Smith, Basti Artadi, Kevin Roy, Freddie Aguilar with Watawat Band, Erik Santos, Jovit Baldivino, Sngeline Quinto, Marcelito Pomoy, Yeng Constantino, at Jet Pangan.
Sa audience area naman, namataan si Ai-Ai delas Alas at ang kanyang "babe" na si Jed Salang, ang magkapatid na Epy at Ronnie Quizon, si Baron Geisler na dumating kasabay si Brillante Mendoza at umalis kasama si Pilar Pilapil, ang dating "Star News" ladies na sina Angelique Lazo at Tintin Bersola.
Dumating din ang dating senador na sina Robert Jaworski at Richard Gordon, Senators Frank Drilon and Loren Legarda...
ang mga kalihim na sina Mar Roxas, Greg Domingo, at Ricky Carandang, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino...
Bangko Sentral Governor Sy Tetangco, Mayor Alfredo Lim, Representative Sonny Angara, Commissioner Ruffy Biazon, at Commissioner Kim Henares.
Natapos ang selebrasyon pasado alas-onse ng gabi, at karamihan sa mga nagsipagdalo ay naringgang nag-uusap tungkol sa kanila-kanilang assignments kinabukasan.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
126 magisip
125 magisip
124 chances2010
123 happyhearts
122 Lokotoy
121 pantas_uno
120 jesseville
119 alexitorin
118 ratedsardines
117 billboard_01
116 milomilo123
115 milomilo123
114 Monicafer
113 gbedaniol
112 jesseville
111 jesseville
110 merlion_25
109 MarkLapid
108 Skylec
107 amayabai
more comments