Masaya at makulay ang naging selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng TV Patrol kagabi, ika-28 ng Hulyo, sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.
Nagmistulang "grand reunion" din ito dahil maging ang mga dating anchors at reporters ng primetime news program ng ABS-CBN ay nagsidatingan.
Kapansin-pansin na wala si Mel Tiangco, isa sa orihinal na anchors ng nasabing news program at ngayon ay anchor ng 24 Oras, ang katapat na news program sa GMA Network.
Subalit isang Kapamilya ang nagbanggit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na dumalo raw ang veteran female newscaster sa pagtitipon na naganap bago ang malaking selebrasyon.
GABBY LOPEZ. Sa pamamagitan ng ilang video presentations, binalikang-tanaw ang lahat ng malalaking balita, ang pagpapalit-palit ng administrasyon, maging ang mga sakuna na naranasan ng mga Pilipino.
Ipinakita rin ang hirap ng mga mamahayag, na hindi alintana ang panganib, bagyo, lindol, o pagputok ng bulkan, makapaghatid lamang ng balita.
Bilang pagkilala rito, sa mensahe ni Gabby Lopez, chairman ng ABS-CBN, sinabi nitong: "Ang gawain ng TV Patrol ay gawain ng mga bayani."
Sinabi rin nito na ang programa ay nagsisilbing "salamin ng bayan."
PNOY'S "PRANGKA" SPEECH. Inayunan ito ni Pangulong Noynoy Aquino, ang panauhing pandangal, sa unang bahagi ng kanyang mensahe.
Aniya, "Sa loob ng dalawampu’t limang taon, kinilala ang TV Patrol sa tapang at sigasig ng paghahatid ng impormasyon sa mamamayang Pilipino.
"Sa tuwing may sakuna, naroon kayo upang magbigay ng kaalaman kung paano umiwas sa peligro at disgrasya.
"Sa tuwing may agam-agam ang publiko ukol sa isyu, kayo ang takbuhan para sa tapat na pag-uulat.
"Kaya naman, sa lahat ng bumubuo ng inyong programa, mula noon hanggang ngayon, sa harap man o sa likod ng kamera: talaga namang pong isang mainit na pagbati sa inyong ikadalawampu’t limang anibersaryo."
NOLI DE CASTRO. Ang ikinagulat ng audience ay ang prangkang pasintabi ng Pangulo, sa gitnang bahagi ng kanyang mensahe, matapos niyang banggitin ang ilang datos na nasabi rin sa kanyang pangatlong State of the Nation Address ng July 23.
Ang pahayag ni PNoy: "Huwag po sana ninyong mamasamain, tutal kaharap ko na po kayo ngayon, at one night lang naman sa 365 days ng isang taon ko kayo makakausap. Tingnan po natin ang paghahayag ng inyong institusyon."
Pagkatapos nito ay nagkuwento siya tungkol sa tatlong insidente, kung saan nagbigay ng komento ang isa sa mga anchors ng TV Patrol.
Malumanay ang tono ng Pangulo, subalit may laman ang kanyang pasaring.
Ang una ay tungkol sa ulat ng isang reporter sa "dalawampung porsiyento" na pagtaas ng "passenger arrivals" sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).




CALLED OUT
ALL COMMENTS
66 thelastpepbender
65 halabira
64 thelastpepbender
63 princessjinx
62 Acotoh
61 June_Sunday
60 jams_mom
59 bulagafan
58 JoeyfromNY
57 lefty
56 angel25
55 jagjof
54 ian15yeah
53 beautylicious65
52 showbizdak
51 total555
50 kapapusotid
49 barbiemango11
48 almond143
47 okidokimac
more comments