news

TV Patrol celebrates 25th year; PNoy delivers "prangka" speech

by Karen A. Pagsolingan posted on July 28, 2012  STATS: 98865 Views | 126 Comments

Ang Pangulong Noynoy Aquino ang naging panauhing pandangal sa selebrasyon ng ika-25 taon ng TV Patrol. Sa kanyang talumpati, isang anchor ang pinasaringan nito. Hindi siya nagbanggit ng pangalan pero marami ang nagsabi na ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi si Noli de Castro (inset), na dating Bise Presidente ng bansa.

Photo By: Monching Jaramillo

Masaya at makulay ang naging selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng TV Patrol kagabi, ika-28 ng Hulyo, sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

Nagmistulang "grand reunion" din ito dahil maging ang mga dating anchors at reporters ng primetime news program ng ABS-CBN ay nagsidatingan.

Kapansin-pansin na wala si Mel Tiangco, isa sa orihinal na anchors ng nasabing news program at ngayon ay anchor ng 24 Oras, ang katapat na news program sa GMA Network.

Subalit isang Kapamilya ang nagbanggit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na dumalo raw ang veteran female newscaster sa pagtitipon na naganap bago ang malaking selebrasyon.


GABBY LOPEZ. Sa pamamagitan ng ilang video presentations, binalikang-tanaw ang lahat ng malalaking balita, ang pagpapalit-palit ng administrasyon, maging ang mga sakuna na naranasan ng mga Pilipino.

Ipinakita rin ang hirap ng mga mamahayag, na hindi alintana ang panganib, bagyo, lindol, o pagputok ng bulkan, makapaghatid lamang ng balita.

Bilang pagkilala rito, sa mensahe ni Gabby Lopez, chairman ng ABS-CBN, sinabi nitong: "Ang gawain ng TV Patrol ay gawain ng mga bayani."

Sinabi rin nito na ang programa ay nagsisilbing "salamin ng bayan."


PNOY'S "PRANGKA" SPEECH. Inayunan ito ni Pangulong Noynoy Aquino, ang panauhing pandangal, sa unang bahagi ng kanyang mensahe.

Aniya, "Sa loob ng dalawampu’t limang taon, kinilala ang TV Patrol sa tapang at sigasig ng paghahatid ng impormasyon sa mamamayang Pilipino.

"Sa tuwing may sakuna, naroon kayo upang magbigay ng kaalaman kung paano umiwas sa peligro at disgrasya.

"Sa tuwing may agam-agam ang publiko ukol sa isyu, kayo ang takbuhan para sa tapat na pag-uulat.

"Kaya naman, sa lahat ng bumubuo ng inyong programa, mula noon hanggang ngayon, sa harap man o sa likod ng kamera: talaga namang pong isang mainit na pagbati sa inyong ikadalawampu’t limang anibersaryo."


NOLI DE CASTRO. Ang ikinagulat ng audience ay ang prangkang pasintabi ng Pangulo, sa gitnang bahagi ng kanyang mensahe, matapos niyang banggitin ang ilang datos na nasabi rin sa kanyang pangatlong State of the Nation Address ng July 23.

Ang pahayag ni PNoy: "Huwag po sana ninyong mamasamain, tutal kaharap ko na po kayo ngayon, at one night lang naman sa 365 days ng isang taon ko kayo makakausap. Tingnan po natin ang paghahayag ng inyong institusyon."

Pagkatapos nito ay nagkuwento siya tungkol sa tatlong insidente, kung saan nagbigay ng komento ang isa sa mga anchors ng TV Patrol.

Malumanay ang tono ng Pangulo, subalit may laman ang kanyang pasaring.

Ang una ay tungkol sa ulat ng isang reporter sa "dalawampung porsiyento" na pagtaas ng "passenger arrivals" sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

126 Comments

  • 26  kalika

    07/28/2012 | 01:02 PM
    labasan ang mga gma7 fanatics. don't care much sa pagiging vp ni noli noon...at least hindi sya maarte magbalita at magsalita para lang makakuha ng atensyon..hindi ko like ang mga aquino pero wala naman din akong gustong politiko... ang kaigihan lang nagbukas uli ang abs kasi kung hindi hanggang ngayon puro basura ang palabas sa tv pwera lang yung mga shows na galing sa ibang bansa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    botyokbotyok
    07/28/2012 | 05:18 PM
    Ang pagbabalita ni Mike Enriquez na kung mag deliver ng news ay parang isang napakalaking balita ang sinasabi, yon pala nagaaway lang na mag-asawa. An anchor na dapat nagtatrabaho sana sa sta. ana at sa iba pang karerahan ng kabayo. Ansakit sa tenga. Di ba pwedeng simple lang? Isang malaking sampal sa mga nag aaral ng masscom or journalism.
  • 25  jams_mom

    07/28/2012 | 12:47 PM
    Noli is TV Patrol... TV Patrol is ABS... PeNoy ridiculed TV Patrol, therefore he also ridiculed ABS... ok lang... anyway, who made monsters of the aquinos by overlooking at their kapalpakan and sins to the country and the fans but the media outfit that's too afraid to lose their company...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    okidokimac
    07/28/2012 | 05:06 PM
    If they are too afraid to lose their company dapat puro gusto ni PNoy balita nila... Like GMA during martial law binabalita lang ang kung anu ang gustong marinig ni Marcos... Lopez defied Marcos and they lost every company they had. . . Kung ayaw lang ng mga Lopez na mawala ang mga companya nila eh di sana puro PRO MARCOS nalang binalita nila. . . Etong batikos ni PNoy y issue based naman... Walang personalan. Hindi sa ayaw niyang binabatikos siya kundi dapat yung batikos sana naman ay may basehan ito. . . Ok lang ang negative news basta fact ito...
  • 24  alime

    07/28/2012 | 12:45 PM
    hindi yun gawain ng isang tunay na lalaki...it's confirmed Sisterette si Pnoy!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    minch
    07/28/2012 | 03:50 PM
    Iyan ang tunay na lalaki, jan mismo sa harapan sinusupalpal para nahihimasmasan. Wala ng credibildad si Noli after sitting as VP.
  • 23  human123

    07/28/2012 | 12:35 PM
    I like the speech of the President.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  doslugi

    07/28/2012 | 12:01 PM
    Basura naman kasi talaga ang news ng abs cbn alam naman ng lahat yan.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    lefty
    07/28/2012 | 03:37 PM
    sinabi mo pa!
    botyokbotyok
    07/28/2012 | 07:09 PM
    Sa gma hindi?
  • 21  pinayforever2

    07/28/2012 | 11:17 AM
    Si Arroyo ay isang ekonomista . Dahil sa pamamalakad nya sa ekonomiya, kaya hindi ganon katindi ang pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa at tinatamasa pa ito ng adminitrasyon sa kasaluluyan. Ito ang binhi na naipinunla ni Arroyo noong kapanahunan nya, kaya ang ekonomiya ng Pilipinas sa ngayon ay may potensyal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  family2011

    07/28/2012 | 11:08 AM
    wrong timing!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  family2011

    07/28/2012 | 11:04 AM
    napaka Wrong Timing naman! Don't invite this man next time...sinira lang naman nya ang event.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    edelinkuwait
    07/28/2012 | 04:48 PM
    right timing kamo. kaya binanggit ni pnoy yun kc pagkakataon nya na at naimbitahan sya.
  • 18  sharmanjoshi

    07/28/2012 | 10:30 AM
    Wala namang masama sa ginawa ni PNoy, it's his only chance nga naman. At least hindi siya nakipag plastikan. Ito kasi ang mahirap minsan, expected yung sobrang pakikisama... look at Noli, before galit sa mga corrupt yun pala magiging supporter ng pinakamatalinong corrupt na president sa history ng Pilipinas. Nasaan ang iyong dangal kabayan? Totoo namang hindi balanse ang pagbabalita..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Super_Inday

    07/28/2012 | 09:50 AM
    Dapat daw tamang venue and tamang timing : sa kakapalan ng balat at mukha ng ibng corrupt officials na yan, kulang pa nga ang ginawa ni Pnoy. Delivering the message in a more 'proper' forum wouldn't have created as much impact.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  Super_Inday

    07/28/2012 | 09:37 AM
    If that's what it takes para maipaabot ang mensahe why not. Ang hirap sa mga corrupt na yan,, gagawagawa ng kalokohan behind our backs, tapos pagkaharap mo sila gusto respeto?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  napazu7

    07/28/2012 | 09:27 AM
    although 24 oras ang pinapanuod ko, mali pa din ang ginawa ni Pnoy. Parang cnira nya ang kasayahan ng okasyon....partly lang naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  myke19

    07/28/2012 | 09:20 AM
    ganyan lang tlaga..kung sino nkaupo kailangan batikusin...bilib na sana ako ky Pnoy..sa ginawa nya isa lang ibig sabihin nyan..ayaw nya binabatikos ang pamamalakad nya sa gobyerno..dapat sa mga naririnig nya negatibo yan maging inspirasyon nya pra lalo pa nya pagbutihin ang trabaho nya bilang presidente..wala pa naman sya napapatunayan na npaayos na nya gobyerno..pinagmamalaki na nya na npakukulong nya mga may sala dati sa gobyerno..napalinis na nya ba imahe ng bansa natin.?.dapat intayin nya na may pumuri na iba sa kanya...pagkatapos ng term nya may lalabas na baho rin yan si AQUINO..sakit na ng bansa natin yan..tinanggap mo maging presidente dapat wag ka pikon..dahil kasama yan sa trabaho mo PNOY..pinababa mo ang iyong moral..
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    coolet_06
    07/28/2012 | 01:53 PM
    hindi naman sa ayaw nyang binabatikos sya.. it's just lahat ng batikos sa kanya eh walang basehan.... yun lang naman yun db? ikaw ba gusto mo ng pinapasaringan ka ng ibang tao na alam monghindi naman totoo? db hindi din naman... aamin nman ang tao kung totoo... pero kung hindi, syempre, kailangan din naman nyang ipagtanggol ang sarili nya.. it's human nature right? pero syempre, it's human nature din ng tao na maghanap ng maipipintas sa kapwa nila...
    myke19
    07/28/2012 | 10:38 PM
    coolet_06 kaw na rin sumagot sa tanong mo..bilang publiko kang tao at naglilingkod sa bayan ..dapat handa ka sa lahat batikos sa pamamalakad mo..wag ka mpipikon sa mga bumabatikos sayo..kasama yan sa tinggap mong trabaho dahil yan ay sakit na ng ating bayan..
  • 13  Manster10

    07/28/2012 | 09:07 AM
    Ahaha Pnoy pikon totoo nmn tlga ung patutsada ni Kabayan kya saludo ako sau Kabayan ituloy mo LNG yan ang pagtuligsa Sa ating gobyerno khit mapikon c Mr President huwag matakot stop kurakot ika nga., Congrats TV PATROL sa 25 years wew.,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    alime
    07/28/2012 | 09:19 AM
    correction , Ms president! kaya nga sister ko sya e...
  • 12  alime

    07/28/2012 | 07:55 AM
    basta ako saludo ako kay sister Pnoy ko! kaw na sis!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  jams_mom

    07/28/2012 | 07:52 AM
    "Mukhang wrong timing at wrong venue ang speech." - this says it all... tama nga yata na parang Annabelle Rama din itong DOM na ito... hindi pumipili ng tamang lugar at tamang oras... hindi marunong rumespeto ng okasyon... but come to think of it, ABS deserved it just by looking at how their fanatics post on PEP...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    greencardholder
    07/28/2012 | 09:03 AM
    Duh? Noli de Castro is not Abs cbn. Lol. Mas marami pa ring b..t licker ni Pnoy sa abs kesa sa anti Pnoy. Laki kaya ng utang na loob nila sa mga Aquino.
    daiguro01
    07/28/2012 | 02:20 PM
    look whos talking, trash talker! kahit anong balita about ABS andon ka at mga comments mong one-sided.
  • 10  zhan2012

    07/28/2012 | 07:30 AM
    aku pinoy go ka nalang ng go kesa sa mga patutsada mo. minsan mas ok nga ung ganito atleast aware naman siya na me pagkukulang at gawan agad ng action. ikaw naman ka noli watch out ka naman sa past administration kung me nagawa ba kayo. basta now i know edukasyon at sariling pagsisikap nalang ang tutulong sayo at wag na natin iasa at ipasa sa gobyerno.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    07/28/2012 | 07:28 AM
    Hindi sa kinkampihan ko si noli maling venue ang pagpaasaring ni pnoy bakit d nya magawan ng paraan ang mga ship vessels ng mga gahamang chinese sa karagatan ng pinas puro yabang din kasi ang pangulong ito wala namang aksyon na ginagawa. Yn naman pagbabalita ni noli mali nga rIn na sumbatan ang pamahalaang aquino gayong namayagpag din sya ng anim na taon diba dapat si gloria batikusin ni noli kasama na ang sarili nya...ah busy nga pala silang mag amo sa pangunguraaakkoot ng panahon nila kaya nakaligtaan ang naia.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    okidokimac
    07/28/2012 | 04:59 PM
    Actually if the intention is to deliver the message with strong impact that was a perfect timing. . . I watch TV Patrol since I was a kid until now but I hope Noli change his tirade tactics... For those who say ABS is Pro PNoy this the proof na hindi. . . Lopez and Aquino are very good family friends pero hindi sila nag sasabwatan sa mga kani kanilang interest. . . I Like PNoy for pranka message... TV Patrol still the best for me. . .
  • batangkumon

    07/28/2012 | 07:19 AM
    Si Noli de Castro kasi kung mangbatikos parang napaka perpekto nya, Sunud sunuran lang naman kay GMA nun vice president sya. I watch TFC everyday pero pag TV patrol na nawawalan ako ng gana pag nakikita ko si Noli. Dapat di na lang sya bumalik sa TV patrol mas bagay pa kung si Julius Babao at Ted Failon. Korina? hmm not so sure about her too. And si Pnoy naman wrong timing mag lecture, pero ok lang like ko pa rin sya. O pepsters wag nyo ko awayin, opinion lang po.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • babaylan2011

    07/28/2012 | 07:07 AM
    Sapul! Ayan "close" ang ABS sa mga Aquino di ba? Kapag Anchor ka o reporter dapat WALANG KINIKILINGAN, WALANG PINOPROTEKTAHAN...... BOOM!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    opinion_ko_to
    07/28/2012 | 07:11 AM
    babaylan aka jams mom ---it is not PNOY vs ABS CBN...it is PNOY vs NOLI de Castro...si Noli ay empleyado lamang ng ABS CBN at hindi sya ABS CBN...magbasa ng mabuti
    jams_mom
    07/28/2012 | 07:54 AM
    opinion_ko_to aka pwearl aka iam_brainful, etc... TV Patrol is on ABS, and supposedly ABS' premier news program... you honestly dont think TV Patrol represents ABS?

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About