Ang “prangka” na talumpati ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III noong gabi ng Hulyo 27, sa Manila Hotel, sa okasyon ng ika-25 taon ng TV Patrol ay hindi manifestation ng pagkontrol sa media.
Ito ang panimulang pahayag ni Regina "Ging" Reyes, chief ng ABS-CBN News and Current Affairs, sa naging pasaring ng Pangulo kay Noli de Castro, ang main host ng TV Patrol.
Isang kasiyahan at pagpupugay ang nangyari ng gabing iyon, kung saan ang mga kasalukuyan at nakaraang newscasters ng network, kahit ang ilan dito ay nasa ibang networks na, ay mistulang nag-reunion.
Ngunit dahil "prangka" ang talumpati ng Pangulo, na siyang panauhing pandangal, naging usap-usapan ito.
May mga nagsabing wala sa lugar ang mga patama ng Pangulo sa TV Patrol news anchor at dapat ay sa ibang okasyon na lang ito sinabi.
May mga naniniwala namang tama ang ginawa ng Pangulo, na malaking hypocrisy lamang kung pumuri nang pumuri ito gayon at may mga isyu palang nais iparating ito sa network.
Sa kabuuan, binanggit ng Pangulo ang mga mahusay na katangian ng TV Patrol, sinabi nito ang historical value ng news program para sa bayan at sa pamilya Aquino, at binigyan pugay nito ang trabaho ng isang malaya at patas na pamamahayag.
Gayunpaman, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng komento ang news and public affairs head ng Kapamilya network tungkol sa pangyayari.
Narito ang buong statement ni Ging Reyes na ipinadala ng ABS-CBN Corporate Communications:
"Criticism is not a monopoly of journalists and media practitioners. The President had as much right to free speech as every citizen.
"But the focus of Friday’s celebration was TV Patrol’s 25 years— the people behind the stories, the unsung heroes behind the cameras and unforgettable events that shaped history.
"We did not just remember the disasters, anomalies and political upheavals that TV Patrol covered.
"We also celebrated stories of remarkable achievers and everyday heroes, whose triumphs over adversity is a testament to resiliency of the Filipino spirit."
Mababasa ang buong talumpati ni Pangulong Aquino rito: CLICK HERE.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
74 dondoredon
73 josueman
72 ICUM2U
71 prettyme4sure
70 rscmisjic
69 agiladlad
68 FantaziaDLipz
67 tanjo143
66 channel5n7
65 gertrude
64 jams_mom
63 alime
62 BlueBonnet
61 milomilo123
60 fujiko77
59 fujiko77
58 otayranch
57 jagjof
56 iwwang2
55 iwwang2
more comments