news

Lovi Poe plays sexy nurse in Benchingko Films' Kama; says she enjoys being single

by Rose Garcia posted on July 29, 2012  STATS: 10549 Views | 1 Comments

Lovi Poe is among the stars who took part in Benchingko Films, a festival of short films that was part of the 25th anniversary of the clothing brand Bench, which the singer-actress endorses.

Photo By: Noel B. Orsal

Bahagi ng 25th anniversary celebration ng Bench ang pagpapalabas ng anim na short films sa mini-festival na pinamagatang Benchingko Films.

Nakasama sa paggawa ng short film ang Kapuso star na si Lovi Poe, isa sa celebrity endorsers ng clothing brand.

Kama ang titulo ng short film na sinalihan ni Lovi.

Nang dumating si Lovi sa Mall Of Asia (MOA) Center Stage, kunsaan ginanap ang premiere night ng Benchingko short films, naging matipid muna ito sa pagsagot kung ano ang role niya sa Kama.

“Basta…secret,” sabi ng 23-year-old singer-actress, na anak ni Fernando Poe Jr., ang yumaong Action King ng Philippine movies.

Yun pala, tampok si Lovi sa three-part musical tungkol sa salitang “Kama”—Kamachohan, Kamalasan at Kamanyakan.  Isang sexy nurse ang ginampanan ni Lovi.

Sexy ngunit cute ang mga eksena ni Lovi.

May eksena pang naghuhubad ng kanyang nurse uniform ang dalaga, hanggang sa ang matira na lang na suot ay ang kanyang underwear.

Kaya pala sa pakikipag-usap ni Lovi sa PEP.ph  (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press bago nagsimula ang Benchingko festival, nasabi niyang: “Kakaiba siya.  Medyo kinabahan ako at first.

“Pero siyempre, pinagkakatiwalaan ko naman ang Bench.

“For me kasi, when I started with them, parang everything started falling into place. 

“The moment na nilagay nila ang billboard ko noon, first time na tinayo, parang bigla, everything started. 

“Hindi na ako nagdalawang-isip talaga, ginawa ko agad!”

September 2010 nang maging Bench Body endorser si Lovi.

In-unveil sa buwan at taon na iyon, sa Guadalupe, Makati City, ang malaki niyang billboard na nagpapakitang suot niya ang isang itim na two-piece lingerie ng clothing brand.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1 Comment

  • merlion_25

    07/30/2012 | 12:50 AM
    Lovely Lovi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About