Hindi makapaniwala ang GMA Artist Center talent na si Dominic Roco sa ginawang pagdumog sa kanya ng mga nanood sa pinagbibidahan niyang Ang Nawawala (What Isn’t There).
Ito'y isang pelikula na entry sa New Breed section ng Cinemalaya 2012.
“Nakakagulat! Kasi first time pong nangyari sa akin ito na paglabas ko ng theater, hindi ako makalabas.
“Ang daming nagpapa-picture, nagko-congratulate!
“Pero nakakataba ng puso, kasi siyempre nagustuhan nila yung pinaghirapan namin,” sabi ng 23-year-old Dominic.
Nasaksihan mismo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagdumog na ito kay Dominic sa second Gala Night ng Ang Nawawala kagabi, Hulyo 28, sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines, sa Pasay City.
Ang kakambal ni Dominic na si Felix Roco, na kabilang din sa cast, ay pinagkaguluhan din ng mga tao.
Ano ang pakiramdam ni Dominic na maski ang ilang celebrities na nanood at nakausap ng PEP matapos ng screening—gaya nina Iza Calzado at G Tongi—ay nagustuhan ang pelikula nila?
“Siyempre, nakakatuwa. Thankful ako sa kanila na nanood sila.
“Ang masasabi ko po, satisfied po ako, and I think the people are satisfied din sa napanood nila.
“Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga nanood. Kahit yung director po namin, si Marie Jamora, hindi po inasahan na magiging ganito yung impact sa mga tao.”
NOT EXPECTING TO WIN. Kasama rin sa cast ng Ang Nawawala sina Dawn Zulueta, Buboy Garovillo, Marc Abaya, Alchris Galura, Mercedes Cabral, Sabrina Mann, at Annicka Dolonius.
Kumusta naman ang pakikipagtrabaho ni Dominic sa cast?
“Actually, I’ve already worked with most of them, except with Ms. Dawn Zulueta.
“Working with Ms. Dawn, kinabahan ako nung una. Pero everything went well.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
8 merlion_25
7 nessky
6 greencardholder
5 aaronick
4 rodgie87
3 cinelamour
2 napazu7
1 BERNARD2010