news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 362866 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 882  cheesecake_21

    12/17/2012 | 12:56 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 881  cheesecake_21

    12/17/2012 | 12:55 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 880  damole

    08/12/2012 | 01:14 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 879  jillbab_34

    08/11/2012 | 09:32 PM
    hala hindi pumasok ang sarah g live sa agb...why
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 878  lovekosichona

    08/11/2012 | 03:02 PM
    Ang tunay na reason, ayaw magkatuluyan ni mommy divine sina gerarld at Sarah dahil sabi sa akin ni mommy divine, akin Lang si Gerald! Yan ang tunay na reason!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 877  ledfarani

    08/11/2012 | 03:07 AM
    korek ka dyan cutiepie123... blockbuster na blockbuster ito! ang galing ng management mag manipulate ng mga tao... binitin tayo sa lovestory na ito... nasa climax na biglang pinatay ang tv... ang daming nabalisa at na-curious, anong nangyari??? mapapakanta ka ng BITIN NA BITIN AKO... oowoooohhh!!! tapos nako pag lumabas bigla ang 3rd movie nila.. ayan na!!! marami lalong manonood, including me... hehehe! ayos! galing ni management! bravo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 876  cutiepie_123

    08/10/2012 | 08:35 AM
    Blockbuster ang article na ito., Ang mga tao talaga sobrang makajudge. Hindi pa nga nagsasalita ang both sides kung ano ba talaga ang nangyayari., huhayyyhayyy..Ang daming views meaning ang dami nga talagang interested sa lovelife ni Pop Princess Sarah G., Peru sa mga tao na ayaw kai Ms. Sarah G. hindi kayo kawalan, Sorry na nlng guys Top Rated padin ang show ni Sarah G. Live NATIONWIDE plus marami pang ads, As the saying goes NOBODY CAN PUT A GOOD PERSON DOWN.....I will support Sarah G. for better or worse:
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 875  yes_naman_ikaw_na

    08/10/2012 | 02:17 AM
    kaloka mga comment dito puro mga judgemental! hindi nyo naman po alam kung anong reason kung bakit nagstop na si gerald sa panliligaw at wala pong talagang nakakalam kung anong true reason behind that. baka po may third party or management decision or may ginawa si gerald na hindi nagustuhan ni mommy devine. wag nyo naman kaagad ijudge nanay ni sarah baka po kapag lumabas ang totoo magpasalamat pa kayo sa nanay ni sarah.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    boyish16
    08/10/2012 | 06:04 AM
    Pnoorin mo ng ilang beses yun show. Ulitin mo lahat ng mga videos ptungkol sa dalawa at sa mga magulang pra malwanagan kang mbuti! Simple lang pumyag ang nanay dahil n rin may big concert, may variety show so kailangan muna sumakay ng magulang ng tpos na at kumita na atska na inatras ang anak at sinbi bata pa ,huwag muna, nanay ang magssbi kung kailan. Grabe! Kung kailan masaya na ang anak at lalong nagiging inspirado bigla nman pinatigil so sila mismo nagpapa iyak sa anak nila hindi yun mga manliligaw
  • 874  2Curious_1

    08/10/2012 | 02:13 AM
    Well, Sarah's concert was sold out. So I hear. Without the dedicated fans, the concert would not have been successful. Credit Sarah's beloved fans and Gerald Anderson for making it happen. Now what? As a follower not a fan, after what happened I lost interests in any of her shows or movies. The family somewhat mislead the people who adored Sarah. I must admit watching Sarah G live Sunday to see her reaction after all the drama. She's back to her usual self, the giggles and all. She always pick out songs that are depressing because it relates about her life. I hope Gerald will move on. I have noticed, Sarah's pictures are no longer on Gerald's Facebook profile. Good indication. He is moving on.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 873  ledfarani

    08/09/2012 | 11:15 PM
    totoo yan nakakatamlay nga naman talaga... after all the hype for the show where gerald was in, just right after, biglang... lagapak... ano yun?! that just really killed the moment right there... Tapos na promo ng concert at show? Last bday show, back to zero nanaman si sarah?that's just annoying! tapos iyak nanaman siya? tapos pinapatigil nya magsalita nanay nya dahil nahihiya na sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 872  boyish16

    08/09/2012 | 07:59 PM
    Oo naging matamlay ang kramihan ng mga fans lalo na ang mga ashralds ! Di natin sila masisi sna lang nagpaka totoo ang mag nanay na ito para di narin humantong sa ganito! Feeling ng iba kinawawa at ginamit lang si Gerald para sa mga promo-promo! Di naman kya tumindig at ipaglaban ang kanyang nararamdaman. Di namn sinasabi mag rebelde or mag bf na kaagad sana man lang nagpakita siya mg katotohanan base sa kanyang totoong nararamdaman hindi puro pa kilig at gimik
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 871  Orangina_123

    08/09/2012 | 12:39 PM
    Isa lang ang sigurado, inis na ang mga tao sa kaeklayan ng mag-anak na ito...si sarah mahal ng mga tao Pero dahil sa pamilya nito na control freak, limit na rin ang suporta ng mga fans nito...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 870  pilyangmaganda

    08/08/2012 | 04:22 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 869  lukaret1

    08/08/2012 | 06:01 AM
    Si Sarah ang bread winner ng pamilya pero bakit naman yung mga kapatid ni Sarah sa abroad pa mga nag aaral? Pera sigurado pera ni Sarah ang ginagastos ng mga ito? Bakit naman sa abroad pa? At saka ito bang mga ito pinaghihigpitan ng parents niSarah o baka naman si Sarah lang?. I hope na pag laos na si Sarah may pera para sa kanya dahil palagay ko puro ito sa mga parents ni Sarah.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 868  eve21

    08/08/2012 | 01:46 AM
    my advice to Sarah is to follow her heart and think about her happiness as well. You're 24 years old, hindi selfish mag mahal. Yun ang natutunan ko, pareho lang tayo..before i used to help my parents alot and i have no regrets, but now im married and my husband and i are having a baby soon, i feel happy and content na i took my time, pero i knew na i needed to put myself first
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 867  mcrasam

    08/07/2012 | 08:23 PM
    Naku Sarah, Hindi ka na bata ... Maturi kang mags existing mag-Isa... Kung ang gusto ng nanak mo ang masusunod Hindu ka magiging masaya... Ikaw Lang ang makakaalam ng nagpapasaya sayo... Buhay mo yan... Ang magulang magpapauso pero never na sila ang mamimili para sa anak nila... Kalayaan Lang naman ang hinihingi mo bakit di Nila maibigay?... Natatakot ba sila na masaktan ka o natatakot sila na mawala k sa Kanila dahil ikaw ang bread-winner? Sarah, have your own mind...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 866  idasotera

    08/07/2012 | 06:59 AM
    Baka kapag mag 30 na si sarah hindi parin pwedeng paligawan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 865  amdp

    08/07/2012 | 12:49 AM
    Kaloka talaga si Sarah sobrang plastik pagsagot kita naman kilig na kilig ke Gerald.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 864  ike

    08/06/2012 | 05:53 PM
    Grabe views ng article na ito. this proves that everyone is interested in Sarah's lovelife.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 863  winged_angel

    08/06/2012 | 02:42 PM
    Yung mga kapatid sa abroad, bakit hindi binabantayan yun? Bantay sarado din ba? Bakit si SArah lang? Obvious na dahil sa PERAAAA!!!! Nakakagigil tong si Divina. SArap isumbong ng child abuse. Ang problema matanda na si Sarah, wala nga lang paninindigan. Kaloka siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About