At saka niya ibinato ang tanong na ito kay Divine: "Totoo daw bang ikaw ang nagpatigil kay Gerald sa panliligaw kay Sarah?"
Biro pa ni Ai-Ai, "Diyos ko, Mommy, huwag mo 'kong sasaktan! Babae lang ako!"
Matatandaang noong isang linggo ay kumalat sa Twitter ang blind item ni Ogie Diaz tungkol pagtigil ng panliligaw ni "G" kay "S" dahil hinadlangan daw ito ng ina ni "S."
Hindi man direktang tinukoy ni Ogie kung sino ang mga tauhan sa kanyang blind item, malinaw na ito ay walang iba kundi sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo.
(CLICK HERE to read related story.)
Sa sagot ni Mommy Divine sa tanong ni Ai-Ai, tila nakumpirma ang blind item na nagsasabing tumigil na nga si Gerald sa panliligaw kay Sarah.
Aniya, "Kami nga ni Daddy [Delfin] ang nagbigay ng permiso na ligawan siya [Sarah] sa bahay.
"Kinausap namin talaga siya [Gerald] nang pormal, at sabi ko, sa bahay lang puwede ligawan ang anak ko, hindi sa labas o sa text.
"Sabi ko, 'Kung mapapasensiyahan mo ang patakaran naman namin, ganito kami, nirerespeto ka namin, pero sana respetuhin mo rin kami. Kasi babae ang anak ko.'
"Ewan ko lang kung dapat sabihin, pero mukhang..."
Pag-oobserba naman ni Ai-Ai, "Parang kinukukurot na ni Sarah ang nanay niya."
Pagpapatuloy ni Mommy Divine, "Pero parang hindi niya mapagtiyagaan ang ganun..."
Ang ibig sabihin ng ina ni Sarah ay hindi kaya ni Gerald na sundin ang kanilang patakaran.
Ipinagtanggol naman ni Sarah ang ina at sinabing, "Hindi po, sa totoo lang talaga, hindi po ang mommy ko ang nagpatigil kay Gerald na manligaw. Wala."
Hirit naman ni Ai-Ai, "Hindi si Mommy kung hindi ako. Kasi ako ang nag-question. Kasi baka mabugbog ako ni Mommy."
NOT IN A HURRY. Sa sumunod na segment ng show, nagkaroon ng song number sina Sarah, Mommy Divine, at Daddy Delfin.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
882 cheesecake_21
881 cheesecake_21
880 damole
879 jillbab_34
878 lovekosichona
877 ledfarani
876 cutiepie_123
875 yes_naman_ikaw_na
874 2Curious_1
873 ledfarani
872 boyish16
871 Orangina_123
870 pilyangmaganda
869 lukaret1
868 eve21
867 mcrasam
866 idasotera
865 amdp
864 ike
863 winged_angel
more comments