news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 363060 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 682  mariel225

    08/01/2012 | 01:17 AM
    Kawawa naman si Gerald at hindi pinanindigan ni Sarah. Obvious naman in love si Sarah kay Gerald and vice versa. Kaso takot talaga si Sarah sa weird na nanay niya. Halos lahat ng tao gusto magkaroon ng backbone siya at kumawala na kay Mommy Divine na may topak. No win situation si Gerald kasi ipinaglaban niya si Sarah, but kung si Sarah naman ay nagpapa-control sa nanay didn't stand up for their love wala si Ge magagawa. Kaya pala dinaan sa biro ni Sarah sa show last wk nung SINABI NI SARAH KAY GERALD "BABE, SORRY NASAKTAN KITA". That's why I don't feel bad for Sarah coz she caused this heartache to herself. She should feel bad for Gerald dahil she caused him pain tapos she's still covering up for her mom's crazy mental behavior over the expense of Gerald.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    iamchristine
    08/01/2012 | 04:00 AM
    super correct! i don't feel bad din for sarah bec she chose to be hurt eh. she doesn't need nmn na magrebelde sa parent's nya, kailangan lng nyang iparating sa mga magulang nya na matalino xang bata at dpat namn xang pagkatiwalaang gumawa ng sarilign desisyon. this just make sarah weak. sa ginagawa nla kay sarah, tinuturuan lng nlng maging dependent ung tao. maybe that's really what they want para nga nmn hndi malayo sa kanila ung ginagatasan nla.
  • 681  akinse

    08/01/2012 | 01:08 AM
    Basta ako aabangan ko kung mag iinarte na naman sya sa mga songs nya--- wag na magpakita ng pagka hurt. Lubus-lubusin na nya ang pag pretend na masaya sya para sa mga walang concern nyang mga fans. Please refrain from singing break up/heartache songs..kakarume lang! Change your style 'te!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 680  amdp

    08/01/2012 | 12:44 AM
    Minsan parang ang boring ni sarah panoorin na wala man lang love life to make her kwento more depth. Sa ilang mga snapshots sa ASAP noon parang sya naman ang may gusto ke Gerald eh kaso sayang hindi man lang nagtry magkaboyfriend, feeling nasa glass case. tatanda din mga fans ni sarah and one day mag aaasawa din sila. they will not be forever be with Sarah. kaya bago dumating yung time na yun dapat gayahin ni mommy divine ang training ng eagle sa eaglet, slowly the mother eagle pushes the eaglet away from the nest... with Sarah, they push the experience away from Sarah and Sarah likes to be manipulated by them. The do not want her to fall so she does not know how to make her own decision without her mommy divine's controlling presence.. wala ng manliligaw ke Sarah and sooner or later, uusbong na ang mga new generation of singers and Sarah will be by her herself-- poor thing, she does not even know how to have a love life.. mabuti pa mag fix marriage na lang kayo- let our mom choose a husband na pwede nilang
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    adette_usc
    08/01/2012 | 02:43 AM
    SANA , WALA NA SYANG LOVE STATEMENTS AT THE END OF HER SHOW KASI WALA SYA NOON. HA HA HA! NI HINDI NGA NYA NA EXPERIENCE YAN . PWEDE PA SEGURO STATEMENT PAANO MAGING ROBOT NG MAGULANG.
  • 679  amanda2010

    08/01/2012 | 12:18 AM
    sarah kung ayaw mo ng lalaki, huwag nanay ang mag reject. ikaw na magsabi mismo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 678  amdp

    08/01/2012 | 12:12 AM
    baka hindi nag give up si Gerald, kundi baka di lang nya kaya ang sobrang pagwawatch ni Mommy Divine sa anak nya. hindi na makakalipad si Sarah kasi di nya kayang tumayo sa sariling paa na walang nanay nya eh sa edad nya ang asta ni Sarah parang 17 yrs old pa lang na laging kinikilig... Dapat hayaan na lang ni Mommy Divine na magsarili si Sarah para hindi sakal na sakal yung isa.. Natatakot siguro sya na baka mapabayaan ni Sarah ang work nya at singing career nya , pero pag laging solo si Sarah parang ang boring na nya if walang love life.... kinikilig si Sarah ke Gerald, kawawa naman di man lang narasan mag boyfriend.Dapat mag madre na lang na sya...Mag pa audition na lang siguro si Mommy Divine sa lahat ng lalaki na manligaw ke Sarah.. puro career na lang sya. I wonder if Sarah cries in her sleep when she is alone and the world passes bye around her without her being able to express how she feels for a guy, baka magising na lang sya one day na 50yrs old na sya and alone... it's hard when you missed out
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 677  amanda2010

    08/01/2012 | 12:10 AM
    kasi lately na-feel ng nanay ni sarah na parang ayaw na ni sarah kay gerald. para good girl pa rin dating sa people.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 676  akinse

    07/31/2012 | 11:21 PM
    1 episode of her own show put her family's reputation at risk. Thanks to her own parents!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 675  ledfarani

    07/31/2012 | 11:10 PM
    sarah should be the one taking a break in paris... tira sya dun kasama sister nya for a while na wala siya sa tabi ng both parents nya... yun may pera sya at sariling bank account...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 674  hellokitty30

    07/31/2012 | 11:07 PM
    Sarah is a good daughter but she's not a wife material she doesn't know the realities of life walang sariling diskarte, walang sariling paninindigan, super dependent sa parents nya. Baka konting kimot mommy-daddy! Kawawa rin ang lalakeng mapapangasawa nya kasi wala syang alam sa buhay! alam lang nya work-work-work. Sarah bata ka pa lang nag wowork ka na naiahon mo na ang parents mo sa hirap ng buhay panahon naman na na lumigaya ka kahit walang bf just enjoy life, enjoy your earnings reward yourself for being a good daughter artist! ang buhay ng tao d lang sa pera umiikot wag nyong sambahin ang pera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 673  ledfarani

    07/31/2012 | 11:07 PM
    kumbaga test and see if you can actually fly.. kung effective ba ang flying lessons sayo ng magulang mo... pero kung ang lessons sayo ng magulang mo ay lumipad-lipad ka lang sa loob ng hawla nila, eh hanggang doon ka na lang talaga... if you've instilled the proper values on your daughter, you should ease up.. kase at 24 instilled na instilled na yan... hindi na basta mababali yan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 672  ledfarani

    07/31/2012 | 11:01 PM
    Ang daming magagandang points dito na nabasa ko... very enlightening! Sana nga masubukan naman talaga ni Sarah na magdesisyon para sa sarili.. para makita naman kung may natutunan talaga sya sa mga naituro sa kanya... baka si mommy D ang walang tiwala sa sarili nya sa mga naituro nya kay Sarah... at si Sarah naman sobrang takot na feeling nya siguro mawawala ang pagmamahal ng magulang nya sa kanya, dahil comfort zone na nya yun eh... kumbaga nasanay na na may saklay! Hindi naman porke gumagawa ng sariling desisyon at naninindigan ay ibig sabihin magse-sex or magkakamali na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 671  ledfarani

    07/31/2012 | 10:56 PM
    kapal ng mukha mo tennisgirl123...feeling maganda ka? kung makapanglait! kapal mo!!! at feeling ano may-ari ka ng pep, kung makapang-utos na tanggalin toh sa newsflash?! kausapin mo yang mukha mo sa salamin, at sabihin mo "you're not even beautiful!" you're so disgusting! kung ayaw mo tong news na 'toh, wag mong basahin... TENNISGIRL123 bawasan mo yang make-up mo at nang mabawasan ang kakapalan ng MUKHA mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 670  furboduvil

    07/31/2012 | 10:33 PM
    ang daming comments!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 669  liwayway

    07/31/2012 | 10:07 PM
    sarah can't think for herself and she does not want to. her parents control her mind and body. maybe he still doesn't realize it, but gerald had a lucky escape.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 668  pinaylicious

    07/31/2012 | 10:06 PM
    In this story, hindi lang isang ina ang involve, hindi lang isang pamilya. Ang ina at pamilya ni Gerald ay meron ding mga feelings. If I'm Gerald's mom and my son is already telling the world how he loves the girl, doing miles of effort just to prove his love and yet the family of the girl doesn't appreciate it and in return my son is not treated well, then for sure I'm the first one who will advise my son to just move on. I feel bad that they were not given a chance. It is like a lost love.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    hellokitty30
    07/31/2012 | 10:43 PM
    I agree with you! ina rin ako ng batang lalake, for sure yung ina rin ni Ge nasasaktan marami pang babae na pwedeng ligawan si Gerald na wife material rin sa Pilipinas pa daming dalagang Pilipina at wife material ang package d lang si Sarah. At makahanap si Ge ng pamilyang tatanggapin sya at tratratuhin bilang isang tao hindi parang budoy.
  • 667  haleyholiday

    07/31/2012 | 09:23 PM
    Iyan na nga ang nakakatakot kay Divine. Ginagamit palagi ang pangala n ng Diyos pero hindi niya nakikita ang pagmamalupit niya emotionally and mentally kay Sara. Si Sara daw ay sobra din ang takot sa kapatid niya na palamunin din niya. Something is wrong with Sara's family and Sara is their victim
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 666  afkl11

    07/31/2012 | 09:15 PM
    I used to admire you Sarah ini idolised ka pa naman ng anak ko, but you know what I can't let my daughter be like you the way your mother treated you. Devine, you are selfish and pathetic let your child to stand on her own feet. We don't know behind close door but as we can see in the television you are such a devious mother. May problema ka yata mentally kaya yan and trato mo sa anak mo. Ginagatasan nyo na nga masyado eh tapos di man lang ninyo mapag bigyan limigaya. May RULES RULES pa kayo, hello??? Gerald is very busy too and he can't visit Sarah to your house everyday. Daig pa anak ninyo kay Kate Middleton??? Di naman perfect yang anak ninyo at di nga kagandahan. Eto pa, di marunong tumayo sa sariling paa, very dependent parang may kulang ka yata sa utak Sara. Paano nalang kung mag asawa ka na or mawala na yang mga SUPER hero mo na mga magulang. Hay naku! Grow up!!!! Don't be like Peter Pan. Hello...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 665  Glak9

    07/31/2012 | 09:05 PM
    I can't help but think of papa Chen, disowned by parents, pero pinanindigan yung gf, ngayon, peaceful na Siya, kasama pa yung Talagang mahal niya at asawa na niya, it won't happen to Sarah, takot ang nagingivabaw, ang mga parents ang paulit ulit ang pag brainwash na naghirap kaming parents mo, kami ang nagpursue at naghirap, ni labas pa lahat yung karaoke, star, at iba pang bagay to make her feel guilty, ang lakad ng hold nila Kay Sarah, walang capacity si sarah to make a decision
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 664  philippa_379

    07/31/2012 | 08:59 PM
    Naku po!di kaya sisihin ni MOMY DIVINE SI GERALD NITO. sasabihin nya siguro sa sarili nya na KUNG DI MO NILIGAWAN ANG ANAK KO GERALD KA! DI AKO MABUBUKINGKING.hahahaha MOMY DIVINE NEW GENERATION NA PO TAYO...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Glak9
    07/31/2012 | 09:07 PM
    Na ako ay isang bugw, walang pwede kundi yung gusto ko, manigas kayo lahat
  • 663  cain1234

    07/31/2012 | 08:38 PM
    There's no better way to express my thoughts on this issue than to quote a line from a famous movie Twilight: Eclipse: "This [being young] isn't the time to make hard and fast decisions, its time to make mistakes. Take the wrong train and get stuck somewhere chill. Fall in love - a lot. Major in philosophy 'cause there's no way to make a career out of that. Change your mind. Then change it again, because nothing is permanent. So make as many mistakes as you can. That way, someday, when they ask again what we want to be… we won't have to guess. We'll know." To Sarah, I really feel sorry for you..it's that part of your life which is certainly not enviable... life is short..and we are only young once...so savor it! there's no other way to experience life and love but to EXPERIENCE it first-hand...by yourself... Good luck...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About