news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 362900 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 542  autumngirl123

    07/31/2012 | 08:33 AM
    Sponsor not endorser
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 541  autumngirl123

    07/31/2012 | 08:32 AM
    Ibig kong sabihin sponsor
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 540  autumngirl123

    07/31/2012 | 08:31 AM
    I mean sponsor
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 539  autumngirl123

    07/31/2012 | 08:30 AM
    Oo nadisappoint ako Kay Sarah pero nauumay asar ako sa mga magulang nya. Diba nga nung muntik ng na kidnap ang tatay Nya sumama sa parking lot kahit di Nya confirm identity nung Tao kasi sinabhan na may gift na ibibigay galing sa endorser? Nu kaya un di nalng PA or sino pinapunta.gahaman tlaga. Kung pwede ko LANg itulak si sarah para matauhan na d baleng kasuhan ako later Basta ba after nun makita cyang Masaya, independent, confident at free na magmahal
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kiwipinay
    07/31/2012 | 09:35 AM
    wag ka madissappoint ke sarah, maawa ka! tulong yung kelangan ng prinsesa. sa magulang ka madisappoint dahil sa pag iisip nila!
  • 538  dream79

    07/31/2012 | 08:29 AM
    Makasarili si Divine, yong happiness at freedom ni Sarah ayaw ibigay, dahil ayaw daw kunong masaktan. Tingin ko dyan dahil si Sarah ang kumikita ng pera takot sila magkarron ng kahati sa attention,mawawala ang malaking share sa pera kapag nag-asawa si Sarah. Paano nga naman yong mga kapatid na umaasa kay Sarah ?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 537  dream79

    07/31/2012 | 08:25 AM
    Sana dumating na agad yong araw na makawala na si Sarah sa over protective at dictador na magulang. Minsan lang maging bata, or dalaga dapat ma-enjoy nya yang buhay nya. Kawawa at walang mabuting naidudulot ang sobrang higpit ng magulang. Kailan nila papayagan magpapaligaw si Sarah ,kung puro minamasama ang mga lalake? or baka takot lang mawalan ng income si dictador na nanay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 536  sarah_b_live

    07/31/2012 | 08:09 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 535  lovinABS

    07/31/2012 | 08:05 AM
    haha, napunta lang b si jolina s band member. well off nmn yata ang pamilya nung hubby nya but the guy himself i dunno his accomplishment
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 534  bananakiller00

    07/31/2012 | 07:57 AM
    she's 24 kaya dapat hinahayaan na siyang matuto on her own.. papaano siya makatatayo mag isa sa buhay kung sinasanay sya na ganyan.. kawawa naman.. ito namang magulang sobra.. tingnan nyo si jolina inayawan ng father si marvin pero tingnan nyo ngayon gaano ka successful si marvin agustin at kung saan napunta si jolina? sa isang miyembro ng banda? si juday may pagka pasaway pero tingnan nyo gaano sya katatag at kung kanino sya napunta? sa isang matalino at matinong guy..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 533  akinse

    07/31/2012 | 07:55 AM
    At baket walang postpaid fone si Sarah?? My god! --di ko talaga ito kinaya bilang endorser pa naman sya ng number 1 postpaid plan daw in the philippines!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 532  akinse

    07/31/2012 | 07:51 AM
    Baket si rayver-- umpisa pa lang hindi na pinayagan?? Muntik pang mabugbog..samantalang si Gerald pinayagan kunong manligaw..tapos babastusin din sa huli.. pagkatapos ng mga bday shows at concert?? Ano ang kaibahan ni Rayver at Gerald-- isipin nyong maigi yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kiwipinay
    07/31/2012 | 09:38 AM
    forever will support Sarah pa rin! lalake lang yan ang daming lalake sa mundo!
  • 531  galore

    07/31/2012 | 07:45 AM
    ayaw nyo may magpapaiyak sa anak nyo, eh kayo mismo nagpapaiyak sa anak nyo. hindi na ko magugulat kung minsan mabalitaan ko na nagsuicide si sarah , dahil sa depression.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 530  blip

    07/31/2012 | 07:45 AM
    My goodness...napanood ko ang SGL sorry to say pero , ginawang bondying ang anak nila doon. Wow, may papunas-punas pa yung nanay sa luha ni Sarah. Nanay din ako pero imbes na matuwa ako, nadismaya pa ako lalo. Let the kid grow up!! Noong issue nila ni Rayver naintindihan ko siya pero iba na ang dating nito...OA na! Mommy Divine, sana po sa bandang huli hindi kayo sisihin ni Sarah na lumipas ang panahon na di man lang niya naranasan na maging normal na kabataan na umibig at inibig. Life it too short, we never know what's gonna happen next. Kung puro na lang kayo hinala at walang tiwala sa mga taong nagkakagusto sa anak nyo, ipasok nyo na lang sa kumbento. Tsaka wag naman maliitin si Ge, di nyo hawak ang future ng isang tao. Totoo hitik kayo ngayon pero tandaan nyo patuloy po ang ikot ng gulong ng buhay. Ang kabataan, kagandahan at kasikatan lumilipas din.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 529  akinse

    07/31/2012 | 07:43 AM
    Kuya/ate xxxjmb2 -- halatang wala kang concern kay Sarah! Its her choice, totoo naman..ang tanong masaya ba sya? Alam ng buong pinas na nakapanood na HINDI! At ang mga fans nyang selfish walang pakialam..go lang Sarah be the ever obedient daughter that you are! Be the perfect kid because dyan ka namin minahal! Hindi ka makakarating sa kinalalagyan mo kung di dahil sa nanay mo..its like saying its ok to lie to yourself for the sake of a WHOLESOME IMAGE! the end, karma will hit them so bad!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    xxxjmb2
    07/31/2012 | 07:52 AM
    ofcors concern kay sarah,pero kung ang pagka concern nmn ng mga tao dito ay e bash sya ng bash wag na lg...kung malapit kayo kay sarah or sa nanay nya talk to them straight! Eh obviously mabait na bata si sarah,ano magagwa nio doon?
    klassyk143
    07/31/2012 | 02:21 PM
    Kaw na lang. Kausap mo kami ah. Mamaya sapian pa yung nanay nya eh anu pa gawin.
  • 528  akinse

    07/31/2012 | 07:32 AM
    Spell tamang guidance----- basta gusto kong makita na si Sarah ang gumagastos o kaya naman ay naambunan ng perang SYA NAMAN ANG KUMITA AT NAGPAKAPAGOD!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 527  MarkLapid

    07/31/2012 | 07:19 AM
    Nanay ni Sarah, siguro nag po post dito. Mrs Devil este Divine,maaawa ka naman sa anak mo. Bigyan mo naman ng laya dahil sya naman ang breadwinner sa family nyo. Wala nang maglalakas loob na manliligaw dyan kay Sarah dahil sobrang angas ng nanay. Sinisira agad at walang tiwala sa manliligaw,lahat masama. Kawawa naman di man lang maka experience ng normal na buhay pakikipagrelasyon sa kapwa ang anak,ginagawang robot. Psychotic nanay ni Sarah,dapat ipa check up ang utak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 526  Angel_Wings

    07/31/2012 | 07:18 AM
    sabi ni gerald, yan ay hinde wine na habang pinatatagal at binuburo mas lalong sumasarap. yan ay parang isa, habang tumatagal nagiging bilasa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 525  autumngirl123

    07/31/2012 | 07:13 AM
    xxxjmb... Mommy divine isdatyou?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    xxxjmb2
    07/31/2012 | 07:15 AM
    So?! one of my haters? Haha
  • 524  slickchick02

    07/31/2012 | 07:08 AM
    sarah isn't really a good example for the youth out there. since maraming fans si sarah esp ung mga fanatics nya, baka gayahin ang pagiging no self-respect for herself, ung pagiging takot humarap mag isa, letting other ppl na digtahan sila. i also hope that ppl would see what's wrong with sarah-divine relationship and wouldnt let that kind of situation happen to them
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    xxxjmb2
    07/31/2012 | 07:32 AM
    really hindi magandang ehemplo? So ano gusto mo na gawin ni sarah ang bastusin magulang nya para lg masunod ang mga tao na gusto magdesisyon para sa knila..
    klassyk143
    07/31/2012 | 08:48 AM
    Alam mo xxxjmb2. Hindi porket may ipinaglalaban at may sariling disposisyon ay binabastos na ang magulang. Hindi sa lahat ng panahon ay tama ang magulang tao rin sila nagkakamali. hindi naman porket parents lahat na ng sinasabi tama.
    xxxjmb2
    07/31/2012 | 10:41 AM
    Oh then? Kung mabuti kayong tao,magsalita kayo ng tamang gagawin hindi yong e cricriticize nio ang character ng nanat at ng bata at kung anoano ang sasabihin pa..
  • 523  xxxjmb2

    07/31/2012 | 07:05 AM
    at hindi ibig sabihin na kung 24 ka na at hindi pa nagkaroon ng bf ay hundi ka na pweding maging ideal na asawa. nasa pag uugali yan,u will learn everything once na may asawa ka na..sa edad ni sarah at sa pagiging buo nya at hindi wasak tulad ng iba.marami ang magkandarapa sa kanya in a given time ,in God's perfect time..pinagdarasal ang mga bagay na yan.hindi minamadali.dahil mindan pagminadali mo dyan kapa tatumbling..hindi ni sarah mararting ang narating nya kung walang tamang guidance ng mga magulang nya..hayaan nio sya buhay nya yan..kung kayo ok lg sa inyo na ibigay ng mga anak niong babae ang"tinapay" nya sa kahit sinong lalaki then sa inyo nayan kung proud kayo dyan..haha
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    klassyk143
    07/31/2012 | 08:51 AM
    Saka pa lang sya matuto pag nag-asawa na? Oo nga hindi porket hindi pa nagkakabf ay hindi na ideal wife, pero kung walang alam sa buhay, yun yung hindi ideal wife. Eh takot nga ang nanay madapa at masaktan ang anak, paano matututo? So anong magiging alam nyan sa pag-aasawa at buhay kung hindi pinapaexperience.
    xxxjmb2
    07/31/2012 | 10:50 AM
    Ganun cno nmn ang nagsabi sa iyo ng lahat nyan? Ang taong walang alam sa buhay hindi magiging successful tulad ni sarah..at cgurado ka?u know wat , been there done that kaya disagree ako sa inyo..my parents were over protective of me until i reached my 25th bday,ang dami kung himdi alam sa buhay..but when d tym came nanagkapamilya na ako,naging mahusay din ako sa lahat ng bagay..dahil yon sa tulong ng asawa ko..hindi ako nagmadali,dahil sa tamang panahon ang tamang lalaki ay darating..kung hindi mkapaghintay ang lalaki meaning hindi sya para sa iyo..haha

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About