news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 363039 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 862  pretty

    08/06/2012 | 02:09 PM
    Ang sinabi ni Mommy Divine naramdaman niya na HINDI PA TALAGA si Gerald ang para kay Sarah.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    winged_angel
    08/06/2012 | 02:37 PM
    ay may powers siya? Alam niya ang lahat? Diyos ba siya?
    pretty
    08/08/2012 | 09:28 AM
    winged_angel tanungin mo si Mommy D sinabi niya sa Sarah G yun dahil hindi nakaya ni Gerald ang patakaran nila. Parang si Mommy D kasi ang nangBABASTED imbes na si Sarah. Masyado ka namang serious...ganito lang kasimple yan LAHAT ba ng nanligaw sa iyo sinagot mo? Syempre meron karing nabasted kahit isa lang kasi hindi mo siya naramdaman.
  • 861  userdaw

    08/05/2012 | 12:29 AM
    wala in-approriate content to reply ko ...eto basa hahah..sa akin kasi i was hoping na hinde simpleng happy birthday lang sinabi ni Gerald dun sa message. But it's ok na rin kasi at least i know na if ever sabihin ni Gerald ang word na LOVE, it means a lot to him at he just don't say it loosely like other guys. Gaya ng una kong mga opinyon, Gerald is probably weighing and sorting out things kung ano talaga, things cannot be rushed lalo na sa love. Pero whatever happens, i will always admire the 2 of them as individual artists or actors, nakadagdag pa na they are both simple at walang hangin. I pray na magpatuloy success nila sa kanilang individual career and sa personal lives nila and I hope they will only change for the better as they continue their journey in life.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Monicafer
    08/06/2012 | 09:27 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • 860  userdaw

    08/04/2012 | 09:29 PM
    I love Sarah and Gerald kaya eto na naman ako para magbibigay ng opinyon. Pinanood ko uli iyong guesting ni Gerald sa bday celebration ni Princess Sarah, eto Napansin ko, si Gege di man kahit indirectly said I love you na sa tingin ko parang hinihintay din ni Sarah, pero maaari din mali ako. Kasi si Sasa on her some interviews she would say indirectly na love na nya si Gerald bilang kaibigang espesyal nya. That could have been one of the signs that Sarah was waiting na if Gerald would only take the lead she'd follow afterall nga naman si Gerald ang lalake. Sabi nga nya di ba, just call my name and I'll be there. Bakit nga ba di masabi ni Gerald kahit indirectly ang I love her and mahal na nya si Sarah on national television. Sayang nagka aminan na sana kasi mukhang espesyal naman sila sa isa't isa. Pero Lalake talaga dapat mag initiate or lead sa umpisa lalo pag sa Pilipinas. Hay naku, nangealam na naman ako sa kanila affected much lang po bilang supporter and follower haha
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    2Curious_1
    08/04/2012 | 10:24 PM
    My recollection of the show was the clock. Gerald specifically said, "if you have something to say, say it now." He's done his part and I think he already knew it will never work out because of her parents. It takes two to work things out. That's just my opinion anyway. I have seen some of Gerald's interview, he admitted Sarah is very special. Sarah needs to grow up and stand up for herself. A 24 year old should already know what is best for himself or herself. She can't be dependant on her parents forever. They are not getting any younger. It's time she needs to start making decisions on her own.
    wagsanabiasedangpep
    08/04/2012 | 11:01 PM
    2Curious_1: I agree!
    userdaw
    08/05/2012 | 12:12 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • 859  2Curious_1

    08/04/2012 | 09:00 PM
    For Sarah's avid fan. Sarah is scheduled to have concert August 17th in Davao with Sam Milby. Lucky for Divine more money coming in unless there's not a fan left to support Sarah. Better yet, support Sam Milby. I like Sam. He has class and very mature for his age. He came from "well grounded" family. I hope Sarah doesn't fall for him. Seems Sarah gets emotionally attach with her partners in movies. Sam knows better, he is no fool!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 858  haleyholiday

    08/04/2012 | 02:54 AM
    Last Sunday halos ayaw ko ng panoorin ang Sara G kasi nakita ko ang pagmumukha ng mga magulang niya pati kapatid na nasa France. Halatang kontrolado ng mang delfin at aling divina ang show. Buwisit na buwisit ako sa mag-asaw. Dapat next time wala ng relative ni Sara sa show
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    winged_angel
    08/06/2012 | 02:40 PM
    Na sa France ang kapatid niya? Sinong gumastos? Si Sarah? Kaloka. Ginawa na ngang palabigasan, ginawa pang milking cow. Eh di nga nakakahawak ng pera si Sarah eh. Pati panregalo sa mga birthday, walang pambili dahil si Divina ang may hawak ng pera. MInsan tumakas at pumunta ng birthday party, nangutang pa para may pambayad sa taxi. Shameless family.
  • 857  boyish16

    08/03/2012 | 03:17 PM
    Pababayaan ba ni mommy divine na i boycott ang mga shows ni Sarah dahil lamang sa masyado siya maramot sa anak ? Parang gusto lang pera...pera.....at forever single ang anak nya! Take advantage yun sobra projects no lovelife muna
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 856  akinse

    08/03/2012 | 01:38 PM
    Ang issue ng bag--->> kasi dapat hindi na nag papaalam si Sarah bumili kahit anong gustuhin nyang bag, dahil kanya naman ang pera.. Anong prinsipyo ni Mommy D? Na simpleng lifestyle..na dapat tipidin ang perang kinikita ni Sarah...e kumusta yung dalawang kapatid na sarap ng buhay sa Paris at New York?? Excempted ba sila sa prinsipyo? Kasi kesyo nag aaral?! Choice kaya ni Sarah na pag aralin sa ibang bansa ang mga kapatid nya, samantalang sya, kailangan pang ipagpaalam ang pag bili ng isang bag. That is the issue.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    olracaltee
    08/03/2012 | 02:26 PM
    akinse.. tama ka.. maski sana mg enjoy sya sa mga bagay.. cause d na mbabalik ang time eh.. haizz.. nku nmn..kailan pa.
    Tofifiness
    08/03/2012 | 06:59 PM
    korek!!! pero sa nakikita ko sa ugali ni Sarah I AM very sure 100 na gusto nya rin paaralin ang mga kapatid nya sa Paris at New York. mabait ang ugali ni Sarah parang no bad blood sa kanya eh. sya yung tipong pag nakikita nyang masaya ang mga kapatid nya at parents nya, masaya na sya. ganun sa palagay ko ang nakikita ko sa kanya. At mukhang naiintindihan ko naman ang STRATEGY NG NANAY NI SARAH sa BUHAY nang mga anak nya. Si Sarah GIFTED na yan, kahit tumanda yan MAY CAREER SYA kasi gifted ang boses nya sa pagkanta at pag arte, lifetime na yan. E yung mga UNKNOWN NYANG KAPATID? how? are they gifted as Sarah? Obvviously HINDI, kaya the least Divine can do is PAGANDAHIN ANG RESUME NILA NG BONGGANG BONGGA! Hindi man milyones ang kikitain nila, pero compared to the mass people in the philippines, may advantage sila kasi sa PARIS AT US ba naman nagaaral diba? pag balik ng MAKATI nang mga yan baka MANAGERS na agad ang bagsak.
    Tofifiness
    08/03/2012 | 07:03 PM
    kaso yung nga lang, SARAH IS ALL OUT SUPPORT SA MGA KINABUKASAN NG MGA unknown and not gifted and fortunate as her na mga KAPATID NYA at BUONG PAMILYA NYA. Sana naman dahil sa UGALI ni Sarah na mapagbigay at masunurin WAG NAMAN I-TAKE ADVANTAGE NG BONGGA BONGGA NANG BUONG PAMILYA NYA LALO NA ang Divine na yan! Wag silang mashadong MATAPOBRE sa kapwa nila at WAG MASYADO mataas ang tingin sa SARILI! Don't deprive Sarah of the little material things that she would want.
  • 855  geraldethel

    08/03/2012 | 01:10 PM
    Bakit issue dito ang chanel bag? Sarah has an LV bag na tig 4000 noon pa.Gamit niya noong first movie pa niya.May point na man si mommy D kung umayaw sa chanel dahil baka iba prinsipyo niya.Pero sad talaga ako at type ko talaga ang Geraldsarah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 854  jillbab_34

    08/03/2012 | 10:45 AM
    para sa akin hindi naman cguro demoltion job ang ky ogie.cguro ang sa kanya wake up call para ky mummy d..dahil doon sa vibes tayo,naawa nga cya ky sarah..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    haleyholiday
    08/03/2012 | 03:35 PM
    I agree. Saka hindi lang naman si Ogie ang nagsasabi ng ganito halos lahat ng reporters ay iisa ang puna kay Mother Almighty Divine. Kaya nga sa murang edad ni Sara pinalamon na niya ang buong mag-anak. 2 nag-aaral e si Sara halos magmakaawa pa sa ina na kumuha ng short course sa USA para lalong gumanda ang performance niya. Makakarma din iyang si Delfin at Divine saka mga kapatid niya sa trato nila kay Sara
  • 853  haleyholiday

    08/03/2012 | 10:06 AM
    Dapat ay si Divine ang ipag pray over. Aba! ugaling EWAN! Nakakahiya ka Divine at mga Kapatid Ni Sara. Kahit ipako pa sa Puno si Divine hindi pa iyan sapat sa ginagawa niya kay Sara. At sa mga kapatid ni Sara ang kakapal rin ng mga mukha ninyo. Hindi ninyo tulungan na mapasya si Sara at ibigay ang freedom niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 852  Tofifiness

    08/03/2012 | 09:18 AM
    Sarah will never be able to take full control of her life because she doesn't know that such a word or idea exist in this world. All she had ever known is to follow and obey. She was raised that way. Malamang may pananakot pa yan from her nanay niya na tipong "Hindi ka namin pagaartistahin Ng Tatay mo pag sumuway ka" Ang Hindi Lang alam ni Sarah na kahit mawala pa sa mundo Ang magulang nya ay makakapagartista parin sya, at makakakanta parin sya !!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 851  Tofifiness

    08/03/2012 | 09:08 AM
    I agree with how Sharon raises KC but we are missing one vital point here Kung bakit over the bakod Kung makabakod si mother divine thou art kay SARAH, aside from her earning millions fir them it's her VIRGINITY. totoo naman kasi that a virgin girl is still regarded as priceless Kung nasa harem ka you could fetch a high price. Naiintidihan ko naman Ang nanay ni Sarah at this point, nanay din ako and I have 2 daughters, pinangangaralan ko rin ang eldest ko sa importance to value her womanhood. At alam kong magiging mahigpit din ako pagdating ng panahon. Divine's greatest mistake is actually depriving Sarah of her wants, sige I agree wag muna mag boyfriend until sure sa nararamdaman but to completely control her even on her way of thinking and speech is just way unforgivable! simpleng Chanel Bag lang ayaw ibigay samantala Ang mga kapatid nasa US at PARIS??? bag Lang ? E magkano Lang yun susmaryosep!!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    olracaltee
    08/03/2012 | 02:29 PM
    tama ka.. karapatan nya ang gumasta ksi sya nmn ang kumakayod.. sana nmn ma enjoy ya ung life nya..ung mga bagay na gusto nya gamitin at lugar na gustong puntahan.. mga kaibigan na gustong mkasama mamasyal.. touch ako sa msg n gerald about sa clock na bgay nya kay sarah.
    jakar
    08/07/2012 | 07:52 PM
    Wag na taung magtaka Kung ang cp ni Sarah ay 3210 pa rin samantalang ung mga ka age Nya ay touch screen na... Sorry for Sarah... Hindi Man Lang naranasan ang Maging isang bata... Sad!!
  • 850  akinse

    08/03/2012 | 07:34 AM
    humandynamics: sana hindi na lang nag guest si mother at father D sa show ng anak nila...Hindi siguro ako maniniwala ke OD kung hindi naging ganun ang asal nila on national TV. Sana masaya si Sarah sa choice nya. Kasi ginusto nya yun,. Mahal ko si Sarah,,karamihan dito ay fans nya, before. Hindi porke't pareho na ngayon ang opinion namin at ni OD ay kinukunsinte na namin ang pag B-BI at pag atake sa pamilya ni Sarah. Aminin man natin o hindi, may point naman sya. Nasa sayo yun kung maniniwala ka o hindi, you know better.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 849  humandynamics

    08/03/2012 | 06:29 AM
    Parang nagwagi ang demolition job na ginawa ni ogie diaz kay sarah.. I wonder kung paano nagka anak si ogie, hindi kaya siya naaawa sa mga anak niya dahil kinukutya sa school?! bakit parang wala atang nakikialam sa kanya kung paano niya patakbuhin ang "pamilya" niya dahil hindi rin naman kagandahan ang sa kanya. hindi kaya dapat manalamin muna si ogie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 848  akinse

    08/03/2012 | 01:43 AM
    Iba din kasi an situation ni Sharon, kasi mayaman naman po sila. Kumbaga kay Shawie since alam nya ang buhay sa showbiz, gusto nya kahit papano maging normal naman ang buhay ng anak nya. And I must agree, sobrang nakakahanga din kasi si KC talagang bonafide princess...pero pinaranas sa kanya ang mag sacrifice, mag sipag at magtrabaho, maging independent at a youn age. Nainlove at nasaktan pero at least natuto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 847  PEPeeto

    08/03/2012 | 01:42 AM
    last sunday sarah's parents monopolized the birthday show. i'm sure it was the most uncomfortable moment of her life because it showed the world what is their real family dynamics, how her parents MANIPULATE sarah. thanks for that show WE NOW UNDERSTAND WHERE YOU ARE COMING FROM, sarah. why you feel you cannot liberate yourself. we cannot really blame you in a way. but now you have hundreds of people who will support you should you decide to free yourself. so just GO AND FLY LIKE A BIRD, sweetie.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    FilAm777
    08/06/2012 | 08:41 AM
    well said!
  • 846  guyandpip

    08/03/2012 | 01:31 AM
    huwag ako kokontrahin ng mga SHARON haters pero ehemplo lang ito para makita nag punto ko okay? si KC pingakatiwalaan na magaral sa abroad solo walang alalay. sinunod niya payo ng magulang niya na magtapos lang ng edukasyon at bahala na siya mga desisyon niya, maski pa magshowbiz na. kumayod para sa sarili niya. na-in love sa kapwa showbiz na gumamit at niloko siya para maitago ng lalaki ang sikreto niya. well okay napahiya nasaktan siya ng grabe pero SO WHAT DAHIL SI KC NATUTO, NAGMATURE AT Nng ilang besesARANASAN ANG TUNAY NA PROSESO NG BUHAY: madapa, masaktan at bumangon ulit. so ngayon ang mga karanasan na yan ang basehan ng mga desisyon niya. maaring masaktan na naman pero SO WHAT ulit dahil yan ang gulong buhay. entiende MOTHER DIVINE AND MR DIVINE GERONIMO??
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    olracaltee
    08/03/2012 | 02:32 PM
    big check guyandpip! correctness.. yan ang tunay buhay mommy divine.. sana nmn mbasa lahat n mommy dvine to nh? haizzzz..
    amaya_rivera
    08/05/2012 | 12:38 PM
    GUYANDPIP --- natumbok mo..
    T_Steigert
    08/08/2012 | 04:10 AM
    tama!!!
  • 845  akinse

    08/03/2012 | 01:19 AM
    PEPeeto--- oo ganun na nga..basta after ko yun mabasa ang nasabi ko na lang may ganun palang mga tao. Hindi ko alam if they are just pure christian or if they are just over religious..sabi ko shoxx hindi kami pedeng maging mag ina ni mother D. Pero ano ba namn pakialam ko di ba, it is their belief, respect na lang kasi at least may Dyos silang kinikilala maliban sa mga sarili nila. I just find it weird. Yun lang naman. But I don't question it because paniniwala nga ni mother yun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 844  PEPeeto

    08/03/2012 | 01:01 AM
    akinse on your number 815 comment: "ginawa ni mother ay dumipa sa harap ni Jesus at pinray over si Sarah!" ginawa ni mother ay dumipa sa harap ni Jesus at pinray over si Sarah! dahil naglamierda without chaperone, late pa uwi.WHAAAT? e di ngayong muntik ma-in love e di ang parusa e ala semana santa na she will whip herself under the scorching sun gaya nung practice sa probinsiya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 843  mariel225

    08/02/2012 | 11:21 PM
    You deserve better Gerald than this delusional Geronimo family. Things happen for a reason. Everyone is convinced, except the mental Geronimo's, that you are the right man for Sarah from the genuine and sincere caring actions that you've shown to her, BUT maybe she's not good for you because her and family might just make you crazy in the long run from all their meddling and OA rules. RUN AND DON'T LOOK BACK!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About