Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.
Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.
Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.
Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.
Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"
Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.
Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"
Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.
Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.
Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.
"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."
Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.
Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”
(CLICK HERE to read related article.)
Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."
ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
462 angelrivera
461 akinse
460 cinelamour
459 shashimingming
458 shashimingming
457 klassyk143
456 Glak9
455 angelrivera
454 liwayway
453 PEPeeto
452 mariel225
451 frisch2817
450 zwitty
449 klassyk143
448 cece73
447 PEPeeto
446 zwitty
445 mariel225
444 angelrivera
443 klassyk143
more comments