news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 362931 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 282  MarkLapid

    07/30/2012 | 02:26 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    flightforge29
    07/30/2012 | 02:58 PM
    takot lang ang magulang nyan na kapag mag asawa na si Sarah ay wala na silang sustento.
    flightforge29
    07/30/2012 | 02:59 PM
    nakita ko nga isa nyang kapati d sa Sara G Live na nakataped interview na nasa Paris. Bongga...At yan ay dahil kay Sarah... pera ni sarah kaya nandon sa Paris... nasaan kaya ang kapatid na yan noong wala pang Sarah Geronimo? Siguro nasa hagdanan nila at nagtatanggal ng mga kuto ng nanay nya. hahahaha.
    pinknlavander
    07/30/2012 | 03:44 PM
    Flightforge29 nap araw mo Ako sa comment mo. Tama ka yung mga kapatid ni Sarah may freedom, go out with friends, with monet at money yun ni Sarah. Nakalimot ang nanny ni Sarah na responsibility nyang kumakain para sa pamilya Hindi yung anak ang gamitin para yumaman at magma pear hayyyyyy
  • 281  anthea143

    07/30/2012 | 02:26 PM
    masyadong mabait si Sarah. hindi nagrereklamo, opo lang ng opo and people / her family are taking advantage of her. poor lil girl
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 280  lhettdelrosario

    07/30/2012 | 02:25 PM
    And ogie diaz is true!!!!!!!!!!!sana mauntog c sarah d xa lage sunud sunuran sa mga magulang nia.....she knows already what is right and wrong.....ayoko na manuod ng mga shows nia pagtyagaan q na lng muna ang tv5!!!!!lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    flightforge29
    07/30/2012 | 03:00 PM
    ang dami ng pag-ibig ang pinalampas nya... ilang pag ibig pa kaya ang palalampasin nya bago mauntog sya at pagsisihan ang lahat..
  • 279  userdaw

    07/30/2012 | 02:23 PM
    comment uli ako since meron nambulabog sa pagtulog ko...personally, I do like Gerald, mabait na bata walang ere but yes I have doubts kung true nga feelings nya for Sarah only because of his past loveteam with Kim and his past private panliligaw kay Bea at Pauline ba iyon. Kaya u can not blame Sarah to have doubts and for her to expect Gerald to prove more that his actions were or are not a showbiz act. Only Sarah can feel that and alam ko na kaya nyang ipaglaban ito sa parents or entire clan nila basta: sabi nga sa kaso if there are enough grounds and proofs na nakikita sya from Gerald. In-love na nga siguro si Sarah pero meron gray area na dapat i-resolve pa si Gerald. And now that according Gerald abruptly discontinue iyong panliligaw then his feelings are not deep talaga for Sarah. Siguro he has to sort his feelings muna at ayaw nya mabigla kasi baka una nadala lang kasi siempre Sarah Geronimo iyon. Let time reveal what is in store for them. August pa lang naman, di pa tapos 2012 haha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 278  g_r_i_n

    07/30/2012 | 02:22 PM
    Naaawa ako kay gerald, i can't blame him if he has indeed given up on courting sarah baka binasted pa nga yan. If the mother can say such things on national knowing na ganun na nga yung sitwasyon at alam na nasasaktan pareho yung anak niya at sigerald, ano pa kung sila-sila na lang sa bahay. Sarah deserves freedom, she's the daughter every parent wanted to have... sana wag nila masyado ikulong sa mundo nila yung bata. I got some friends who is neighbors to the geronimo's in st. charbel QC, sila mismo nakakakita kung gaano ka-happy yung 2 tuwing magkikita at darating si gerald at kung gaano ka-OA at KJ minsan si mommy D.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    flightforge29
    07/30/2012 | 03:03 PM
    Mommy D huwag gahaman sa salapi!!! Ibigay mo naman ang laya na gusto ng anak mo.
  • 277  MarkLapid

    07/30/2012 | 02:20 PM
    Selfish ang parents ni Sarah, ayaw nilang bigyan ng freedom ang anak na nagpapalamon sa family nila. Saka malamang bini-brainwash nila si Sarah kaya ganyan sunod-sunuran sa magulang na palamunin. Takot na baka kapag nag ka bf si Sarah,mabuntis at mawalan ng career, mawawalan na rin sila ng pera at pang kapritso. Paano ba matututo sa sarili si Sarah kung kinokontrol ng family lahat ng kilos at desicion nya? Napaka selfish nilang lahat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 276  yamnt2007

    07/30/2012 | 02:19 PM
    may diprensya ata utak ng nanay ni sarah hindi na normal yan! at ikaw naman sarah, ewan ko sayo! wala kang sariling utak! pano ka matututo kung di ka magkakamali? di ka na bata!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 275  AnnabellSoriano

    07/30/2012 | 02:19 PM
    napakasarap magmahal at mahalin. nandun ang kilig, yung di ka makatulog sa kaiisip sa kanya, yung sya ang huling iniisip mo bago ka matulog at sya ang unang maiisip mo pagkagising mo. bawat tunog ng cp mo kinikilig na kinakabahan ka dahil alam mo may text sya. lahat ng cards sa national bookstore gusto mong bilin dahil lahat ng nakasulat doon akmang akma sa nararamdaman mo sa mahal mo. napakasarap ng may inspirasyon sa buhay. oo masakit kapag sa wala din napunta ang inyong magandang samahan pero doon ka magiging matibay. masasaktan at masasaktan tayo, walang makakapigil dyan. ang edad ni sarah yung edad na sana'y nararanasan na nya ang pakikipag realsyon. hindi naman kailangan i-give up ang virtue nya kapag nakipag boyfriend sya. hindi ko maintindihan kung bakit ipinagkakait ng nanay ni sarah ang kaligayahan ng anak. i am a mom too. may babae din akong anak and i don't see myself over protecting my child. hindi ako habang buhay nasa mundo. kung lagi ko i-shi-shield ang anak ko sa pain, kapag wala na ako paa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 274  tatoyadik

    07/30/2012 | 02:16 PM
    sobra na yang ina ni SG....takot kc maghirap ulit...kya ayaw pakawalan ang kanilang source of income...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 273  minimaxell

    07/30/2012 | 02:15 PM
    OA ang Geronimos, sorry pero OA sila. turn-off ako kay sarah, walang sailing pag iisip
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    winged_angel
    07/30/2012 | 02:39 PM
    actually hinde and mga geronimos ang OA kundi ang mga TUA, Yung pamilya ng nanay ni Sarah. Lahat ang mga yan kampi-kampi lalo na yung 11 na magkakakapatid ng nanay ni Sarah. Si Sarah din kasi walang sariling isip. Ang hina ng kalooban. Hinahayaan na ganunin siya.
  • 272  TWEETYB

    07/30/2012 | 02:12 PM
    just a thought. how would a mother say she knows who is best for her daughter? i should say i once did what my parents thought was the right one for me. unfortunately, i did not follow my heart, but followed their wishes. unfortunately again, he was not the right one. i shed an ocean of tears because i did not go for what i wanted. what was suppose to be a love story, ended up a horror story. just a comment. no offense. you are 24. you have the right to decide and commit mistakes. i should say, go for it. follow your heart, but stand right in the eyes of God pray for him. He might be the right one. only YOU will know. not anybody else. a comment after watching sarah g live
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Glak9
    07/30/2012 | 02:20 PM
    I have never felt so disgusted with anybody, except after I watched the geronimos, they make me throw up, they are full of pretensions and lies, good for you Gerald, nauntog ka agad habang puro material things pa Lang ang investment mo, ngayon Hindi na ako galit Kay Matteo, maybe he saw the same thing about sarah
  • 271  frisch2817

    07/30/2012 | 02:08 PM
    di kaya naaawa ang nanay ni sarah sknya.. grabe ang iyak ni sarah..wlang konsensyang nanay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 270  minimaxell

    07/30/2012 | 02:05 PM
    sayang naman kala ko pa naman sila na. si sarah walang sariling isip, she's already 24. pag nag boyfriend ka, of course andun ung gusto mo happily ever after. pero my goodness, this is not fairy tale, we are in real world. Sarah, mas okay ng masaktan kung pinaglaban mo kesa ma re realize mo in the end na kaya sya nawala sayo dahil di mo sya pinaglaban. Gerald will definitely find a girl prettier, nicer, richer than Sarah and a woman with character!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 269  frisch2817

    07/30/2012 | 02:05 PM
    nakita ko Sarah G Live, bakit kaya pinapahirapan ni Sarah sarili nia, ang sarap namn magmahal...pra kay Gerald naman sana ipursue nia si Sarah., dont give up Ge.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    winged_angel
    07/30/2012 | 02:41 PM
    Ay I cant blame Gerald. Ikaw ba naman irap-irapan, simangotan, pagbabaan ng telepono at pahirapan ng wala sa lugar. Sa gandang lalake niyang yun, it's not worth getting stressed over kung alam niya namang naiinis sa kaniya yung nanay at walang ginagawa yung babae para ipaglaban siya. Di naman pwede na isa lang ang lumalaban. DApat silang dalawa. Love is not a one way street.
  • 268  lhettdelrosario

    07/30/2012 | 02:00 PM
    While im watching last night nakikita q sa mata ni sarah na malungkot siya!!!pero ganun talaga wala xa paninindigan she is 24 and very obvious naman na gusto rin nia c gerald ang malas lang talga nagkarun xa ng magulang na ganun ang paninindigan...i pity you sarah!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 267  fanhan

    07/30/2012 | 01:58 PM
    iba na nga naman talaga ang panahon ngayon. well kung pursigido naman si gerald, why stop? if he doesnt have to work hard to get sara's yes, that's just gonna be an easy relationship. just like any oter relationshp in showbiz. pero sana di nalang nagpa interview si mommy divine kasi nega ang dating nya..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Glak9
    07/30/2012 | 02:11 PM
    Nakakasuka ang geronimo's, puro epal, Lalo na yung tiyuhin
  • 266  maplegirl

    07/30/2012 | 01:58 PM
    Hi Sarah, as a fan, am just concerned..at 24 you must know how to to decide for yourself and show to your parents that you are strong and can handle problems specially when it comes to your lovelife. Your parents are to be blame because if you became famous and busy at work at an early age, they should have taught you also how to be independent, and seek advice from professionals how to handle your earnings in preparation for your future when your not in the limelight anymore. Not only that what if mauna sila sa yo mamatay, what will happen to you if you do not know how to get in and out with the flow of life. THERE IS NO RIGHT GUY OR PERPECT RELATIONSHIP...YOU MUST KNOW HOW TO MINGLE WITH FRIENDS AND SUITORS WITHOUT YOUR PARENTS ON YOUR SIDE SO YOU WOULD KNOW THE TRUE MEANING OF LIFE... THIS DOESN'T MEAN THAT YOU WILL DISOBEY THEM BUT BE FIRM, TELL AND SHOW YOUR PARENTS THAT YOU CAN BE TRUSTED AND CAN HANDLE A RELATIONSHIP NO MATTER WHAT HAPPENS NA HINDI NADUDUNGISAN ANG REPUTATION NG PAMILYA NYO...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Glak9
    07/30/2012 | 02:09 PM
    Wala nga non, salat Siya don, don't ask Kung ayaw maging mature
    dominicguevarra
    07/30/2012 | 06:32 PM
    ayaw niya mag mature. feeling niya 10 years old lang siya forever. yan ang gusto niya.
  • 265  exithere123

    07/30/2012 | 01:57 PM
    Run, Gerald! Run! Hahah And to Sarah, just live a little girl. Don't live with all these damn rules. Let yourself breathe, live, and love! Its fun!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 264  klassyk143

    07/30/2012 | 01:57 PM
    Poor Gerald, I say. Na-involved pa sya sa pamilyang ito. Tapos all the blame will go to him na naman. Gerald has been nothing but nice to Sarah's family. Always bringing the whole family presents. San ka pa makakakita ng ganyan? Ni date, sinasama pa yung magulang. Ano pa ba gusto ni Divine? Patakaran? Eh yung iba nga hindi na nga pumupunta sa bahay at pinagpapaalam sa magulang tapos si Gerald ginawa yun lahat na sa America pa lumaki. Dyos ko! All I can say is, Gerald did everything that he could to win Sarah but it takes two to make it work. Gerald deserves better than this. They are so focused on finding the right man for Sarah but can't see if Sarah could be the right girl for Gerald, or any guy.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    minimaxell
    07/30/2012 | 02:07 PM
    Agree They are so focused on finding the right man for Sarah but can't see if Sarah could be the right girl for Gerald, or any guy.
    Glak9
    07/30/2012 | 02:15 PM
    Walang right guy, Dahil walang papasa, anong say kaya ni ate Juday
  • 263  slickchick02

    07/30/2012 | 01:56 PM
    hay nako... gerald should distance himself na from the geronimos ! ma-drama ang aabutin nya jan. plus they expect na sa church ang ending nila... i mean hello, gerald is young and fresh, he could do better, he's too young to deal with their drama. pag sila na ni sarah and magka problem sila, guess who's gonna jump in and fix it?
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    winged_angel
    07/30/2012 | 02:43 PM
    Mabuti na rin ang nangyari. Gerald would have had to deal with he11 for the rest of his life if sila ang nagkatuluyan.
    dominicguevarra
    07/30/2012 | 06:36 PM
    correct. any guy who wants to date sarah is just in for a problematic and a boring relationship. kabuntot ang nanay. sarah is such a turn off.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About