news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 362907 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 222  thirstytrooper

    07/30/2012 | 12:05 PM
    hy naku.... mukhang tatandang dalaga si sarah at yan ay dahil kagagawan ng ina niya... nung baguhan pa lang si sarah... nag guest siya sa SOP pa nun, at nasa labas lang kami ng dressing room.... gusto kong magpa-picture.... ngumiti si sarah at aktong magpapa-picture na.... kaso sumabat yung kasunod niyang masungit na babae.... nagmamadali daw... hello? ako lang naman ang magpapa-pic and it wont take 5 seconds... nung sumikat na si sarah, nalaman ko na si divine pala yun... ang mommy niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 221  haleyholiday

    07/30/2012 | 12:03 PM
    Natatawa ako kay Delfin at Divine na respetuhin ng manliligaw ang gusto nila ha ha ha. Talagang kundisyon na hindi nila aalpasan si Sara habang kumikita pa ito. Poor Sara ang dami palang pakainin. Malabo ng lumigaya ang batang ito. Habang buhay kakayod para sa pamilya niya at pamilya ng mga magulang niya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 220  mgran325

    07/30/2012 | 12:02 PM
    I feel bad for you Sarah. You're 24 yrs old and you can't have the freedom to chose the person you want to go out with. I can understand your parents they are so protective about you...but you have to remember you've done your part to give them the best that they could ever have. You have sacrificed yourself regarding your schooling to help your siblings, them it's about time that they have to understand your feelings too. It doesn't mean when you have a boyfriend you're ready to get married. It's still a process before you get to that point. Who do they parents want you to go out with...son of millionaires from some politicians? Like what your mother said...you deserve someone who you can lean on. Are theyparents trying to insinuate Gerald is not good enough for you. Gee, it's too soon for them to judge who Gerald is. SARAH - PLEASE GROW UP! STAND FOR WHAT YOU BELIEVE IN...YOU'RE ALREADY 24. YOU'RE MATURE ENOUGH TO KNOW WHAT IS BEST FOR YOU. I will keep on praying to give you guidance in
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 219  haleyholiday

    07/30/2012 | 12:00 PM
    To Divine, marami ng pera na ibinigay sa iyo ni Sara. Palayain mo na siya. Bakit ang iba mong anak malayang pumupunta kahit saan dahil walang ipinapasok na pera. Si Sara hinihigpitan mo dahil ayaw mong mawala ang pera. Napanood ko ang Sara Live hindi ako sang-ayon kay Divine at Delfin. Pera lang ang pinangangalagaan nila. Masarap nga naman ang buhay nila habang sikat si Sara. Paupo upo at hindi naghahanap buhay. Halatang pinagtatakpan ni Sara ang mga magulang niya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 218  milomilo123

    07/30/2012 | 11:57 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 217  mynamedoesntmatter

    07/30/2012 | 11:56 AM
    I thought nga naloloka na si Sarah..eh kasi ba naman sa Sarag G live iyak ng iyak and sabay tawa ng tawa. Sooner or later baka matuluyan na nga to then ang mag anak na parasites mawalan na ng milking cow.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 216  imayberight

    07/30/2012 | 11:54 AM
    12 magkakapatid sina Divine. Si Sarah bumubuhay dun sa 11 nyang tito at tita.. oh ngayon alam nyo na bakit ganyan si Divine?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 215  klassyk143

    07/30/2012 | 11:52 AM
    Saludo lang talaga ako kay Gerald. From the very start, wala kang narinig sa kanyang masama o reklamo. Puro pagtatakip at praises yung sinasabi nya. OA at absurd ang mga patakaran ni "Divine" kuno pero may narinig ang publiko kay Gerald? WALA. Ganoon sya kagentleman at karespectful tapos may gana pang siraan ng nanay na hindi daw mapagtyagaan. PWEHH I HATE YOU DIVINA!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 214  itnok

    07/30/2012 | 11:50 AM
    naku mommy divine ano ba yang mga kundisyones mo, naiintriga tuloy ako. baka mauwi kay pnoy si sarah sa sobrang taas ng standards niyo... waaah que horror....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 213  imayberight

    07/30/2012 | 11:49 AM
    fan ako ni sarah pero hindi kaya ng konsensya ko na ang pambili ko ng album nya eh hindi man lang nya na eenjoy.. alam nyo yung ganung feeling? ok sige, manonood ako ng movie nya, pero alam ko sa loob loob ko na hindi naman masaya si sarah at napupunta lang sa mga kapatid at parents nya ang kinikita nya. ni hindi nya ma enjoy ang buhay nya.. mabuti pa siguro wala ng career si sarah baka sakaling lumigaya pa sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 212  gabriela414

    07/30/2012 | 11:47 AM
    old style of courting does not make sense at all, a lot of old couples are just together but they are not happy at all, either have an affair or sad sila talaga, firm ang nanay ni sara sa kanyang decision bakit buhay niya ba ang buhay ni sara, napakaselfish niya talaga , magdasal siya nadi mabagok si sarah at magising sa katotohan,i think takot lang sila na mawala ang breadwinner nila. sara wake up, you are n.ot giving a good example sa lahat
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 211  imayberight

    07/30/2012 | 11:46 AM
    i agree sa boycott. wag tayong selfish na makita natin ineentertain tayo ni arah pero alam nating lahat na malungkot ang puso nya.. kung tunay tayong fans, bigyan natin sya ng oras para mag grow up at marealize nya na may mali. ngayon kasi okay lang kina divina na ganyanin si sarah kasi alam nila hindi mawawala ang fans. at hindi mawawala ang kita nila.. gets?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 210  zaarenica

    07/30/2012 | 11:45 AM
    jusme!!! 24 na si sarah! let her be happy!! nasa kanya na yun kung magpapakaloka sya pero sa tingin ko d naman sya katulad ng ibang stars na mapusok...maibibigay ba ni mommy divine ang happiness nya?!! saka d naman sya kagandahan, swerte nya at nagustuhan sya ni gerald anderson no!! d naman sya ka level ni bea alonzo sa beauty! hmp!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 209  klassyk143

    07/30/2012 | 11:43 AM
    Ironically, ang mga tutuong overprotective stories tungkol sa Geronimos especially sa twisted niyang Mommy didn't come from Gerald, but from Ogie Diaz and other people surrounding both of Sarah Gerald sa ABS kasi too kawawa. Gerald's a real gentleman 'coz he was always humble respectful sa mga comments niya about her family kahit na pambabastos na ang pinagagawa ng crazy na si Mommy Divine sa kanya. Yes, pinapadalaw sa bahay kuno pero binabastos naman both sa bahay at sa studio. May narining ang public kay Gerald? No, ang mga staff na ang naaawa sa pinagagawa ni Mommy D.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 208  klassyk143

    07/30/2012 | 11:40 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 207  rejin

    07/30/2012 | 11:39 AM
    sobrang estrikto parents n sarah sa bandang huli magiging matandang dalaga na c sarah, dnaman kagandahan ang anak nla lalo na pag nalaos yan !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 206  klassyk143

    07/30/2012 | 11:38 AM
    Ano ba itong si Sarah, tuta lang ang peg? sunud sunuran. Buti pa ata ang aso may kalayaan eh. Ni hindi man lang umapila sa parents nya. Super obey kahit na wala naman na sa lugar. Tawa lang ng tawa parang walang sariling paguutak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 205  funrel

    07/30/2012 | 11:35 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 204  MolybdenumStudios

    07/30/2012 | 11:34 AM
    Ganito lang 'yan, ah. Mommy Divine should read Amy Chua's Battle Hymn of the Tiger Mother dahil ang character ni Amy Chua doon ay kung sino si Mommy Divine hanggang ngayon. Although may narinig akong statement ni SG na pumapayag din naman si Momma D pag lumalabas ng bahay, pagdating sa guys, she still cannot apply the same rule!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 203  klassyk143

    07/30/2012 | 11:34 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About