news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 362869 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 162  jagjof

    07/30/2012 | 10:17 AM
    Normal sa pagiging magulang na maging protective sa kanilang anak. Ang problema sa magulang ni Sarah, hindi na protective, very selfish na sa kaligayahan ng anak nila. Si Sarah, hindi kayang tumayo sa sariling nyang paa dahil hindi siya tinuruan ng magulang nya kung paano tumayo sa sariling paa. Hindi pang-habang buhay nila kayang protektahan ang anak nila. Darating ang panahon na daraanan ni Sarah ang isang yugto ng buhay nya isang matinding pagsubok, paano kakayanin ni Sarah yun kung hindi naman siya capable na maging isang matatag na tao.....Tama din si Gerald na layuan nya si Sarah, magiging miserable lang ang buhay ng sinumang lalaki ang papatol kay Sarah dahil tyak na makiki-alam pa din ang magulang nya kahit na may asawa na si Sarah......
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    cottonkloud
    07/30/2012 | 10:22 AM
    isang malaking CHECK!!
    triplikeyoudo
    07/30/2012 | 10:26 AM
    100 agree.
    haleyholiday
    07/30/2012 | 10:31 AM
    agree ako sa iyo. Kasuwapangan na ang umiiral kay Divine at Delfin. Hindi na pagmamahal sa anak. I fear for Sara kasi emotionally ang mentally hindi healthy ang ginagawa ni Divine
    yacinth
    07/30/2012 | 10:48 AM
    ako rin very much agree sa statement mo. I used to like her but because of her parents i stopped patronizing her.
  • 161  klassyk143

    07/30/2012 | 10:17 AM
    Daig pa ang parents nang dyosang si Anne Curtis. Ginto raw si Sarah.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    haleyholiday
    07/30/2012 | 10:22 AM
    I don't think that is the problem. Ang kinikita ni Sara ang pinoprotektahan ni Divine. Sa kanya lang daw iyon
  • 160  klassyk143

    07/30/2012 | 10:16 AM
    Sarah... ANG GANDA MO AH!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 159  cottonkloud

    07/30/2012 | 10:16 AM
    Mommy Devine you are the caused for all of these! hope you are reading the comments dahil sayo nakakawalang gana ng kumilig pag me iba mang manligaw sa anak mo. After all ikaw lang ang dahilan na hindi naging maligaya anak mo ...the heck of your legacy at super OA'ng rules. Sarah is mabait at ma aalalahanin sa pamilya ninyo kaya pls lang set her free let her decide what she wants at 24??? sheysssss...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 158  klassyk143

    07/30/2012 | 10:16 AM
    Good luck finding the perfect man! but there is no such thing...Pag tumigil ang guy out of respect for the parents wag namang ipagmukhang masama kesyo hindi mapagtiyagaan or hindi siya ang tamang guy... sana maisip din nila na wala ng mangangahas manligaw kay Sarah after this so they don't have to worry.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 157  haleyholiday

    07/30/2012 | 10:10 AM
    ok sana si Sarah pero nakakawalang gana na dahil kay Divine at Delfin. Super takot sila na mawala si Sara at magkaroon ng freedom dahil wala na silang control sa pera. Kailan kaya magrerebelde si Sara and try to enjoy life. Baka sakaling magising si Divine. Nakakainis na ang attitude ni Divine. Akala ko si Anabelle ang ganid pero mas grabe pala si Divine
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    xoxoxo143
    07/30/2012 | 10:18 AM
    korek.. ganid sa pera tong nanay ni sarah. eto namang c sarah, walang sariling decision at paninindigan.. puro momi dadi. d sya karapat-dapat tawaging ROLE MODEL ng kabataan kasi napaka dependent sa mga magulang. 24 yrs old ha. walang alam sa buhay... kawawa kang bata ka.
  • 156  Alwaysholiday

    07/30/2012 | 10:10 AM
    Kung hindi makapag-hintay si Gerald at hindi n'ya kaya ang requirement ng mga magulang n'ya, ok lang. Pero sana naman hindi tinaon na birthday ni Sarah. Sana nag-antay man lamang hanggang makalipas ang birthday month n'ya. Sobrang sakit naman ng timing n'ya!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    mariel225
    07/30/2012 | 10:33 AM
    Sobra na kasi siguro ang ginagawa ni Mommy D kay Gerald at baka lang last na nilang magkikita ni Sarah by themselves na hindi sila surrounded by Mommy Divine or Sarah's cronies dahil pinagbabawawalan na nga sila to be together. So, he took the very few moments to tell Sarah where he's coming from without the brainwashing of her crazy mother. As the staff from ABS subtlety commented, he did the selfless act of giving her up for the sake of peace between her and her family. AND FOR THAT, I truly admire him.
  • 155  xoxoxo143

    07/30/2012 | 10:09 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    Alwaysholiday
    07/30/2012 | 10:12 AM
    Alam mo hindi ka kawalan kung i-boycott mo si Sarah. So get lost!
    klassyk143
    07/30/2012 | 10:23 AM
    Oo tama lang 'yan. Walang backbone! pweehh paulit-ulit na lang ang issue. Wala na bang bago.. haayyy 2 years later, ganun pa rin ang drama. Nakakasuka na.
    ny_2009
    07/30/2012 | 10:31 AM
    BOYCOTT BOYCOTT.... itong isa dito d daw kawalan, baka sa kanya hindi kawalan pero sa magulang ni sarah kawalan ang pera ng mga fans na boboycott bwaaaa
    ny_2009
    07/30/2012 | 10:33 AM
    madami kaya kami na manonood ng concert nya soon pero dahil sa magulang nya, madami din kaming nagagalit sa magulang nya at HINDI NA MANONOOD at hinding hindi na susuporta kay sarah dahil para ano pa, pakainin ang magulang nyang sumasakal sa kanya?!!!
    ny_2009
    07/30/2012 | 10:34 AM
    si sarah din naman nagpapakabulag at walang sariling desisyon kaya nakakawalang gana din sya.
  • 154  klassyk143

    07/30/2012 | 10:06 AM
    Ironically, ang mga tutuong overprotective stories tungkol sa Geronimos especially sa twisted niyang Mommy didn't come from Gerald, but from Ogie Diaz and other people surrounding both of Sarah Gerald sa ABS kasi too kawawa. Gerald's a real gentleman 'coz he was always humble respectful sa mga comments niya about her family kahit na pambabastos na ang pinagagawa ng crazy na si Mommy Divine sa kanya. Yes, pinapadalaw sa bahay kuno pero binabastos naman both sa bahay at sa studio. May narining ang public kay Gerald? No.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 153  MarkLapid

    07/30/2012 | 10:04 AM
    Mahirap makipagrelasyon sa taong di makatayo sa sariling paa. Kapag ganyan kahit magkatuluyan man at married na,makikisawsaw pa rin ang magulang,magiging magulo lang ang buhay. Kung puro duda sa mga nanliligaw,walang trust sa kapwa at takot masaktan, tama lang siguro na tumandang dalaga para siguradong safe at walang heartbreaks.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 152  mariel225

    07/30/2012 | 10:03 AM
    I agree with you akinse. I hope hindi na mag statement songs si Sarah about heartache dahil OA lang dahil obviously everyone knows Gerald tried his best to fight for he truly loved her. Not fair dahil he can't express his feelings dahil he's trying to be a gentleman and selfless. Tapos si Sarah mag-aarte na 'you hurt me' sa mga song, but she was the one who didn't have the courage to fight for him? Sorry, no sympathy ako kay Sarah. Even to the last minute last week on SGL, Gerald tried Sarah to assert her freedom and speak up hoping for her to fight for him as well. Wasn't Gerald's last msg to her in which he chokefully delivered: "ANG BILIS NG ORAS. KUNG MAY GUSTO KANG GAWIN, GUSTONG SABIHIN, SABIHIN MO NA. TIME LOST MAY NEVER BE FOUND AGAIN...." It might not for love, but he was helping her to finally claim her independence, experience life and make her own decisions Di ba sabi rin Juday yon? Of course, pinagtawanan lang ng brainwashed, immature, weak Sarah kasi deadma or wal
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    ledfarani
    07/30/2012 | 10:12 AM
    Everything happens for a reason!
    klassyk143
    07/30/2012 | 10:12 AM
    Super agree with you! Parang may plano pa si Mommy Divine na siraan si Gerald sa SGL na keso hindi daw mapagtyagaan ang mga patakaran. Nagalit siguro sa advice ni Gerald na gawin na nya yng gusto nyang gawin which is to kumiwala na sa mga controlled-freaks nyang mga magulang. She's obviously brainwashing the public naman to sympathize with her. Tama na. Paulit-ulit na lang.
    mariel225
    07/30/2012 | 10:13 AM
    CONT...or wala lang siyang comment after Gerald said that heartfuland meaningful msg kaya siguro nag-decide si Gerald to give her time to grow up and get a backbone. I was initially a fan of Sarah, but not anymore 'coz they're hurting a good guy who only showed them respect and good intentions to Sarah and her family. Of course, they're doing damage control over the negative publicity surrounding their demented familly and covering up their mental and convuluted actions. But it's not fair naman na they're twisting the stories and making him look like the bad guy when in truth he's not, as obviously reported from Ogie's tweets
    mariel225
    07/30/2012 | 10:17 AM
    CONT....and other ABS staff that have seen and encountered the Geronimos' mean actions towards Gerald, especially by Mommy Divine.
    klassyk143
    07/30/2012 | 10:34 AM
    OO nga eh yung iba dyan nagpainterview kung gaano kabastos at kasama yung paguugali ni mommy D. Pero si Gerald puro respect at praises lang ang sinasabi tungkol sa family. Saludo ako kay Gerald. A real gentleman.
  • 151  ledfarani

    07/30/2012 | 10:01 AM
    Pag merong pumutok ang ugat dito dahil sa kunsumisyon kay mommy D, i-re-reimburse daw ng mga Geronimo ang hospital bills, rehab bills, at psychiatry bills...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 150  malaya2007

    07/30/2012 | 10:01 AM
    Mabuti nga pinayagan syang manligaw sa bahay. Kung iniirapan sya ng nanay magtiis sya, nanliligaw sya eh. Yung iba nga dyan hinabol ng saksak ng tatay bumabalik pa rin. Madali lang talagang magsawa si gerald like what he did to kim na nilagawn dahil sa fans, si bea at si pauleen na dineny dahil sa fans. So masisisi ba si sarah kung paghintayin sya ng matagal naninigurado yung tao. Pero in fairness baka matulad sya ke regine nang-agaw ng asawa ng may asawa para magka-asawa.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    ny_2009
    07/30/2012 | 10:14 AM
    I'm sarahs fan pero bakit ba ang iba nagbubulag bulagan sa mga magulang ni sarah, lahat ng lalaki may kulang o hindi bagay sa kanya. Bakit hindi na lang itago yang sarah ninyo. lahat na lang ang lalaki ang mali, pweee sa inyo palibhasa palamunin ang mga magulang kaya natatakot mawala ang anak nila. It's not about Gerald, kundi ang magulang na na very selfish sa kaligayahan ng anak nila. KAYA kami mga fans ni SARAH, BOYCOTT na.
    lanalang08
    07/30/2012 | 10:15 AM
    maski ano pang pagtatanggol mo kay sarah at sa kanyang nanay talagang mali sila pareho and lalo na ang nanay niya. hwag mong akusahan si gerald tungkol sa babae. wala pa naman si sarah sa buhay niya nang panahon na iyon. at what age ba si gerald nang panahon na iyon teenager pa siya and may immaturity pa sya noon. kaso nang manligaw siya kaysarah ay stable na siya sa buhay at nasa tama nang edad and same with sarah. baka ang gusto nang nanay ni sarah ay ala prince william ang mapangasawa nang anak niya. mabuti nga nagustuhan pa siya ni gerald kumpara naman kay rayver. at kung di siya sumikat gaganda ba siya at yayaman. dahil kung hindi walang papansin sa kanya at baka hindi ganyan kahigpit ang nanay niya sa kanya.
    klassyk143
    07/30/2012 | 10:28 AM
    It's not fair to Gerald because ever since eh he didn't deny Sarah. Bantay sarado ang kilos nya sa publiko at walang ibang nalink sa kanya. So who in their right mind can put the blame on Gerald?
  • 149  userdaw

    07/30/2012 | 10:00 AM
    at bakit naman ibo-boycott si Sarah lovelife nya iyan at personal life nangengealam lang tayo hehe at saka simula pa lang naman alam na ni Gerald na medyo makaluma nga parents ni Sarah, kaya dapat ginawa ang panliligaw na mapapabilib parents na approriate din at this age and time. I like Gerald kasi mukha talagang mabait na bata at walang ere at guapo pa pero meron past kaya siguro gusto lang ni Sarah mapatunayan na it's for real not for showbiz effort. Pero sana kay Sarah don't think about marriage kung sakali manligaw si Gerald uli ng totoo na or handa, matatakot nga iyon kasi bata pa sya. Enjoy nyo lang iyong bf-gf stage tapos kung kayo talaga mangyayari iyon, bayaan mo dumating na si Gerald mismo mag-open nito sa iyo. Pano mo malalaman kung magiging kayo forever if u won't try it first. Even married people end up getting divorced or separated kahit ilang years pa na nagsama. No assurance sa buhay, it's better u step up to something and try it para later on walang regrets.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    ny_2009
    07/30/2012 | 10:16 AM
    at bakit hindi iboboycott, wala rin naman syang kaligayahan at ang magulang nagpapakasaya sa pera ng idol namin tapos ang idol namin wala man lang freedom kahit bumili ng personal na gamit na galing naman sa mga fans nya ang pera nila hindi binibigay sa idol namin!...
    humandynamics
    07/30/2012 | 10:36 AM
    OA naman yata yan haha. I boycott dahil ayaw mo nangyayayi sa love life niya? At Kung pera at boycott din Lang ang sinasabi mo, di ba dapat ang VIVA ang binoycott mo dahil don sa unang movie niya with jlc noon na kumita ng hundreds of millions pero binayaran si Sarah ng singko?!
  • 148  akinse

    07/30/2012 | 10:00 AM
    Sarah: Be a REBEL for a CAUSE!!! For once stand on your own! Do not pretend that everything is OK and tell your mom that you are hurting because she is too blind to see it! And I am not even talking about your love life! All aspects of her life, by now she should be deciding on her own.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 147  ledfarani

    07/30/2012 | 10:00 AM
    Si John Lloyd ang wagi in the end! hehehe
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    lyka25
    07/30/2012 | 10:23 AM
    Paano naman nasama si Johnloyd dito? si Gerald nga na umakyat ng ligaw sa bahay nila Sarah hindi umubra sa nanay si Johnloyd pa na hindi naniniwala sa ligaw.Pero infairness naniniwala ako na may something pa rin si Johnloyd kay Sarah kasi halata selos siya pag tinutukso si Sarah kay Gerald sa asap noon
    jianzz143
    07/30/2012 | 01:23 PM
    jOHN lOYD???...EH SI GERALD NGA NA pormal na nanligaw,,,ganito ang nangyari,,si John loyd pa kaya,,,na mas matindi nag background,,lasenggero na,,bilis pa magpalit ng gf...btw,,JLC-ANGELICA NA DAW NGAYON,,HAHAH
  • 146  kansilay

    07/30/2012 | 09:53 AM
    i like sarah, but this time parang sobrang OA na nilang mag-ina, hindi mo din maintindihan si Sarah halata namang atat din mag ka lovelife na masunuring anak naman ang pa effect,ngayon paawa effect nnaman kasi stop na ng panliligaw si Mr. Anderson sa kanya,prang pinapalabas pa na ung lalaki ang walang tiyaga sa panlliligaw sa kanya!Wala sa mga manliligaw nya ang problema nsa kanilang mag ina,dapat buruhin kna lng ng nanay mo,na umaasa na lng sa iyo! mabuti pa dalawang kapatid nito cguro sa abroad na nag aaral free if ano gusto nilang gawin kc hindi nman sila mga bread winner! hay Sarah magising kna parang minamanupulate ka ng nanay mo! baka naka tungkod kna hindi ka pa rin nag kaka boyfrien! lolz...
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    triplikeyoudo
    07/30/2012 | 09:58 AM
    exactly!! baka napansin na rin ni Gerald na hinding normal family ang mga Geronimo's kaya sya na rin ang lumayo. kung ganyan nga naman ang pamamaraan ng family na yan, well, Gerald can't be blamed. there's a fine line between testing a person's sincerity sa downright pambabastos. okay na rin Gerald..just move on. you deserve something better.
    ledfarani
    07/30/2012 | 10:06 AM
    mabuti na yang ngayon palang eh alam na kung pano ang pamilya ni sarah... kesa later on pa... eh sa hindi kaya ni gerald eh... eh di hindi..
  • 145  cottonkloud

    07/30/2012 | 09:50 AM
    Magandang isipin na mag ala sharon-gabby tong si Sarah at Gerald mabuti mag tanan na nga lang kayo...paki nyo sa mundo basta maligaya kayong dalawa maligaya na din kaming lahat pweee ra sa nanay at tatay ni Sarah hehehe. Jokeeee! just my thought na inis lang sa nanay nya ahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 144  akinse

    07/30/2012 | 09:50 AM
    Ang tanong---baket ba na shelved??? Porke na iinlove na si Sarah bawal na maka trabaho si Gerald?
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    ledfarani
    07/30/2012 | 09:52 AM
    baka panget ang storya te...
    ny_2009
    07/30/2012 | 09:53 AM
    Natatakot ang nanay teh na pagkatapos ng movie baka magpakasal ang dalawa mawawala ang suporta galing kay sarah hahaha yang ang magulang na selfish sa kaligayahan hahaha
  • 143  bellenytmare18

    07/30/2012 | 09:44 AM
    i dont like gerald at first because of all the negative write up that was proven right at what he did to kim chiu but i must admit he genuinely good in his teleserye BUDOY that why i beggining to like him as an actor and despite of all the negativity to him he passed, fight and stand and survive without kim.. i like sarah at first she's a great singer, good daughter, and have good moral and im really like her for not being like others at her age aggressive but for a fan i see her shine as a total performer i agree to LUIS m. said nag iisa si sara sa kanyang henerasyon..when rayver c. and sarah issue came even it become hot it just passed like normal things and maybe some fans or generally agree to the mother of sarah that rayver is not meant to her..but GERALD came you will feel and see the love that he wants to share and give to sarah and try to give also respect to the parents of sarah..he cannot even talk and respond quickly to all the Q. you will see that hes always ask sarah without a microphone hes
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    bellenytmare18
    07/30/2012 | 10:01 AM
    doesnt want put sarah in a not good situation as well the parents.. still he wants to give respect to the parents.. we didnt know the full story..BUT.. PAANO MO MALALAMAN AT MARARANASAN MAGING TAMA KUNG natatkot at naduduwag kang MAGDESISYON.. KUNG PAANO KA ITRATO NG MAGULANG MO un ang KALALABASAN MO at HINDI MAGTITIWLA SA U ANG SINUMAN KUNG IKAW MISMO DUDA SA SARILI MO

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About