news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 362996 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 102  akinse

    07/30/2012 | 08:22 AM
    Ang dapat talaga ay isama na ni Gerald si Sarah sa Egypt..di na makaka kontra si mother! Itanan nya nah go! But kidding aside, if Sarah didn't cry her heart out last night..,,baka sakaling natanggap at napaniwala akong bukal sa kalooban nya ang pagtigil sa panliligaw ni Gerald. Pero hindi e, iyak talaga sya. At may eksena pa pala last week sa cr sina mommy D at Sarah.. doon nangyari ang brainwash, literal!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pepster31
    07/30/2012 | 08:25 AM
    masakit ke sarah na gumive up agad si ge...akala niya kasi mahihintay siya in such a time na ready na si MD na payagan siyang lumabas kahit with chaperone...ang sakit sa babae yun at gusto mo na yung guy...
  • 101  gmabs27

    07/30/2012 | 08:21 AM
    style ng magulang nya panahon pa ni maria clara, na mahawakan lang sa kamay kasal na kaagad. wake up to reality this is 2012, people get to know each other first before tying the knot ,and marriage is not even a guarantee anymore that you gonna be together for the rest of your lives. Para sa akin, may trust issue dito. Sarah's parents do not trust her to make the right decision when it comes to matters of the heart so they set all these limitations sa mga manliligaw, it is as if si Sarah ay isang bata na kailangan ng structure para matuto. Hello, she is already 24 I think, and those values na for sure tinuro nyo sa anak nyo na sa sistema na nya, trust her to make the right decisions, paano kung wala na kayo how can she stand on her own? ngayon para syang kabayo na may cover sa gilid ng mata para derecho lang ang tingin, how can she grow like that? she has to widen her view of the world kasi doon lang tayo nagiging wise at natuto sa buhay.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    philippa_379
    07/30/2012 | 05:10 PM
    Maari din takot lang si mamy divine na biglang majuntis o magasawa si SARAH.wala ng magso-supply sa kanila ng datung para sa mga gastusin o luho nila.nagpapayaman pa si mamy devine.siguro kapag wala ng raket o laos na si SARAH baka payagan na syang magka boyfriend.at kapag medjo gurangis baka payagan nya naring magasawa ang martyr nyang anak na si SARAH.magtrabho ka lang ng magtrabaho.iyan ang nais ng pamilya para saiyo.lol
  • 100  klassyk143

    07/30/2012 | 08:20 AM
    And Gerald's not even allowed to enjoy anything between him and Sarah without the pressure of the parents and even Sarah herself. Lagi nyang sinasabi na yung magiging boyfriend nya dapat maging asawa na agad. Tinatali na agad eh. Malaking pressure iyon sa kahit kaninong lalaki. Hindi mo naman hawak yung tadhana at panahon. Di naman pwedeng ipagpilitan kaagad. Paano maiienjoy din.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 99  ike

    07/30/2012 | 08:19 AM
    mabait talaga si Sarah kasi kahit anong strikto ni mommy, kahit anong guwardia gawin niya, kung gagawa ng paraan si Sarah para makipaglampungan, kaya niyang gawin ito. Sana dumami ang batang katulad ni Sarah para dumami ang mga magulang na matutuwa. Go mommy Divine! D ako fan ng anak mo pero idol kita!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    klassyk143
    07/30/2012 | 08:22 AM
    Seryoso ka? Ganyan ba dapat ang magulang? Walang kalayaan ang mga anak? Jusko...
    pinknlavander
    07/30/2012 | 08:35 AM
    Ha! Ayokong maging tulad ni Sarah at salamat di ko ina ang nanay ni Sarah paano kung biglang mamatay nanay ni Sarah paano na sya. Ni hindi nya alam paano lumaban sa trials ng buhay dahil nakadepend sya sa nanay nya . Ni hindi nga nya alam kung tama ginagawa ng nanay nya sunod lang sya. Tao din nanay ni sarah nagkakamali din. Ang tao parang clay it molded u by ur mistake. It make u stronger and wiser. Kung ayaw nyang pagdaanan ng anak nya ang sakit paano magiging stronger anak nya. Pag namatay sya paano si Sarah?
  • 98  imayberight

    07/30/2012 | 08:18 AM
    ang sabihin ni divine, nung una pinayagan nila si Ge umakyat ng ligaw.. pero nung naiinlove na si Sa, na threatened na sila na baka lumayo na ang anak nilang bumubuhay sa kanila.. period!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 97  perlita66

    07/30/2012 | 08:18 AM
    Maraming personal issues si Sarah, sa kanyang family kailagan nilang ma-resolved. Hindi rin magiging productive ang kanyang pakikipag-relasyon kay Gerald.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kiwipinay
    07/30/2012 | 08:31 AM
    kaya mabuti narin at natigil na ang ligawan na yan... saka na pag ready na si sarah...
  • 96  lhes2004

    07/30/2012 | 08:14 AM
    tatandang dalaga yang anak nla sa sobrang kahigpitan ng madir ny! ito naman anak walang lakas ng loob para magdisisyon para sa sarili nya! yan ba ang role model? hindinmn masama ang sumunod sa mga magulang pero dapat hindi lahat ng gus2 mo ay na aayun sa kagus2tahan ng mga magulang mo? paano ka nmn matoto kun lahat ay nanggaling sa magulang mo disisyon? ikaw pa nga ang bumubuhay sa pamilya mo ta[pos wala kang karapatan lumigaya? or baka nmn takot ang madir nya na mawala ang kasikatan ng anak nya dahil baka mawala narin ang mga datung? hay naku kawawang bata!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 95  petiteclau

    07/30/2012 | 08:13 AM
    Kainis talaga yang nanay ni Sarah sabihin ba namang di pa dumating yung right man para sa anak nya akala mo naman sino ...mommy Divine konting manners lang pag nagbitaw kayo na salita di naman kung sino lang si Gerald pwede ba ??at ito namang si Sarah di man lang makapagdesisyon sa sarili nya ipagtanggol mo naman si Ge maski papano
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    dominicguevarra
    07/30/2012 | 08:17 AM
    pakiramdam ng pamilya niya e royal family sila.... royal family na palamunin ng anak
    klassyk143
    07/30/2012 | 08:24 AM
    Tama!!!! Parang ang bastos talaga rin ng dating. Parang walang manners. Ang sakit kaya nun sa manliligaw na nagpupursige sa anak mo. Kahit nga busy yung guy eh nakakahanap pa rin ng oras para sa anak mo tapos ganyan.
    kiwipinay
    07/30/2012 | 08:39 AM
    tsaka off na sabihin ni divine na nararamdaman nya yun pagdating ng right guy for sarah kase nanay sya?? dapat yung anak nya makakaramdam nun kase yung anak nya ang me katawan at puso para malaman kung eto na ba ang right guy! kaloka si mommy divine sobrang brainwash na si sarah! at ang swerte yung Ate Shine na pinag aral dati ni sarah ha at nasa malayong lugar sa france! lumayo talaga si ateng wais din!! im sure malayang malaya si ateng shine maglande sa paris hehe!
  • 94  klassyk143

    07/30/2012 | 08:10 AM
    Eh kung ayaw ng magulang? It's a no-win situation for Gerald, kung ipaglalaban nya ang makakalaban naman nya eh yung mga magulang ni Sarah. Kapag hindi naman nya ipaglaban, magtatanim ng sama ng loob si Sarah kasama na rin fans nya at sasabihing hindi talaga minahal. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Haay I feel sorry for Ge.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  perlita66

    07/30/2012 | 08:05 AM
    Maikukumpara mo si Sarah G. sa isang bulkan. Tahimik pero kapag dumating ang panahon na sasabog mapanganib nakakapinsala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  martinmartin25

    07/30/2012 | 08:05 AM
    Swerte na nga sila na mabait at masunuring anak si Sarah. Wish ko lang sana ay si Kris Aquino ang naging anak ni Mommy Divine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  klassyk143

    07/30/2012 | 08:05 AM
    Tinanong pa yung ina kung dumating na ba yung karapat dapat para sa anak, tapos lakas loob talagang sinabing hindi pa. Bakit adik adik ba si Gerald, wala bang trabaho at pariwara para hindi maging karapat dapat kay Sarah? Ang sakit kaya nun. Parang sampal na sa mukha ni Gerald. Jusko naman at bakit sya pa yung nagdedecide. Eh kung may makita nga sya at hindi naman mahal ni Sarah. Hayy.. sayang lang. Pakakawalan. Ang dmai kayang gustong maging bf tong si Gerald. Isa na ako dun. Hahaha
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    martinmartin25
    07/30/2012 | 08:06 AM
    Isa na rin ako dun, hahaha!
    dominicguevarra
    07/30/2012 | 08:11 AM
    baka mamaya mag end up sa totoong maling lalaki mapunta ang anak niya.
    pinknlavander
    07/30/2012 | 08:42 AM
    walang makakapgasabi kung sino ang tama para sa anak dahil ang anak ang magpapakasal at makikisama. hayyys alamat di ako ang anak ni mommy divine. Nasilaw sa pera. Sana magtrabaho na lang sya hindi yung anak ang pinagtrabaho tapos di bigyan ng kalayaan susmaryosep
    kiwipinay
    07/30/2012 | 08:42 AM
    nakakatakot.. ang type ni mommy divine e yung lalakeng masasandalan ni sarah etc... kung ako ke sarah dapat matuto na syang maging independent para wag syang aasa o sasandal kahit kaninong lalake! di ko type yung masyado nilang bine baby si sarah.. yung ang paraan nila ng pagmamahal... tsk tsk tsk!
    Monicafer
    07/30/2012 | 08:59 AM
    Ang mga magulang may nakikitang hindi tama sa mga manliligaw sa anak. Sa kilos lang ng lalake o ng babae alam na ng magulang kung may ugaling hindi kanais-nais. Hindi ko sinasabi na may nakitang kamalian kay Gerald. Maaaring hindi nakita nang magulang ni Sarah na hindi pa desidido si Gerald sa mahabang relasyon, hindi siya handang maghintay. Seguro nga hindi pa handang magmahal si Sarah, dahil oras na eto ay handa na magdedesisyon na etong makipagrelasyon. Si Susan Roces noong handa ay hindi nagatubiling tanggapin si FPJ RIP at sumamang magtanan. Hindi malayong ganito ang mangyayari kay Sarah oras na makatagpo ng lalakeng mamahalin at magmamahal sa kanya ng tapat.
  • 90  petiteclau

    07/30/2012 | 08:04 AM
    Akala nga ng parents ni Sarah ay totoong prinsesa sya sana gumising sila sa truth na di ganoon si Sarah sa itsura na lang ng magulang niya eh yun bang bihisan mo man ay nandun pa rin ang itsura nila noon kaya maiinis ka sa kanilang magasawa...anyway Gerald is a good catch sana
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    Monicafer
    07/30/2012 | 09:04 AM
    Lahat ng magulang ang turing sa kanilang anak ay prinsesa at prinsipe, na ayaw nilang mapariwara ang buhay. Ilan sa ating mga artista na maagang nagka-anak. Ang iba naman nagpapalaglag ng sanggol. Yong iba naman nagpakasal nga pero hindi umaabot ng limang taon ay naghihiwalay. Ang iba hindi nga nagbubuntis, nagpapakasal pero papalit-palit ng nobyo/nobya. Eto ang iniiwasan ng magulang ni Sarah. Mabuti na lang at kahit paano ay may isang Sarah Geronimo sa ating mga artista na isang modelo ng kabaitan na dapat pamarisan ng mga kabataan. At masasabi ko na si Sarah ay isang anak na pwedeng ipagmalaki ng kahit sinong magulang.
    kiwipinay
    07/30/2012 | 06:32 PM
    babaero si ge sasakit lang puso mo pag maging bf mo yun. ok kase gwapo mabait pero ok lang din ba kung babaero... like derek ramsey...
    wagsanabiasedangpep
    08/02/2012 | 01:36 PM
    Monicafer: Mommy Divine, ikaw ba yan ;?
  • 89  martinmartin25

    07/30/2012 | 08:04 AM
    Tingin ko hindi kasalanan ni Sarah kung bakit napaka masunurin nyang anak to the point na wala na ngang backbone. Nilason na ng nanay nya ang isip nya na dapat ang anak ay susundin ang magulang kahit OA na.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kiwipinay
    07/30/2012 | 08:43 AM
    tama walang kasalana si Sarah.. yung magulang ang off!
  • 88  perlita66

    07/30/2012 | 08:01 AM
    Napanood ko kagabi Sara G. Live. Medyo na bother ako noong tinanong ni Ai-Ai mga magulang ni Sarah kung ano family bonding nila. Walang naisagot mga magulang ni Sarah. So sad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  userdaw

    07/30/2012 | 07:53 AM
    ay ligawan po muna tapos pag sinagot na ni Sarah si Gerald, that's the time na puede na si Sarah sumama sa family or isama ni Gerald sa party with friends. ganun ang alam ko. you don't bring someone to a family gathering yet or friends party pag di mo pa bf or gf, di ba? maganda talaga ligawan ni Gerald everyday sa bahay kahit saglit, to his sincerity. I bet, sasagutin sya talaga, kasi kung scale mo iyan 1 day is 1 week, ibig sabihin 7.5 months katumbas nun. Pero di rin ako sang-ayon kung 1 yr or 2 ligawan unless once a month lang pakita iyong guy. dapat talaga 1-2 yrs hahaha. Pero kung masugid naman bakit mo pa papatagalin ng 1 yr courtship kung gusto at mahal mo na rin iyong guy. Nagsakripsiyo na iyong tao. kung talaga meron feelings si Sarah sasagutin nya ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pepster31
    07/30/2012 | 08:10 AM
    Agree! The fact na tinanggap siya ng pamiya geronimo sa bahay nila naniniwala ni mommy d na malinis ang intensyon ni gerald sa kanila...di naman siguro sila basta basta aayaw na lang ke ge...sa interview nga kagabi obvious naman na si ge ang gumive up at walang nagpahinto sa kanya...inconsistent nga siya baka once a month lang bumisita tapos gusto ng ilabas si sarah...kung siguro inaraw araw ni ge si sarah kahit saglit lang isang araw papayag naman si MD na lumabas sila at mag date later on,...sa mga ashralds madaling ibunton ang sisi sa nanay dahil mahirap tanggapin na di nahintay ni gerald si sarah...ang masakit nito nahulog na ang loob ni sarah ke ge....
  • 86  akinse

    07/30/2012 | 07:51 AM
    Habang nag tetext si Gerald ng "good night babe"..si mommy Divine pala ang naka basa! Rude!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    2Curious_1
    07/30/2012 | 08:37 AM
    So wrong of the mother.
  • 85  lanalang08

    07/30/2012 | 07:42 AM
    seguro pag bagsak na ang career ni sarah at di na puwedeng gatasan nang mga magulang niya then hahayaan na nila si sarah na mamili nang sarili niyang nobyo pero kailan pa iyon. kaya binigyan siya ni gerald nang relos ay para bigyan siya nang hint na time is ticking and same as ang buhay nang tao. at tama si gerald na kailangan na ni sarah nang decision para harapin ang katotohanan. kaso si sarah na seguro mismo ang umaayaw at ayaw harapin ang reality nang buhay. kaya goodluck na lang sarah kung may lalake pang magkakaroon nang interes sa iyo. at sa mga magulang ni sarah baket hindi ninyo lagyan nang posas si sarah lalo nat nasa bahay para hindi na makawala pa. dapat rin may mga rehas ang bahay nila para walang makapasok na manliligaw. dahil baka nga naman mawala ang kaban nang ginto nila. to sarah grow up dahil you are so immature for your age.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  akinse

    07/30/2012 | 07:41 AM
    Venice32 - kung lalaki ka at tinyaga mong manligaw for months at hindi maganda ang pakikitungo sayo ng magulang ng nililigawan mo at wala naka nga nga lang din yung babaeng nililigawan mo, where's the worth?
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    dominicguevarra
    07/30/2012 | 08:06 AM
    agree! hanap na ng iba. bakit ba ipagpipilit ang sarili sa taong ayaw? or sa taong ayaw ka ipaglaban? it just shows that sarah has made her choice, and her choice is, her family, period.
    2Curious_1
    07/30/2012 | 08:38 AM
    Totally agree. If they ever marry someday, Gerald has to deal with the parents as well. Move on Gerald. You will find someone else whose parents will appreciate the person you are.
  • 83  userdaw

    07/30/2012 | 07:39 AM
    di naman yata sinabi na bawal mag date ang importante aakyat para bisitahin tapos paalam sila kung gusto nila mag-date dalawa or manood ng sine pero tingin ko meron chaperone pag sine haha joke lang. saan naman kaya mag de date dun lang sa labas ng bahay ni Sarah sigurado ako kasi maraming paparazzi na makiki-uzi, kaya di rin advisable mag-date sila. Basta ligawan at umakyat sa bahay si Gerald kahit once a week ok yun, kasi magagawa naman talaga iyon kung mahal or gusto mo iyong girl.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About