news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 363103 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 82  manangdi

    07/30/2012 | 07:36 AM
    Sweetheart, you, Sarah and her fans are so naive if you don't see how weird the situation is. This is 2012, how do you get to know someone? do you go to movies just because, you get to bring them somewhere else to meet your friends, if, the future girlfriend can get along with your family and friends. Gerald has to get a long with Sarah's family but Sarah doesn't have to? I wish the fans wake up that there is no fairytale and Sarah is definitely not a princess. Even the royal family has to make mistake in order for them to learn their lesson. The fact is that Sarah's family is weird! and you guys are so naive not to see it! Gerald give it up, not worth it!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    marchioness
    07/30/2012 | 07:59 AM
    Manangdi, I remember once we did not quite agree on a different topic but I SO agree with your comment here. We might as well do what we are suggesting to others, move on.
    dominicguevarra
    07/30/2012 | 08:09 AM
    could not agree more.... gerald, find somebody else! sarah is a weakling. di na uso mga pa-kiyeme effect. if away, e di huwag.
    klassyk143
    07/30/2012 | 08:14 AM
    I super agree with you! Mas idealistic pa sila sa salitang idealistic eh. Susme...
  • 81  ekek_lang

    07/30/2012 | 07:33 AM
    bwahahaha! tumandang-dalaga ka sana.. or worse, sa babaero/sugalero ka mapunta. i wonder what your mom will think then...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  Venice32

    07/30/2012 | 07:19 AM
    Sabi ni mommy Divine, kinausap namin si Ge, pinayagan naming manligaw...sa bahay, and not sa txt or somewhere else parang ganun. According kay Sara, hindi si mommy ang nag stop kay Gerald. Sa SGL interview din, parang maraming gustong sabihin si mommy divine, kaya lang kinukurot siya ni Sara, tapos sabi pa ng mom niya "di ko alam kung pwede itong sabihin" something like that, di na niya itinuloy. Bwelta ng mga some ASHRALD fans and Geraldnatics, we can see the love, sincerity, etc. etc. ni Gerald towards Sara, kami ang nakakakilala sa kanilang dalawa, but sori I go for the side of Sara's family, sometimes iba ang nakikita sa TV kaysa totong nangyayari. Kung talagang love ni Gerald si Sara, he will do anything, everything, walang limitations to win not only Sara's heart but also Sara's family.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    klassyk143
    07/30/2012 | 08:16 AM
    There's just so much you can do as a person. Ipaglalaban mo nga pero mag-isa ka lang eh di wala rin. It takes two to make it work. If you're the only who's willing to fight for it, Is it even worth it?
  • 79  alibangbang

    07/30/2012 | 07:18 AM
    haysss...gusto nyo makakita ng totoong lalaki si sarah...wa nyong suportahan..pag di na busy yan di na mapagkikitaan ng nanay pwede na yang ligawan...kaka highblood ha...affected lang hahahahha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  manangdi

    07/30/2012 | 07:15 AM
    To Gerald, move on, whatever their expectations of you are unrealistic, let Sarah and her parents live in the batcage and continue to believe in their delusions of fairytale. To get to know someone you need to go out, observe each other in different situations para makilala mo ang bawat isa. It's not realistic na you can get to know someone sa usapan lang sa bahay, you have to get out, do something hindi yong nakaupo lang sa bahay naghihintay ng aakyat ng ligaw. Their idea of courtship is so backward, it's not realistic anymore specially for people who are as busy as them. To Sarah and her peeps, stop milking this issue, desisyon nya tapos iiyak iyak, parang may halong publicity naman!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  akinse

    07/30/2012 | 07:13 AM
    Ngayon ko lang naramdaman---masaya din pala somehow na HINDI ako si Sarah Geronimo! Life is less worthy if you did not fight for your love and happiness.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    dominicguevarra
    07/30/2012 | 08:13 AM
    what is the point of living if you cannot feel alive? - from a james bond movie
  • 76  userdaw

    07/30/2012 | 07:12 AM
    ...ay naku matatakot nga si Gerald haha. Pero sana if ma prove ni Gerald na mahal nya si Sarah talaga. Huwag muna nila pag usapan kasal, enjoy lang nila kasi marami ka pang madi-discover dun sa tao while nasa bf-gf stage kayo at kung kayo talaga it will happen naturally. Enjoy lang ni Sarah muna, eto e kung mapatunayan nga ni Gerald ang kanyang sarili na walang doubts sa side ni Sarah.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  userdaw

    07/30/2012 | 07:09 AM
    natatawa ako sa sarili ko nakikigulo ba naman dito hahaha pero masayang magbasa ng mga opinyon ng madla ha. siguro di rin ito about basta ligawan lang baka meron doubts si Sarah sa feelings ni Gerald for her at baka di pa nya nakikita iyon kay Gerald. Ang tanong gaano ba katagal liligawan sa bahay si Sarah? Tapos kung nanligaw si Gerald sabi, eto question ilang beses ba sa isang linggo bumisita si Gerald? Kung once 1 week ok, pero mas maganda kung 2x, kahit saglit lang na bisita. Kaso baka naman isang beses isang buwan matatagalan talaga si Gerald mapaniwala parents ni Sarah dun. Kasi kung araw-arawin mo iyan in on-month siguro mapapasagot nya si Sarah at aprub ang parents. Kasi makikita mo na dun sincerity ng guy. But then baka di pa rin sigurado si Gerald sa feelings nya kay Sarah kaya di nya kayang gawin ganun klase ligawan. Babae pa naman can really fall easily at kung walang magpapa-alala talagang bagsak kung bagsak. At bata pa si Gerald din baka natatakot na kahit genuine feelings nya for Sarah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lanalang08
    07/30/2012 | 07:34 AM
    gerald already proved to sarah and her parents na maganda ang intention niya pero itong nanay ni sarah ay parang military sa higpit sa anak. maski seguro gustong gusto ni gerald si sarah ay napuno na seguro dahil nga para silang panahon ni maria clara na type na panliligaw. at itong nanay ni sarah iyong iyo na ang anak mo at sana nga ay di tumandang dalaga or makapili nang lalakeng walang kakwenta kwenta dahil nga baka pag pinayagan ninyong ligawan iyan ay baka di na puwede pang magkaanak dahil baka menopause na. and sana si sarah matuto rin siyang magdecision sa sarilin niya. everytime na makabasa ako about sarah's mother ay nakukunsumi ako. sabi ko nga akala ko sa telenovela lang mayroon ganitong ina pero mayroon pala sa totoong buhay at iyon ay ang nanay ni sarah geronimo. and for gerald hindi kawalan si sarah sa buhay mo kung ayaw nang pamilya nilang maging nobyo ka nang anak nila. eh sino ba ang tinakot nila.
  • 74  akinse

    07/30/2012 | 07:09 AM
    That is the pressure that Sarah's family and Sarah herself is putting on sa mga nagkakagusto sa kanya. For me its too idealistic,,hindi ganun ang relationships! Try and try until you found the right one! In her case, somebody just took away her right to choose..e ano kung masaktan o magkamali,,basta matututo ka.. Maraming what ifs tong si girl pag tanda nya. Habang ang nanay nya e nakahiga sa milyones na pinaghirapan ng anak nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    cooloff
    08/02/2012 | 02:50 PM
    si sarah lang kasi ang may malaking pag asa na makapag asawa ng mayaman at mataas na tao.. nakikita kasi ni mommy divine, sa lahat ng anak nia si sarah lang naiba at may potential..
  • 73  rhianlibog

    07/30/2012 | 07:07 AM
    hay parang gusto ko nang i boycott si sarah d na nakakatuwa ang ginagawa ng nanay nya,kahit minsan magka pangi;l ka naman kase di masama ang mainlab.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  2Curious_1

    07/30/2012 | 07:05 AM
    Oh well. So sad that she is still dependant on her parents, she has no sense of decisions on her own. It is always her parents are in control of the situation. Sarah will have a hard time adjusting to changes. God forbid if something happens to her parents? She will have no one. So wrong for the parents to control her. I understand they are wanting to shield Sarah but how long it will go on? As far as I am concerned, she is old enough to live on her own.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  userdaw

    07/30/2012 | 07:03 AM
    ... ay naku matatakot nga iyon Gerald haha. Pero sana if ma prove ni Gerald na mahal nya si Sarah talaga. Huwag muna nila pag usapan kasal, enjoy lang nila kasi marami ka pang madi-discover dun sa tao while nasa bf-gf stage kayo at kung kayo talaga it will happen naturally. Enjoy lang ni Sarah muna, eto e kung mapatunayan nga ni Gerald ang kanyang sarili na walang doubts sa side ni Sarah.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  rhianlibog

    07/30/2012 | 07:03 AM
    napa affected ko d ko naman kilala si sarah fans lang naman piro nakakagigil din minsan na d kayang ipaglaban ang gusto nya,buti kong teenager eh 24 na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  rhianlibog

    07/30/2012 | 07:02 AM
    naku sarah d ka na bata,baka sumabog ang puso mo sa galit sa nanay mo mga isang taon pa.grabeng nanay at tatay gatasan ang anak.tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  userdaw

    07/30/2012 | 07:01 AM
    natatawa ako sa sarili ko nakikigulo ba naman dito hahaha pero masayang magbasa ng mga opinyon ng madla ha. siguro di rin ito about basta ligawan lang baka meron doubts si Sarah sa feelings ni Gerald for him at baka di pa nya nakikita iyon kay Gerald. Ang tanong gaano ba katagal liligawan sa bahay si Sarah? Tapos kung nanligaw si Gerald sabi, eto question ilang beses ba sa isang linggo bumisita si Gerald? Kung once 1 week ok, pero mas maganda kung 2x, kahit saglit lang na bisita. Kaso baka naman isang beses isang buwan matatagalan talaga si Gerald mapaniwala parents ni Sarah dun. Kasi kung araw-arawin mo iyan in on-month siguro mapapasagot nya si Sarah at aprub ang parents. Kasi makikita mo na dun sincerity ng guy. But then di pa rin sigurado si Gerald sa feelings nya kay Sarah kaya di nya kayang gawin. Babae pa naman can really fall easily at kung walang magpapa-alala talagang bagsak kung bagsak. At bata pa si Gerald din baka natatakot na kahit genuine feelings nya for Sarah, kasal na ang nakikita ni Sarah,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  akinse

    07/30/2012 | 07:01 AM
    Gerald naman, tyagain mo na. Makipag plastikan ka a sa pamilya nya kung talagang mahal mo si Sarah, maybe Sarah needs to also help Gerald prove that he is nice guy sa family nya.. At itong ibang kamag anak ni girl, prefers non showbiz..pag artista ba wala nang pag asa at karapatang magmahal at mahalin ng tunay?? Sila ang judgemental, for sure may kanya kanyang manok sila for Sarah, ang siste, si mommy Divine pa din ang masusunod. Hindi makakapag asawa si Sarah, yan ang gusto nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  hellokitty30

    07/30/2012 | 06:56 AM
    jusmio ilang taon ka na ba Sarah paborito pa naman kita dahil very talented ka at mabait na anak! pero 24 yrs old ka na hija matuto ka naman tumayo para sa sarili mong kaligayahan hindi ibig sabihin na pag ipaglaban mo ang gusto mo eh nag rerebelde ka na! kasalanan din sa Dyos ang ginagawa ng magulang mo na hawakan ka sa leeg pati finances mo d mo ma-enjoy ng husto d ka na bata para tratuhin ka ng ganyan ng magulang mo! nasa 24 yrs old marrying age ka nga eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  loshang

    07/30/2012 | 06:56 AM
    I love Sarah, but she needs to grow up and live her own life. She is 24 years old with a successful career. Heartbreak, mistakes, and disappointments are all part of life. They are life lessons that can help build character and strength. NO parent would ever want to see their children hurt, that is why you try to instill in them certain values that you hope they will remember as they navigate through life. We, as parents give our children their roots, but we must also give them wings so that they can fly. It is selfish of her parents to do what they are doing to her. They would rather hold her by the neck and dictate the terms and conditions of her life, rather than trusting her to make her own decisions and allow her to mature naturally.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  PEPeeto

    07/30/2012 | 06:56 AM
    For woman who is 24 years and successful she has not experienced freedom to choose and enjoy her friends in traveling, shopping, clubbing, or just plain hanging out. Just be a normal single girl enjoying life. Her mother is making her super dependent on her parents with all decisions. They do not care about her future
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  akinse

    07/30/2012 | 06:54 AM
    At nang tinanong pa si Divine if sa tingin ba nila ay nahanap na ni Sarah ang right guy? Ansabeh--hindi pa daw! Utang na loob, hindi ba dapat si Sarah ang tinatanong ng ganun? Sakit naman nun marinig kung ako yung nanliligaw..tas si Sarah kilig na kilig pag kasama si Gerald..So nadulas na si Divine na sya nga ang namimili for her daughter! Grrrrr!!! Kakaiirita!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About