news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 363768 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 62  Lokotoy

    07/30/2012 | 06:51 AM
    Isa lng ibig sabihin nung regalo ni Gerald kay Sarah... TIME is of the essence....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 61  mariel225

    07/30/2012 | 06:51 AM
    Sarah, nagsorry ka pa sa mommy mong may sayad? Do you have a brain or sobrang brainwashed ka na talaga? Ang dapat nga ay ang mag-sorry ang mommy mo sayo for controlling your life. The actual person you should say sorry to is Gerald dahil you hurt him. That's what he gets for loving you the best. Diba sabi mo last wk sa SGL sa kanya, "Sorry Babe, nasaktan kita". Mag-samasama na lang kayo ng OA controlling mong family. Sana I can get a refund for the tickets I bought for your show this Sept here in CA most likely not so no show na lang coz SARAH, YOU'VE CERTAINLY LOST MY RESPECT. Good luck in life!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 60  akinse

    07/30/2012 | 06:49 AM
    For sure yung mga self righteous dyan,,sasabihin tama naman na sinunod ni Sarah ang mga magulang nya, they know best. Halata namang sobrang sakit para ke Sarah to let go of Gerald. Sana hindi ma depress si Sarah one of these days..kumusta naman un, sa bahay lang pede ligawan..so bawal sa set, bawal sa text, bawal ang date! Absurd! Tapos iirap irapan pa si lalaki pag bumibisita sa bahay. Pakialmerang biyenan to be itong si Divine. Asa ka pang may guwapo at mabait na manlikigaw ke Sarah. Show your real skin!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 59  guyandpip

    07/30/2012 | 06:47 AM
    paano makikilala ng husro ni srah ang isang manliligaw kung sa bahay lang ang interaction nila na nakabatnay ang magulang. natural e di mabuti ang ang ipapakita ng lalaki. kailangan na makilala niya ang pagkatao ng tao sa labas ng bahay. kung paano kumilos ng natural sa harap ni sarah at ibang tao at iba-ibang situwasyon
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 58  akinse

    07/30/2012 | 06:41 AM
    And this is not even about age, this is about maturity. Lakas lang maka trip netong parents ni Sarah,..ayaw na nilang makitang umiiyak si Sarah, kumusta naman kagabi? Hagulgol na ang lola mo..at nakatalikod sa ina nya, she is such a weakling. Gerald-- find someone else, some1 who's willing to learn about life with you. Som1 whos willing to fight for you.. Sarah just lost 1 fan in me. Pag nakita ko na syang marure at kaya na nyang magdecision for herself, I would say Go Girl! Good job! But for now, I wish her luck!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 57  guyandpip

    07/30/2012 | 06:37 AM
    itsurang matatagalan bago man lang magkaboypren etong si sarah dahi tipong si divina ang nagpapasiya ng sino ang karapat-dapat. walang karapat dapt dahil lahat ng mapaplapit ke sarah aayawan nila. grabe naman ang taas yata ng ekspektasyun nila sa lalaki
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 56  BrunoEsmeralda

    07/30/2012 | 06:35 AM
    THOU SHALT NOT TAKE THE NAME OF THE L THY G IN VAIN. Huwag na sana pang gamitin nina Sarah Geronimo ng ABS CBN at ni Mommy Divine ang pangalan ng Maykapal para sa mga intrigang kinasasangkutan nila. IGALANG naman sana nila. Lumalabas na mga WALANG MODO sina Sarah Geronimo at ang pamilya nito. Shame SHAME shame on you!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 55  akinse

    07/30/2012 | 06:34 AM
    Simple lang ang tingin ko sa mga nangyari, i said this in the other article, it is Sarah who cannot stand on her own. She has to let her parents know na nasasaktan din naman sya. Why would she wish for freedom anyway, ibig sabihin pakiramdam nya ay nakakulong sya. Why would she wish for Love kung hindi pa sya ready? Ibig sabihin ready na sya,.ang magulang nya ang hindi ready! She is I would say too obedient..at sinasamantala yan ng parents nya, i so pity her. And I feel for Gerald..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 54  chinkeea

    07/30/2012 | 06:33 AM
    Time will decide what's best for you Gerald! Yung destiny mo walang iba kundi si Kim Chiu lang na talagang kahit payatot punong puno ng diskarte sa buhay hindi katulad ni Sarah!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 53  mariel225

    07/30/2012 | 06:25 AM
    Correct! You deserve better Gerald! Everyone had seen how genuine and sincere your intentions are to Sarah that the public was rooting for both of you to be together even celebrities and reporters. AND that is huge to attain considering how everyone can be choosy for someone. But since everybody has seen your honesty as well as you being an honorable man, you've gained their admiration including mine. You didn't do anything wrong, but be respectful to Sarah and her family. You wore your heart on your sleeve and did your best in loving someone. Her lost. GERALD, YOU CERTAINLY DESERVE BETTER WHO CAN STAND HER GROUND AND FIGHT FOR YOU.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    cutiepie_123
    07/30/2012 | 06:34 AM
    Alam nyo po kung mahal talaga ni Gerald si Sarah he will not stop courting Sarah..but why did he stop?
    teteth
    07/30/2012 | 06:37 AM
    he stopped kasi de mon yo si divine...hehehe
    hellokitty30
    07/30/2012 | 07:02 AM
    it takes two to tango to make it work! sa sitwasyon na 'to si Gerald lang ang lumaban! san ka nakakita na ultimo pag gamit sa telepono eh nag tatago sa banyo para lang kausapin si Gerald! at ang buong pamilya eh tutol na magka-bf si Sarah. Gerald marami pang babae dyan na tulad rin ni Sarah, at ang maganda dun d tulad ng magulang ni Sarah.
    mariel225
    07/30/2012 | 07:17 AM
    Agree teteth. Kung walang pinapakitang masama si Mommy Divine siyempre Go si Gerald. Sabi nga ni Ogie Diaz, binabastos si Gerald and iniirapan si Ge kapag bumisita. Plus may mga reports pang lumabas na Mommy D pulled Gerald aside sa ABS studio at SHE WAS YELLING AND PINAGAGALITAN SI GERALD. Grabe! A man can only take as much abuse. BUT he was willing to take it as long as Sarah will fight for him and unfortunately she didn't have the guts. So bakit pa? Sabi nga niya sa Kris TV, "2 PEOPLE IN THE RELATIONSHIP SHOULD BE WILLING TO MAKE IT WORK". Tama rin naman di ba, kundi what are you fighting for then?
  • 52  cutiepie_123

    07/30/2012 | 06:23 AM
    Ang opinion ko is tama lang namn na di maging sila ni Gerald ngayon, I dont think if maging sila ni Gerald ngayon it will last long kasi mga bata pa sila both, magkasakitan lang sila in the end, pwera nlng cgru for example 27 si Sarah tapos Gerald is 26 at naging sila siguro may possibility maging sila in the end, but for now 23 si Gerald and Sarahs 24 gosh still young pa talaga for a serious relationship..so for Sarah enjoy your carreer darating din ang tamang guy for you..Just look at your ate Judy Ann Santos..Judy Ann had a relationship with Ryan I guess when shes 27 and now shes happily married... so dont paniC...everything will fall into places..I love you Sarah G. forever yan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    miucciaprada
    07/31/2012 | 06:54 PM
    please don't compare judy ann to sarah...c juday nagka-bf yan before ryan kya when she met ryan she knows what she wants e si princess sarah bokya! ni hindi nga makatingin yan ng derecho sa mata ni ge no! susme!!!
  • 51  mrsenchong

    07/30/2012 | 06:15 AM
    pag ang lalaki, hindi makapaghintay, six months? Ang ikli pa non. Ibig sabihin, hindi ganun kaseryoso at hanap talaga eh ka-relasyon sa ngayon lang. at hindi yung pang matagalan. Sana hinabaan pa ng Gerald ng kaunti at sana naintindihan nyang hindi pang short time ang relasyon na gusto ni Sarah, kung hindi pang habang buhay. Six months? I-try mong i-compare sa lifetime kapag kasal na kayo. I still admire her parents for being protective. Six months nga hindi makapaghintay, eh paano kung kasal na kayo? Six months lang, divorced na agad? Come on.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    cutiepie_123
    07/30/2012 | 06:25 AM
    Yes super agree, it only means that his affection for Sarah is not that strong if ever true na his stop courting Sarah G. na
    zwitty
    07/30/2012 | 06:25 AM
    it's 21st century, hindi 19 kupong2x...maayos naman nilang pinalaki si Sarah, ano bang ikinatatakot nila? Kahit ano pang paghihigpit ni Divine at Delfin, patay tayong lahat...kaya wag ipagkait ang kaligayahan...ang swerte nyo na naging anak nyo si Sarah pero hindi maswerte si Sarah sa mga striktong pamamaraan ninyo...Juice ko, 24 years old na, wala pang alam sa buhay? Gising na Sarah, stand on your own...
  • 50  msbayugo

    07/30/2012 | 06:06 AM
    dapat maranasan ni sarah ang magmahal, maging masaya masaktan at bumangon ulit. dyan huhubugin ang pagkatao at may aral siyang matutunan.. sobrang OA ng magulang niya, im sure kung hindi artista si sarah hindi sila ganyan kahigpit.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    cutiepie_123
    07/30/2012 | 06:27 AM
    Nagmahal at Nasaktan na po si Sarah G. kai Rayver kaya tama lang na huwag magmamadali, sana po intindihin po natin ang sitwasyon
    msbayugo
    07/30/2012 | 08:59 PM
    yung kay rayver naman hindi normal na relasyon eh, i mean the typical bf gf relationship hindi sa webcam lang at tinginan sa hallway ng abs-cbn
  • 49  kissicious88

    07/30/2012 | 06:05 AM
    Ganito lang yan eh, si Mommy Divine gusto protektahan daw si Sarah. In other words ang IMAGE nya sa showbiz. good daughter daw kasi ang image kaya dapat sunud sunuran. aba teh, nagsasawa na ang ibang tao sa ganyang image nya sa totoo lang. It's getting dull and boring. The audience want to see a different Sarah, yung may paninindigan sa sarili. kaya mag isip isip, Sarah at Divine. Kayo din...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 48  kissicious88

    07/30/2012 | 05:58 AM
    Buti na rin na kumawala si Gerald dahil if naging sila ni Sarah mas maging kaawa awa sya. Makikialam talaga yang si Divine. Konting away lng siguro na normal sa mag bf-gf, eh mag aalburuto si Divine. Kaya ok lng yan Ge, at least mas maaga nakawala ka. You deserve someone better na maipag laban ka. Sarah is too immature for you.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 47  nothing_personal

    07/30/2012 | 05:58 AM
    ano ka ba sarah. ako binigay ko virginity sa lalaking asawa ko. pero nanghihinayang ako kase diko na try ang iba. wag mo gawin sa sarili mo yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    mrsenchong
    07/30/2012 | 06:12 AM
    anong hindi ni-try sa iba? may balak kang mag-try ngayon, ganon?
  • 46  Pinaysamerika1926

    07/30/2012 | 05:56 AM
    I think the parents don't want to let go of their daughter because of financial reasons... Divine and Delfin you are both pathetic and selfish.... How much wealth do you want? Sarah deserves to be happy but she is such a good daughter that she does not want to let er parents down... Kawawang bata, inaabuso ng sariling magulang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 45  skittlesrainbow

    07/30/2012 | 05:47 AM
    kawawa lang ang magiging future boyfriend/asawa ni sarah dahil INTRIMITIDA ang mga magulang nya at hindi sila magkakaroon ng PEACE sa relasyon nila dahil laging MAKIKIALAM si MOMMY at DADDY! sinong gunggong ang gusto ng ganyang gulo sa buhay?!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    teteth
    07/30/2012 | 06:40 AM
    TAMANG TAMA. super agree!!!!
    klassyk143
    07/30/2012 | 08:33 AM
    TAMAAA!!!!! Gerald you're better off without her and her psychotic family.
  • 44  zwitty

    07/30/2012 | 05:41 AM
    Ikaw mismo Mrs Divine Geronimo ang unang lumabag sa batas - pakibasa nga ang Rights of Children. Life is too short, ano bang ikinatatakot mo, pinalaki mo naman ng maayos ang anak mo? Hala ka, pag may masamang mangyari kay Sarah hwag naman sana, pagsisisihan mo ang mga panahon na ipinagkait ko sa kanya. Aj Perez, Rico Yan...lumisan sila na mga bata pa pero naranasan nila magmahal. Kahit ano pang striktong pamamaraan mo Mommy Divine, we will all extinguish alike, we will all join our creator kaya suportahan mo nalang ang anak mo kung ano makapagpaligaya sa kanya, siguro ma appreciate din ni Gerald nga nandyan kayo ni Daddy Delfin para sa kanilang dalawa. Pero huli na, umatras na, sana lang iparanas mo sa kanya ang mga bagay na makapagpaligaya sa kanya, total pinalaki mo naman ng maayos yan...bago mahuli ang lahat. Remember, maikli lang ang buhay.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 43  pretty

    07/30/2012 | 05:40 AM
    Gusto ni Sarah kapag 39 years old na siya mag-boboyfriend then pakasal na agad.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About