news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 363767 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 42  pretty

    07/30/2012 | 05:35 AM
    Nagsawa na si Gerald kesa mabasted. Gusto kasi ni Sarah 5 years ang ligawan tapos hindi pa siya sigurado kung sasagutin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 41  kissicious88

    07/30/2012 | 05:29 AM
    Antay ka na lang mag 30 ka Sarah baka payagan ka na ng ina mo kumawala sa kanila. Ngayon, sigurado ako wala ng magtatangkang ligawan ka. Di nga nakatiis si Gerald eh, yung iba pa kaya. Di nila kakayanin ang pag ka immature mo. For now, continue pa tweetums.. oh may movie pala kayo ni JL, hala pacute todo. Pero sabihin ko sayo, wag mo na intayin mag sawa mga tao sayo sarah, kasi kahit ibang fans mo naiinis na sayo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 40  humandynamics

    07/30/2012 | 05:18 AM
    we can insinuate as much as we want but we will never know the truth kung bakit tumigil si Gerald sa panliligaw kay Sarah.. It's not fair na isumbat lahat sa magulang ni sarah dahil may parents din naman si Gerald.. Pwede nilang sabihan si Gerald na magdahan dahan muna dahil seryoso si Sarah at ayaw muna nilang mag asawa ang anak nila.. Lalaki si Gerald obviously magka iba ang pananaw ng mga magulang nila.. Gerald is also young, pwedeng sabihin ng magulang na play the field muna tsaka ka na magseryoso at mag asawa. at siyempre Sarah being a dalagang pilipina, completely opposite ang sa kanya.. She will never play the field at maghihintay talaga siya sa seryoso at karapat dapat para sa kanya.. kung hindi strikto ang magulang ni sarah baka naka dalawang lalaki ng dumaan sa buhay niya, o kaya nakadagdag pa siya sa taas ng rate ng teenage pregnancy sa pinas. So you can't tell her what to do lalo na kung hindi ka lang problema ng nanay mo problema ka pa rin ng bayan mo.
    Reply |  6 Replies
    0   0   0  
    klassyk143
    07/30/2012 | 05:22 AM
    Sinong magulang ang magsasabi na play the field muna? Kung hindi seryoso si Gerald, matyatyaga ba yan ng ganito katagal at dadaan sa butas ng karayum? Mag-isip ka nga....
    Monicafer
    07/30/2012 | 05:35 AM
    Noong kapanahunan ko, ang aking magulang ay sobrang higpit. Ang oras ng pagdalaw ay limitado hanggang 8:00 p.m. Pag lumampas dito, nagsasara na nang bintana ang parents ko, ibig sabihin kailangang umalis ang bisita. Hindi din pwede ang magkatabi sa upuan, kailangan magkaharap at nakabantay sa salas ang nanay o tatay ko. Kung magpunta man sa party o excursion kailangan laging may kasama, at ang pag-attend sa party ay hanggang alas dose lamang. Hindi din pwede ang magsuot nang labas ang dibdib at maikli ang damit. Napakahirap, pero etong paghihigpit ng aking magulang ang nagsilbing gabay para makakilala ng mga manliligaw na hindi lang pangmadaliang relasyon ang gusto, kung hindi handa silang magpakasal. Marahil hindi pa handa si Gerald na magkaroon ng seryoso relasyon. Kung sila ay para sa isa't-isa darating eto sa takdang panahon.
    humandynamics
    07/30/2012 | 05:41 AM
    noklassyk143, isa ka rin ba sa mga knocked ups na nakadagdag sa rate ng pinas? galit na galit sa comment ko hahaha. pwede ka namang magbigay ng opinion mo dahil katulad ko hindi mo rin alam ang totoo. magisip isip ka nga!
    humandynamics
    07/30/2012 | 05:48 AM
    Monicafer, very well said.. famous lang sila but they're just like us, im sure katulad natin ginagawa lang nila ang tama sa paningin nila.
    skittlesrainbow
    07/30/2012 | 05:50 AM
    good for gerald at natauhan sya dahil kung hindi eh kawawa lang sya sa magiging magulong buhay nya sa piling ni sarah! hindi sila tatantanan ng MOMMY
    kiwipinay
    07/30/2012 | 06:20 PM
    i dont think love ni gerald si sarah! like palang nya suko agad eh si amboy eh.. tsaka di tatagal ng walang s e x si gerald. ask kim.
  • 39  aling_nena

    07/30/2012 | 05:15 AM
    sabihin na natin na hindi nga pinatigil ni mommy divine si gerald pero paano naman ba yung pakikitungo ni mommy divine kay gerald? sa tingin ko hindi naman susuko si gerald kung maayos talaga yung pakikitungo sa kanya.............
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    klassyk143
    07/30/2012 | 05:19 AM
    Tama.. Wise din tong si Mommy Divine eh. Tapos igiguilt trip si Sarah. Sisihin yung lalaki. Hay naku...Kawawa naman si Gerald.
    aling_nena
    07/30/2012 | 05:27 AM
    klassyk143 yan din ang sinabi ko sa kaibigan ko na sa bandang huli si gerald pa ang masisisi.....
    susanboyle
    07/30/2012 | 05:37 AM
    kung sa seryoso, seryoso si gerald. kaya lang, ang gustong relasyon ni divine ay yung simbahan na ang hantong, which di siya sure na will happen in the next 2 or 3yrs. OMG, eh kaya nga nag bf-gf ang dalawang tao para malaman kung bagay sila, at malaman ang tunay nag pagkatao nila at ma prove nila sa isa't isa na they can have a future. Ganyan naman talaga ang buhay, and normal lang ang HEARTACHES AND HEARTBREAKS. People will not get stronger and wise kung di dumaan sa heartaches. Ano ba kinakatakotan ni divine na yan? ANd who wouldnt get uncomfortable with such a person like her? Baka nga lahat ng lalake aayaw nalang ky sarah dahil sa kanya. Sarah at 24? hello baka takot lang si divine mawalan ng bread and butter..
  • 38  candicebluv

    07/30/2012 | 05:06 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    humandynamics
    07/30/2012 | 05:51 AM
    may mukha ba ang bulate? hahaha, it takes one to know one?
  • 37  humandynamics

    07/30/2012 | 04:57 AM
    Sarah is not looking for a fling, we like it or not she is conservative.. Parang ang plano niya ay magiging asawa niya ang unang makakasama niya, hindi yung kung sino sino nalang at kung hindi mag work out palitan at iba na naman ang kakasamahin... wala na kasinig katulad ni sarah ngayon, Philippines got the highest rate of teenage pregnancy in southeast asia nga di ba, kaya marami talaga ang hindi nakaka relate.. anyhow, anywho its her life, her decision.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 36  xxxjmb2

    07/30/2012 | 04:55 AM
    m sad bout what happened..pero tama lg ang desisyon na wag na lg ituloy nila kung ano mn ang meron..let us not put all the blame kay sarah dahil sa sumusunod sya sa parents nya.come to think of it,si gerald bata pa and definitely,marami pa yan gusto na maranasan sa relasyon when it comes sa babae.eh baka hindi rin sya makahintay kya sarah na ibigay yong gusto nya,better na wag na lg ituloy..sinsarah kasi gusto nya pagnagka bf yon na ang gusto nyang mapangasawa,which i dnt think it will happen kung si gerald magiging bf nya..they are both young,esp yong lalaki..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 35  klassyk143

    07/30/2012 | 04:54 AM
    I just don't understand how Sarah can be, in any way, called a wife-material? Eh ni hindi nga maipaglaban yung mahal nya sa buhay eh. She can't even decide for herself! Ito ba 'yung wife-material? yung iaasa ang lahat sa magulang. Omg! Kawawa lang din si Gerald pag nagkataon. Bakit kapag naging mag-on din ba sila, akala nyo titigil na si Mommy Divine? Baka bawat galaw nung dalawa kailangan nakareport sa kanya. Haay kahit ako lalaki, wag na lang. Daig ko pa preso.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Monicafer
    07/30/2012 | 05:01 AM
    Sarah is a wife-material in a sense that she was brought up properly and comes not from a broken family. She will set up a good example for her future children. It is for sure that once she got married, she will lead an independent life with the man she love and raise her own family.
    pinayforever2
    08/01/2012 | 03:33 PM
    Sana tama ka Monicafer sa iyong forecast.
  • 34  Monicafer

    07/30/2012 | 04:52 AM
    Ang lalake na tapat ang pagtingin sa babae ay handang magsakripisyo at maghintay. Sarah is a decent woman, brought up properly by her parents. She deserved a man who will be worthy of her love. Hindi dapat husgahan ang pagpapalaki ng magulang ni Sarah at kung paanong sumusunod si Sarah sa kanyang mga magulang. Hindi natin alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ni Sarah ngayon. Siya ay naiipit sa pagmamahal sa magulang, pamilya at sa sariling kagustuhan na magmahal. Ngayon kailangan niya ang suporta sa oras ng kalungkutan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    mynamedoesntmatter
    07/30/2012 | 06:31 AM
    And it will happen again and again and again. Hindi lang ngayon mangyayari yan, next time she will again need people's support, and that is precisely because she has no backbone. Dapat ipakita nya rin na kaya nya ipaglaban ang tao sa nanay nyang bastos. I thought sa movies lang nangyayari na meron mga scheming mothers na gagawin lahat para hindi sumaya ang anak. Papaakyatin sa bahay ang suitor ng anak pero babastusin naman. At kun ano anong kasinungalingang dahilan ang ginagawa..gosh..si kim chiu nga walang parents na nag guide pero lumaking maayos.
  • 33  grinandgiggles

    07/30/2012 | 04:46 AM
    May mga iba ding artista na bread winner like si Kim Chu nakita kong interview nya sa SIR, she can do whatever she wants, na eenjoy nyang pagkabata pero at same time tumutulong sa pamilya. Si Sarah parang nakakulong sa sariling selda nya at di numero lang ang pwede nyang gawin. Sya mismo ang nag support sa pamilya nya pero kahit kayod kalabaw sya wala sya say kahit na nasa edad na sya di pa din nya magawa ang gusto nya. Nakakaawa talaga...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    susanboyle
    07/30/2012 | 05:45 AM
    takot si divine na mukang maid mawalan ng bread and butter. sarah is desenteng babae. she knows wats right and wrong. tiwala lang naman ang kailangan sa maid na yan. wala ba siyang tiwala sa anak niya? si kim chu, okay naman di ba? sa tao talaga yan kung malandi, malandi talaga. pwede ba divine, let sarah experience the normal thing. yung feeling in love and inspired. yung normal na nag dedate na dalawa lang sila. masarap kaya yung feeling na ganun. alam naman ni sarah limitations niya. di ba sarah? not unless my tinatago kang di namin alam
  • 32  mirlas

    07/30/2012 | 04:43 AM
    Gerald did it again! Di ba Iniwan Nya sa ere Si Bea Alonzo then ngayon Si Sarah for some reasons. Type ni Gerald yong mga tipong CR. Malabo talagang magkatuluyan ang isang napakaconservative at isang AmBoy. Umpisa pa lang may doubt nako sa intesyon nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kiwipinay
    07/30/2012 | 06:05 PM
    ako din me konting takot kay ge pagdating kay sarah.. me record na kase si ge kay kim at bea.. parehong iniwan sa ere.. pero baka naman true intention nya.. at nagkagusto ke sarah naman talaga si ge.. sayang lang 23 palang si ge eh.. marami pang babae makukuha at paiiyakin yan like Goma noong araw sabi ni dawn babaero daw ..,si aga din.. mga gwapo kase eh pero nung nag 30 at nag asawa tumino na sila.., si piolo lang ata ang di babaero eh.peace.. all im saying di pa si ge ang para kay sarah panghabangbuhay like gusto nya.
  • 31  weasleyismyking

    07/30/2012 | 04:43 AM
    Infairness naman kay Gerald matagal din nagtyaga dito kay SG.wala akong narinig na nainvolved sa kanya simula noong sinabi niyang nililigawan niya.eh nung sila pa ni kim,may pauleen luna,bea alonzo etc. May hangganan din ang lahat,like Ariel-Regine. Kaya yan napunta lang siya sa may mga anak na.kahit nman happy sila ngayon,RV deseves better kagaya noong mga single na nanligaw sa kaniya noon.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    xxxjmb2
    07/30/2012 | 05:00 AM
    6months is not matagal at matyaga..yong matyaga manligaw aabot ng 2 o 3 taon..mabuti na yan na hindi natuloy kasi masasaktan lg si sarah n d end..magpaka sasa muna sya sa ibang babae kasi hindi nya nmn makukuha kung ano ang gusto nya kay sarah..
    kiwipinay
    07/30/2012 | 06:10 PM
    true. 6 months is not too long... ok na rin na naging magkaibigan na lang muna sila.. kung naging sila eh mga 2 years lang siguro hihiwalayan na ni ge pag nakuha na nya like kim at bea at iba pang taga gerlalou nya sa cebu. Charming kase gwapo kaya deadly! Di nako magtataka kung isang araw me lalabas na me anak na si ge out of wedlock parang echo,diether, marvin etc... sex is easy para sa mga artistang ito.
  • 30  angel25

    07/30/2012 | 04:43 AM
    sa totoo lang din, though I feel bad for Sarah, dahil ang dami ng guys ang sumubok and she deserves to be happy....Gerald also is just too wild for Sarah....Dont get me wrong, Sarah is really decent and respectable...something that wont tame Gerald's playboy side, kelangan ni Gerald super hot girl din, para match sila..otherwise, magloloko lang si Gerald....
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    xxxjmb2
    07/30/2012 | 05:00 AM
    Korek,he is too wild for her..maghahanap pa yan,pag naging sila ni sarah and sarah cant give him what he wants..
    klassyk143
    07/30/2012 | 05:28 AM
    kung yan lang din yung habol nya eh bakit ganun ba kasexy si Sarah na katakam takam? Eh di sana sa isang sexy celebrity. hellooo isip na naman
  • 29  pepster31

    07/30/2012 | 04:39 AM
    Jusko nake grald pa ang sympathy! Eh promo naman from the beginning...at pina tweet pa nya ang bff nya para kunwari umiiyak susme...nadala na naman kau sa paikot ni gerald...kung talagang seryoso siya magtyatyaga siyang manligaw sa bahay..pupusta ko ang next interview ni ge iiyak yan at magha hyper ventilate!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  pinayako27

    07/30/2012 | 04:34 AM
    naka ka sad naman!! mukhang sincere naman si gerald kay sarah!!! ay nako momy divine parang hindi ka dumaan sa pagkadalaga!!ge huwag kang susuko ipakita mo lalo na tapat ang intensiyon mo kay baby girl..god bless both of you..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  klassyk143

    07/30/2012 | 04:22 AM
    Dati gusto ko silang dalawa pero ngayon parang ayoko na. Kasi Gerald deserves better! Hindi sya dapat tinatrato ng ganito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    mazaya_ako_dito
    07/30/2012 | 04:36 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • 26  LosAngeles

    07/30/2012 | 04:15 AM
    di naman talaga sila bagay. pag 30 pwede na may bf 'teh. most of the time mga mahinhin nasa loob kulo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    07/30/2012 | 05:33 AM
    Agree!
  • 25  klassyk143

    07/30/2012 | 04:14 AM
    Even if Gerald kept on fighting, kung mag-isa lang sya eh susuko at susuko din yung tao. It takes two to make it work. If he's all alone and not both sides are willing to fight for it, there's just so much he could do. Mommy Divine's "patakaran" already sounds absurd tapos nagawa pa rin nyang mag-oblige tapos di pa rin happy yung ina eh wala na talaga magagawa 'yung guy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  klassyk143

    07/30/2012 | 04:10 AM
    Hindi yan sobrang kabaitan. May kaibahan ang kabaitan sa sunod-sunuran at walang sariling paniniwala.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    mazaya_ako_dito
    07/30/2012 | 04:37 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • 23  cj_03

    07/30/2012 | 04:09 AM
    Sarah can't stand on her own. She wants liberty yet she can't fight for it because she allow her parents specially the mother to reign over her.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ledfarani
    07/30/2012 | 09:09 AM
    all i see is someone who is content, secure, and satisfied with her parents love that she's able to resist the temptation of running after gerald and compromising herself. Hindi naman porke ganun eh tatandang dalaga na excuse me! may kakilala naman akong maagang naging independent sa buhay pero tumandang dalaga parin!

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About