news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 362902 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 22  imwatim

    07/30/2012 | 04:09 AM
    Sa kakahanap ng parents ni Sarah ng THE RIGHT GUY for her eitehr tatandang dalaga siya or she will end up with men na either biyudo, may anak na or matandang binata rin. Kasi by that time na ready na parents nya na pakawalan sya matanda na si Sarah. OMG she is not a baby anymore. She is actually old enough na to be independent and be on her own. Obedience to parents is good but not all the time are parents right. They may mean well but they are not always right.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ledfarani
    07/30/2012 | 09:13 AM
    Haler, sabi nga ni mommy minsan nagagalit silang mga anak nya sa kanya... so that means na ine-express din ng mga anak nya ang nararamdaman nila kse pano nya malalamang nagagalit diba... at may di rin sila pinagkakasundu-an kase bakit magsosorry si sarah kung lagi na lang syang sumusunod..eh di di na sya dapat magsorry kung lagi naman pala syang masunurin! so obviously nagkakaroon sila ng diskusyon sa bahay...tingin ko magaling lang talagang magpaliwanag at magpa-unawa yung nanay ni sarah..
  • 21  jpcrzyluv

    07/30/2012 | 04:08 AM
    At first my opinion i was kinda blaming the parents but after reading all of this d naman blame but more its clear gerald gave up on sarah...it was not true love at all...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ledfarani
    07/30/2012 | 09:15 AM
    i agree..kase true is tested by time.. and mga trials na nalalagpasan together.. pwede ring this is just one of the trials na kelangan nilang lagpasan.. and if in the end of this trial eh they find themselves still wanting to be together..well that's one test passed that could tighten their bond
  • 20  klassyk143

    07/30/2012 | 04:06 AM
    Bakit yung tamang lalaki lagi yung hinahanap ng mag-inang ito? Bakit hindi sila yung magpakatama na mga tao? Ang hirap kasi ang pinagtutuunan lang ng pansin eh yung "right guy" eh si Sarah right girl ba? Eh hindi nga maipagtanggol yung sarili? Walang sariling prinsipyo at desisyon sa buhay. Ni walang alam sa buhay... Kawawa rin si Gerald.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    jazznx
    07/30/2012 | 04:12 AM
    Correct! Wala n kong gana monood ng sgl! walang backbone! Fan n fan ako ni sarah kaso yung mga arte yang ganyan, kakaasar! d mo din masisi si rayver eh, d naman nya pinaglaban talaga yun eh.. Nabasa ko yes magazine, sobrang takot s nanay nya!
    mazaya_ako_dito
    07/30/2012 | 04:38 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    ledfarani
    07/30/2012 | 09:18 AM
    kung ako si sarah, at wala parin akong alam sa buhay pag dating ng araw... sa yaman ko, maghahire na lang ako ng taong merong alam sa buhay! Why learn something when you can pay others to learn for you! choks!!!
    ledfarani
    07/30/2012 | 09:19 AM
    at depende din yan kung ano bang klaseng "BUHAY" yang tinutukoy mo klassyk143 na kelangan malaman ni sarah... =
  • 19  Jackoy122409

    07/30/2012 | 04:04 AM
    Gerald knows this risk at the start..this happened to Rayver and Rayver is a close friend. He knew that this is a probable thing to happen but he took the risk and still courted Sarah, putting into risk again that he will be blamed by rabid fans. I think that alone is enough to prove his sincerity!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  lyka25

    07/30/2012 | 04:03 AM
    Ganyan katindi yung values na kinalakihan ni Sarah sonrang bait Lang Talaga Nya bibihira na Tao Gaya Nya, that is why she deserve to be happy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  klassyk143

    07/30/2012 | 04:01 AM
    Lagi ring sinasabi ni Mommy Divine na ibibigay ng dyos yung lalaking para sa anak nya eh paano kung pinipigilan nya? So ano pa yung sinasabi nya na yung dyos yung magbibigay kung sya din naman yung nagdedecide. Sabi nya sya daw yung makakaalam eh bakit dyos ba sya? Kung talagang mahal nya yung anak nya, bibigyan nya ng kaligayahan. Magiging masaya sya para sa anak nya. Hindi mo pwedeng protektahan ang anak mo habang buhay dahil kailangan din nya ng mga failures at disappointments para matuto. Ayaw nya nasasaktan yung anak nya eh sya mismo yung dahilan kung bakit bigo lagi ang anak nya sa pag-ibig. Tapos ang sisihin ng mag-ina yung lalaki.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pinayforever2
    08/01/2012 | 03:29 PM
    tumpak...lahat ng tao ay nakaranas na magkamali para mahanap ang tama.
  • 16  qazx

    07/30/2012 | 03:56 AM
    Curious naman akO Kung Sino ang napakareliable souce ni ogie? Must be someone so close anyway kahit kasalanan ng nanay Nya o si Gerald o Kung Sino pa! Maghintay ka nalang Sarah pag dumating na yung para talaga sayo magiging madali ang lahat o Baka naman tumanda siyang dalaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  klassyk143

    07/30/2012 | 03:55 AM
    I'm an Ashrald, but not anymore. So I know more than what most people siguro. Hindi naman mag-eeffort ng pumunta punta ba sa bahay si Gerald kung for show lang at temporary lang yung ginagawa nya. Makikisama ba yan sa mga intimidating and presumptuous na parents ni Sarah kung hindi seryoso? Nakakainis na eh. A person can only take so much. Keep in mind na laking America yan si Gerald at bago yan lahat sa kanya pero ginawa pa rin nya tapos ang laging naririnig kay Mommy Divine eh hindi pa dumadating yung lalaki para kay Sarah. Eh di ang laking sampal nun sa mukha.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    jazznx
    07/30/2012 | 04:01 AM
    Totoo ka dyan, 1 fan ako ng ashrald pero s mga pinapakita ni sarah, kakaasar lang! d pa ba seryoso yung ganon..sayang lang..
    mazaya_ako_dito
    07/30/2012 | 04:41 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    pinayforever2
    08/01/2012 | 03:32 PM
    At her age na 24, walang backbone, big turn off. Baka 50 years old na nakadepende pa sa nanay for decision making kasi mas nakakaaalam kung anong makabubuti sa kanya.
  • 14  Imnaldrix

    07/30/2012 | 03:52 AM
    And if it so, Gerald is not totally a gentleman guy... coz if he really gentleman we will not give-up. In other way he give up because he dont want to hurt Sarah in the future. It could be a right move for Gerald so that their friendship will not be affected in the future.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  brimley

    07/30/2012 | 03:51 AM
    in short tatandang dalaga si Sarah.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Orangina_123

    07/30/2012 | 03:46 AM
    Sarah, mang delfin, mommy divine...nauumay na ang madla sa kaeklayan nyong pamilya. I seriously suggest, try nyong ipagamit Kay sarah ang chastity belt, lock closed.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Imnaldrix

    07/30/2012 | 03:46 AM
    Its not just poor si Sarah we really dont know the story behind of what happened. Maybe the parents of Sarah noticed that Gerald take extra effort only in front of many but formally courting to what Sarah's parents wants, he doesnt follow. I really understand Sarah's parents and if Gerald really wants Sarah to be his partner in the future, he will fight for it. But if he just wants only for temporarily feelings as an adolescents that is the right move. Sarah does not deserve for temporarily relationship or trial and error feeling she wants a lifetime feelings right away.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pepster31
    07/30/2012 | 04:52 AM
    Correct! Sino ba ang aayaw ke ge, guapo, mayaman, sikat...ang gusto lang ni md sundin ang gusto nya ng panliligaw...sa kanya na mismo nanggaling hindi ganun ang gusto niyang mapaparaan..ganda ng excuse mo ge!
  • 10  klassyk143

    07/30/2012 | 03:45 AM
    Poor Gerald, I say. Na-involved pa sya sa pamilyang ito. Tapos all the blame will go to him na naman. Gerald has been nothing but nice to Sarah's family. Always bringing the whole family presents. San ka pa makakakita ng ganyan? Ni date, sinasama pa yung magulang. Ano pa ba gusto ni Divine? Patakaran? Eh yung iba nga hindi na nga pumupunta sa bahay at pinagpapaalam sa magulang tapos si Gerald ginawa yun lahat na sa America pa lumaki. Dyos ko! All I can say is, Gerald did everything that he could to win Sarah but it takes two to make it work. Gerald deserves better than this. They are so focused on finding the right man for Sarah but can't see if Sarah could be the right girl for Gerald, or any guy.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    jazznx
    07/30/2012 | 04:05 AM
    Kahit sinong lalaki walang tatagal kung ganyang pamilya ang nililigawan mo, si sarah na idol ko walang paninindigan..oa na yung pagiging mabait! Dati di ko ganon kagusto si gerald hanga lang ako umarte sya pero ngayon gusto ko na sya talaga..to think ang gwapo ni gerald! Ang arte ng geronimo family!
    hellokitty30
    07/30/2012 | 06:51 AM
    sinabe mo amboy nanligaw nag tiyaga dun lang makikita na ang sincerity eh! umakyat ng maayos si Ge sa bahay nila Sarah pero ano ginawa ni madir ismiran tarayan parang d tao ang pakikisama, at kung ako ina ni Ge papayuhan ko pa anak ko na wag ng ligawan si Sarah kung ganyan lang papakitungahan ng ibang tao ang anak ko maraming babae dyan na sabay nilang haharapin ang laban ng pag ibig eh sa sitwasyon ni Ge sya lang ang lumaban.
  • klassyk143

    07/30/2012 | 03:39 AM
    Poor Sarah? Ang daming nakikipag-simpatya at naaawa kay Sarah but people don't see her lack of self-governance and maturity. This is also happening partly because of her. She doesn't have any backbone and can't decide for herself. Sinudsunuran sa lahat ng mga sinasabi ng magulang nya. Walang sariling prinsipyo at paniniwala. Sya rin yung may kasalanan kasi ang laki laki na nya yet she's still allowing her parents to decide for her. Nakasandal pa rin sa magulang nya. She wants the freedom yet she can't show people she can stand on her own.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • adobo101

    07/30/2012 | 03:33 AM
    Poor Sarah....looks like she'll be their milking cow forever.....the parents are too selfish...I just hope that Sarah will not hit depression on the years to come when she continues to please her so called parents....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lucky7

    07/30/2012 | 03:26 AM
    sana consistent ang parents sa treatment sa mga anak ninya, yung isa nasa hawla na nagtatrabajo ng walang katapusan para sa kanila. pero yung isa nasa nyc na and able to do anything she wants kasi wala sa puder ng magulang. i don't think thats fair.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mynamedoesntmatter

    07/30/2012 | 03:17 AM
    Sarah will never learn to fight for what she wants. This scene happened before and will happen again until she's too old to notice that time has passed her by..and those 2 greedy people she called parents are no longer there to hold her hands.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lolamo68

    07/30/2012 | 03:01 AM
    too afraid to let go of your milking cow? you cannot hold her hands forever. Let her fall in order for her to learn fro her mistakes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • semsem

    07/30/2012 | 02:43 AM
    Ayan na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    07/30/2012 | 02:42 AM
    she will never know the ropes of life... i fear for her when she encounters more difficult situation in the future... for some reason i find their so-called "stand" backward.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About