news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 363092 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 802  yoyong_me0320

    08/02/2012 | 03:08 PM
    I support Sarah G. Pero nadismya ako sa nanay nya. So habang meron akong nababalitaan tungkol sa nanay nyang pakialamera at habang hindi pa nagmamature ang batang ito kahit 24 na siya, siguro iboycott ko muna siya at babalik lang ako sa pagsuporta pag me nakita na akong pagbabago saknya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 801  akinse

    08/02/2012 | 03:06 PM
    Mabuti pa si ate Jonnah at ate Shine ni Sarah!! Enjoying New York and Paris! Samantalang yung bread winner,,sugatan ang puso at lagi na lang pinipigilan ang kaligayahan! Ang sad..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 800  akinse

    08/02/2012 | 02:54 PM
    Curious ako,,sa tagal na ni Sarah sa showbiz,,at napa ka successful naman..baket ni minsan hindi man lang na feature an bahay nya/nila?? Ano na bang mga nabili nya sa MGA PERANG PINAGHIRAPAN NYA..parang wala talaga akong matandaan..o baka wala naman talagan nabili..ang tanong: NASAAN ANG PERA NI SARAH GERONIMO??! Sana naman kahit papano nasa bangko at NAKAPANGALAN SA KANYA!! Otherwise,,in the end baka sya pa ang mawalan.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    boyish16
    08/02/2012 | 03:06 PM
    Huwag na natin hanapin ang pera obvious marami ang nagpapatotoo. Pera daw ni sarah ay nasa : A. pagpapa-aral at pagbbgay luho sa mga kapatid na nasa abroad B. nasa bunsong kapatid na masagana ang buhay at walang ktpusan pagbili ng gadgets C. nsa mga magulang nya todo shopping, bili ng magagara sasakyan at pasyal kahit saan D. nasa iba't ibang bangko ng buong pamilya kita ni sarah dapat equally divided sa mga kanya kanya account nila
    cottonkloud
    08/02/2012 | 04:14 PM
    hahaha baka pati mga kamag anak nya me share din dyan sa bank account nya.
    walakangpaki
    08/02/2012 | 04:57 PM
    oo, tama ka parang di ko rin nakita sa magazine o tv ang bahay nya at sasakyan na tulad ng kay pokwang at iba pang celebrety na halos pwede ng tumira sa sasakyan dahil kumpleto. wala rin ako nabalitaan na negosyo na pinasok nya. i like her, kaya lang she was treated by her family as a dog na kung ano ang gusto ng amo ganun lang ang gagawin lagi nakakulong at nakatali. sana si boss vic del rosario ay pagsabihan ang mga magulang nya na luwagan naman sya. she deserves to be happy.
    autumngirl123
    08/03/2012 | 06:27 AM
    yung parlor nila noon di nagtagal nagsara din,yung pansitan nila mukhang ordinary lang na kainan
  • 799  skittlesrainbow

    08/02/2012 | 02:51 PM
    napaka lungkot ng mga mata ni sarah sa picture kahit na nakangiti...kawawa naman ang batang ito!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    semsem
    08/02/2012 | 04:39 PM
    totoo yan!kitang kita. kita mo rin yun ngiti ng nanay nya? sobrang plastic!!!
  • 798  akinse

    08/02/2012 | 02:48 PM
    Cooloff--- tatay delfin po,, hindi po si Ka Gerry.. Hehe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 797  cooloff

    08/02/2012 | 02:35 PM
    ang gusto ni mommy divine at tatay gerry ky sarah ung sure na sasarap buhay nila kahit di na magtrabaho si sarah... take note, di lng para sa ikakaganda ng buhay ni sarah, dapat damay cla.. ganyan ang pamilya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 796  boyish16

    08/02/2012 | 02:30 PM
    Ppaano ntin ssbihin idol ng kbataan yan eh npkahina ng loob at walang paninindigan!lging nkbuntot sa nanay! Mrs.Divine maawa nman kyo hindi po gatasan lang si Sarah! May buhay din siya! Responsable po yan at hindi nman kyo pbbayaan! Hayaan nyo matuto sa buhay! Wag ninyo ikulong ang nagpplamon sa inyo! Kyo ang nagbbgay ng lungkot sa anak ninyo yun iba nyong anak nagpapaksaya at malayang gawin ang gusto!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    cooloff
    08/02/2012 | 02:41 PM
    dapat magkaroon ng petition para ky mr
  • 795  frisch2817

    08/02/2012 | 02:10 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 794  autumngirl123

    08/02/2012 | 01:59 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 793  shimmer23

    08/02/2012 | 01:39 PM
    si sarah parang na brain washed na ng mother niya, napaka boring na niya. i used to really like her before. ngayon ayus lang. grow up sarah. binibigay mo naman ang lahat lahat sa magulang mo eh. 24 ka na. it's time to make your own decisions matagal na. mas marami ang turn off kaysa sa nagkakagusto sa nangyayari sa iyo. utang mo sa fans ang kasikatan mo. makinig ka naman sa kanila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 792  frisch2817

    08/02/2012 | 01:02 PM
    repost: Good news has already been said with regards to Sarah Geronimo and Gerald Anderson's love life, but according to the report, comments and reactions from her fans, Sarah should stand on her own and do her part to make it fair for Gerald Anderson
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 791  frisch2817

    08/02/2012 | 01:00 PM
    repost: Tessie de Guzman · Arellano High School to the parent of sarah geronimo you are ruining your daughter's life matanda na yan alam na niya ang tama at mali masyado naman kayong mahigpit which is hindi na tama masyado kayong makasarili gusto ninyo kayo lang ang maligaya for God 's sake kayo na lang ang inintindi ng anak ninyo ano pa ba ang gusto ninyo you have everything na because of her, siya nanam ang isipin ninyo may buhay din yan, she has the right to be HAPPY selfish kayong magulang.paglubog ni sarah tignan natin kung saan kayo pupulutin.hindi lahat magulang ang tama, give her a life! selfish people.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 790  akinse

    08/02/2012 | 12:20 PM
    FilAm777--- ang ideal man po ni mother for Sarah ay exact opposite ni Daddy D,.actually ang ideal man ni mommy for Sarah ay ideal man nya nung kabataan nya na hindi nya nakita..ayan kay Sarah na lang nya gustong ipahanap. Di ba sya masaya sa marriage nya ke Daddy D??!!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    FilAm777
    08/02/2012 | 12:26 PM
    did the mom really say that? wow, that's a loaded statement.. I agree with you, her mom must really be miserable ... lol
    frisch2817
    08/02/2012 | 12:31 PM
    ung parents ni sarah ndi na nahiya noh,,,wla talga silang work,,,samantalang tngnan mo nga nanay ni anne curtis nagttrabaho pa rin kht ung anak ay mapera na,,ang tawag dyn matinong magulang..eh parents ni sarah asa lng lahat sknya pati pag papaaral sa 2 elder sisters nia...ewww
    Tofifiness
    08/02/2012 | 07:32 PM
    kapal muks ng mga magulang, nakakahiya, MGA TAMBAY SA DRESSING ROOM, tambay sa bahay, lahat ng pagkakataon TAMBAY LANG SILA.
  • 789  FilAm777

    08/02/2012 | 12:15 PM
    Perhaps Mommy Divine wishes Sarah to end up with someone like her dad Delfin. But I don't think her mom realizes that he isn't that great a catch... lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 788  pinayforever2

    08/02/2012 | 11:12 AM
    Dry naman talaga sa hosting si Sarah kasi hindi spontaneous. Kanta lang at sayaw sya magaling,hindi yung ga improptu hosting. Ayayay. Pano wala atang feeling parangg robot lang sya ng kanyang mga magulang. Hay...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Tofifiness
    08/02/2012 | 07:33 PM
    totoo hindi sya magaling na host. para kasing bata. Pang BATIBOT lang si sarah. HIndi sya pede sa mga pageant host or katulad nina Carmina or Camille Pratts. Isip bata kasi Sarah at the age of 24, limited ang magiging input nya pag nag host dahil wala syang alam na pedeng ipagsabayan sa mga co-host nya pag nagkataon.
  • 787  akinse

    08/02/2012 | 11:12 AM
    Ang story nang mag inang Sarah at Aling Divine ay parang story ni Nina Sayers at nang mom nya sa Black Swan...frustrated ballerina si mother kaya ayun ung anak ang napagdiskitahan ng mga frustrations..control freak din to the point na nag rebelde yung anak at namatay in the end..sana mapanood ni mother D at Sarah yung movie na yun!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 786  haleyholiday

    08/02/2012 | 10:45 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 785  hhamlin

    08/02/2012 | 10:20 AM
    I'll make this as a joke nalang paano kasi hindi binigyan si Sara nang kotse nong birthday nya kundi clock kaya pinatigil nang mommy ni Sara si Gerald sa pan liligaw. Sabi siguro ni Devine clock lang ba ang kaya mong ibigay sa anak ko? sagot siguro ni Gerald kasi hindi nyo pa kami pinapayagan mag date nang kami lang kaya clock nalang muna na hahahaha.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    wagsanabiasedangpep
    08/02/2012 | 10:23 AM
    natawa ako dun a...LOL
  • 784  wagsanabiasedangpep

    08/02/2012 | 10:07 AM
    Dati rin naging fan ako ni Sarah...right after she won from the contest. I even asked my parents to buy me her cd nung umuwi sila ng Phils. Nagcreate pa ako ng user name at active ako sa forums in her website. Major turn off ko lang was when she, mark bautista, rachelle ann go, and christian bautista had a concert here in anaheim, ca 5-6 years ago. may uploaded videos pa nga ako sa youtube. may mga nakita na ako noon pa man na napapansin na ngayon ng majority ng mga tao. maraming instances, and one in particular on that concert was when sumisigaw ung audience ng "kiss, kiss"...sinigaw din naman kina christian un. good sport naman sila ni rachelle. kiniss ni christian si rachelle ann sa cheek. nung si sarah and mark na ung sinisigawan ng audience, pwede naman niyang sabihing ayoko or wag kung ayaw niya, but what she said was, "mommy o" while pabirong lumalayo kay mark na parang nagsusumbong. personal opinion ko lang na parang over the top yata ang reactiong un. since then, hindi na ako fan or follower. i
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    wagsanabiasedangpep
    08/02/2012 | 10:08 AM
    i know popsters, sasabihin nyo na naman hindi ako kawalan. i get it and i know you'll be throwing that at me. respetuhan na lang. Jumping forward to 2012, hindi rin natin masisisi si Sarah kung sa lahat ng bagay ay sinusunod niya ang mga magulang niya. Yun ang kinalakihan niyang gawin at nakita niyang paulit-ulit na ang naging bunga nun ay ang fame, wealth, and status na tinatamasa niya ngayon. Yun ang reality para kay Sarah. Yun ang mundo niya. Ang alam niya, kapag parents niya ang nagdecide, ito ay para sa ikabubuti niya kahit miserable na siya and/or labag na sa kalooban niya. I just hope that someone who really loves her and who is really concerned about her well-being and future would help her pop out of the bubble world she is living in. It's for her own good. She has to learn how to live her life outside of her manipulated reality. She has to learn survival skills here in the 'real world.' I could not agree more with 90 of the comments posted here in PEP. Sana may positive outcome ang lahat ng
    wagsanabiasedangpep
    08/02/2012 | 10:10 AM
    90 percent un hindi lumabas ung percentage sign...90 percent of the comments
    wagsanabiasedangpep
    08/02/2012 | 10:11 AM
    pati ung sa ibang paragraph naging "nn"...nawala ung formatting. pasensya na po.
    wagsanabiasedangpep
    08/02/2012 | 02:34 PM
    Sana may positive outcome ang lahat ng ito. Let's pray and hope for the best. Peace tayo PEPsters. GOD bless.
  • 783  meeia_me

    08/02/2012 | 09:59 AM
    Sarah, try mo paligayahin ang sarili mo.Hindi Porket mag bf ke e magaasawa kana. Hindi naman dukha si Gerald at kayo pa ang umayaw.. HIyang hiya naman ako sa inyo. wag masyado choosy baka sa bungi kayo mauwi.Sa mga parents ni Sarah di pa ba sapat ang pera na nabigay sa inyo. Paligayahin nyo naman ung anak nyo. Mga control freak ang choochoosy nyo!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About