news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 362998 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 782  jillbab_34

    08/02/2012 | 09:51 AM
    BOYCOTT LAHAT PARA MATAUHAN C MUMMY D......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 781  MarkLapid

    08/02/2012 | 09:27 AM
    Grabe ang brainwash dyan kay Sarah ng family nya. Kinokontrol ang utak.Ayaw nilang mag grow up yong taong nagpapalamon sa kanila, kaya hanggang ngayon childish pa rin si Sarah. Napansin nyo reaction nya sa mga interviews para syang 7 years old na hindi makapag -isip ng tamang isasagot ,laging tumitingin sa nanay na monster at takot na takot. Kapag kinokontrol mo ang utak ng anak mo at damdamin nya,hindi yan magkakalalakas loob na tumayo sa sariling paa dahil dini-discourage agad ng magulang. Malas mo kapag nagkaroon ka ng family at kamag anak na ganyan, pinagkakakitaan ka na pati sarili mong buhay,lovelife kinokontrol.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    dream79
    08/02/2012 | 09:39 AM
    Wish ko sana mawala na sa mundo ang mga ganyang klaseng magulang. Control freak na parents. Kapag may monthy period siguro si Sarah pinapagamit ng diaper imbes na sanitary napkin. Ginagawa nilang bata at hindi tinuturuan na mag grow up. Emotional at mental abuse ang ginagawa nila,, takot mawalan ng income..tsk tsk tsk dapat dalhin sa mental hospital si Divine.
  • 780  cottonkloud

    08/02/2012 | 09:14 AM
    Mother Devine the control twisted freak!!! kelan nyo ho ba marerealize na your making your own daughter's life miserable me feelings po ba kayo? or sadyang SELFISH lang! can someone shake this woman's brain para naman ma liwanagan...kaloka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 779  adette_usc

    08/02/2012 | 08:56 AM
    MAY NABASA AKO NA SI GERALD DAW ANG UMAYAW. HINDI PA DA READY?!? WOW!!! BINABALIKTAD NILA PARA SI GERALD ANG MAY KAKULANGAN. AS IF ANG MAGULANG NI SARAH AY OKAY LANG SA KANILA NA MALIGAWAN. KALOKA!!! OBVIOUS BA NA SILA AT SI SARAH ANG HINDI PA HANDA NA IPAGLABAN SI GERALD.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 778  avidpepreader

    08/02/2012 | 08:17 AM
    grabeng psychological blackmail siguro gamit ni mommy divine kaya ganyan na lang takot ni sarah. bordering on child abuse na yan ah! 24 years old ka na sarah, hindi teenager!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    cooloff
    08/02/2012 | 02:46 PM
    baka dindasalan ni mrs divine c sarah kapag natutulog.. d kaya nahihiya si mrs divine sa mga gingawa nia? sabagay obviously wala ng hiya yun.. kung meron sana nauna ng mahiya sa anak nila.
  • 777  opinion_ko_to

    08/02/2012 | 06:48 AM
    naiinis ako sa kay sarah dahil sa di pa nya kayang tumayo mag isa at lalong lalo na sa mga magulang nya!anong klaseng ina yan na parang preso kung higpitan ang kanyang anak..my God! 24 years old na yung tao nay!anong edad balak mong luwagan yan..50???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 776  blip

    08/02/2012 | 06:47 AM
    Napanood ko ang SGL last week at may mga props pa na stereo na patunay lang na parati na lang inira-rub sa mukha ni Sarah na kung di sa kanila, wala siyang kasikatan ngayon...emotional blackmail po yata yang ginagawa ng mag-asawa. Natawa naman ako at halos buong angkan na yata ang nandoon tuwing linggo. Poor Sarah, grow up girl, di namin sinasabing magrebelde ka, manindigan man lang ba..karapatan yan ng bawat tao lalo't puro naman kabutihan ang ibinibigay mo sa pamilya mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 775  sarah_b_live

    08/02/2012 | 05:47 AM
    wala namang alam isagot si sarah kundi hihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihi at 24 napaka childish pa niya feeling teen ager at halatang walang ka sennse sense ang mga sinasabi. parang bulok na niyog walang kopra hihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihi po.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 774  sarah_b_live

    08/02/2012 | 05:41 AM
    sabi cguro ni devine MAHIRAP NG BUMALIK ULET SA DATING MAHIRAP NA PAMUMUHAY kaya gayun na lamang kung umasta xa. ang tawag diyan GREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEDY sobrang desire sa PERA at KAYAMANAN at KASIKATAN. in other words MUKHANG PERA TONG MATANDANG TO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 773  bostongirl

    08/02/2012 | 05:39 AM
    Siguro napapagod na rin si Juday sa kasasabi ni Sarah kung ano ang dapat gawin dahil nung nag guest si Juday sa SGL ang sagot ni Sarah sa mga suggestions ni Juday ay puro tawa, hagikhik at ang walang kamatayan na, "pag-isipan natin yan" sabay tingin sa mommy niya. Nung nagkasakit si Luis at naospital, kinumpronta siya oncam ni Luis kung bakit hindi man lang bumisita sa kanya at hayun ang Sarah guilty as sin, hindi na naman makapagsalita, tameme. Nung sinabihan siya ni Juday na bumisita ka naman sa bahay, yung mga bata lumalaki na, hindi mo pa nakikita ulit, ang sagot ni Sarah...tawa na naman sabay tingin kay mommy. Kaya siya hindi magaling na host at walang ka sense sense na kausap kasi takot bumitaw ng salita dahil hindi kayang panindigan. Kung magsalita very limited at dapat scripted. Ang kaya lang gawin ay puro pasaring...rayver braver.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Glak9
    08/02/2012 | 06:22 AM
    Marunong bang mag drive si Sarah? May sarili ba siyang driver? Hint ni juday yun, sabi nga ni dolphy, makipagkapwa Tao, Hindi makipagkaibigan lang
  • 772  mariel225

    08/02/2012 | 04:58 AM
    Hindi lang buong bayan ang galit sa mga Geronimos pati na ang mga Pilipino sa buong mundo. Siguro dapat ipaalam itong mga comments na ito sa mga reporters para maisulat na nga ng mga yan ang public opinion at para tumigil na yan si Mommy Divine sa pagkaka-maldita at hopefully magising na si Sarah at lumaban and to finally take control of her life! Nandito ako sa US, sino ba at ano ba ang mga emails ng mga entertainment reports na yan?
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    Glak9
    08/02/2012 | 06:17 AM
    Effective si Lolita solis, send the letter to philstar, gusto niya si Sarah and Gerald, nalungkot ng todo according to salve
    Glak9
    08/02/2012 | 06:18 AM
    Yes magazine this is your time to publish an article about oppressive moms in showbiz
    Glak9
    08/02/2012 | 06:20 AM
    Showbiz inside report, dig in to the story about over protection, divina, mild protection, Annabelle, taming protection, Sharon, you may disagree with me, wala akong ibang maisip
    frisch2817
    08/02/2012 | 12:22 PM
    tama! ng matuto yang mga Geronimo's na yan,,,such a looser, manggagamit sila.....wawa si Ge.,,nanay ni Sarah OA.....email ka kay dolly ann carvajal...magaling yan magsulat...ang title dpt "Mommy Divine User, Sarah Immature",....lol
    amaya_rivera
    08/02/2012 | 12:37 PM
    kay lolit solis, sa tingin ko effective sya.. im not sure kung pede din si joey de leon, just give it a try..
  • 771  mariel225

    08/02/2012 | 04:40 AM
    Siguro kaya hindi ma-realize ni Sarah na mali na ang pinagagawa ni Mommy Divine dahil everyone keeps saying that she's an obedient daughter instead of saying ang totoo na nagpapakatanga na siya sa emotional abuse na ginagawa ng demented Divine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 770  mariel225

    08/02/2012 | 04:34 AM
    Basta ako pinaghirapan ko ang money ko so I CHOOSE to spend it wisely, which is sa mga taong may paninindigan and that is not Sarah. Ano para mag-enjoy lang si Mommy Divine sa pera ko? No way! At least ako may choice dahil pera ko yon so I can do whatever I want. Eh si Sarah? Naka-allowance pa at pre-paid ang phone? Geez! Seriously, she's 24 and pinaghirapan niya yon. Siya na lang magpaka-loko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 769  bellenytmare18

    08/02/2012 | 04:25 AM
    hayyyzzz at wagas na hayyzzz... i hope mother of sarah read all the comments here in pep. just wondering wala man po kaya kahit isa na kumokontra sa lhat ng gingawa ng nanay ni sarah sa kanya wla man lang nagssbi na oh baka hindi gusto ng anak mo ung desisyun mo baka iba ung gusto nya..why dont you ask her wala man lang po bang ganun even sa mga siblings nya?? sabi nila pag daw my nagsasabi sa u na mali ka isa o dlwa ok pa but how come halos buong pnas agree na my mali sa sistema ng pagpapalaki kay sarah
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    bellenytmare18
    08/02/2012 | 04:32 AM
    cont..bakit ganun at ganun pa rin ang ngyayari.. hindi ba minsan nagtataka si sarah sa sarili nya kung bakit paulit ulit ung problema nya just bec. kahit paulit ulit hindi pa rin nya alam at hindi nya natututunan kung pano i solve ung same problem..tsaka bakit ganun po ako nga bata pero alam ko po ang tama bakit kau po mommy D hindi nyo po alam un.. and how can u all say and gurantee na ang mkpagpapasaya sa anak nyo eh non showbiz guy mas MAALAM pa po ba kau sa lumalang sa atin
    bellenytmare18
    08/02/2012 | 04:37 AM
    and to sarah being masunurin sa magulang ay hindi masama sabi nga d ba igalang mo ang iyong mga magulang but how will you give respect to others if you dont know how to restpect yourself first.. maaari na makahanap at my dumating na mas HIGIT, MAYAMAN, MATALINO, MAS GUAPO O KHIT NA SABIHIN NA TIN NA PERPEKTO SA MATA NG MAGULANG MO, you can all have this but YOU CANNOT HAVE THE HAPPINESS THAT TRU LOVE CAN GIVE.. and that the saddess part..
    Monicafer
    08/02/2012 | 04:45 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • 768  boyish16

    08/02/2012 | 03:06 AM
    Sana hanggang maaga magising ang Divine na yan ! Patuloy mo ssirain ang career ng anak mo! Buong bayan kinokondena ang mga pinag-gagawa mo! Ang pagiging firm mo kuno ang pagbagsak ninyo! Wag mo sagarin at paglaruan ang mga taong sumusuporta sa anak mo!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Glak9
    08/02/2012 | 06:12 AM
    Kung NASA pilipinas ako, I will bring eggs, babaguhin ko si divina sabay takao sa get away car
    Glak9
    08/02/2012 | 06:14 AM
    To get the message across, katulad ng pie throwing sa mga politicians dito sa America, out of disgust, magtino sila, we are the voting public, we are the paying public, mob for divina
  • 767  akinse

    08/02/2012 | 02:56 AM
    Forboduvil- in fairness sabi ni Tito preferrably non-showbiz daw. Parang kahit papano may option pa ding binigay kay Sarah..Haha! Ok na sana ang wish na mag ka bf na ang pamangkin, bigla lang bumanat ng non showbiz daw sana! Kahit si Robie Domingo napa "ahh" na lang...it is somehow offensive,..dapat sinabi na lang ng derecho: preferrably son of known politician! Charot!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    hellokitty30
    08/02/2012 | 05:47 AM
    Ang kagwapuhan naman ni Gerald ay milya milya lamang na lamang ng maraming paligo dun sa anak ng politician! sabihin na natin na nakapag tapos ng pag aaral sa America yung guy eh si Gerald naman american citizen blue passport! pag mag ka-anak sila ni Sarah US citizen agad.
  • 766  akinse

    08/02/2012 | 02:49 AM
    I worry about what's going to happen in the coming days..baka mag emotional breakdown lang sya..she has the tendency to just laugh out everything..but deep inside her heart is crushed because of all the frustrations, pressure and stress...idagdag pa dyan ang OA ka perfectionists nyang pamilya..she must realize that living out life to the absurd expectations of other people will just give her even more frustrations.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 765  akinse

    08/02/2012 | 02:40 AM
    Tagal matapos ng usapan dito..hehe! Ang mahalaga marami ang nag voice out ng kanilang CONCERN bilang Sarah fan.. Kaso yung iba dito makalait lang.. Ang balita back to normal ang life ni ate..daw. Back to work,,kayod kalabaw na naman si ate,,Sa totoo lang parang hindi naging bday celebration ang bday ni Sarah dahil inspite of all her blessings..malungkot at umiiyak pa din sya..its not a happy birthday after all.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 764  furboduvil

    08/02/2012 | 02:40 AM
    let me just say. kontrabida yung tito nya na sabi sa show "sana non-showbiz". tseh tito! di ka nakakatuwa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 763  boyish16

    08/02/2012 | 02:28 AM
    Ulirang anak si Sarah kso nga lang ang nkkainis sa kanya bkit kailangan nya i sacrifice ang lahat alam naman ntin mahina siya bka sa bandang huli bumigay yan sayang! Bkit pa ksi humingi si gerald ng divine intervention tuloy ang nangyari si mommy divine ang nag intervene :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About