news

Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

by Jocelyn Dimaculangan posted on July 30, 2012  STATS: 363783 Views | 882 Comments

Mommy Divine, the mother of Sarah Geronimo (right), said that her daughter will find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." Upon saying this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but merely said, "Okay naman ako."

Photo By: Allan Sancon

Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mrs. Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Mr. Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock: symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine, na kilala sa showbiz na napakatigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

882 Comments

  • 742  2Curious_1

    08/01/2012 | 08:07 PM
    Well, I hope Sarah hired an exceptional Accountant or Financial guru who is honest and capable of handling her finances. Making sure every penny is invested into a brokerage account. That way, she can retire early and enjoy life to the fullest.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 741  jillbab_34

    08/01/2012 | 07:28 PM
    im sure lahat ng comment dito nakarating na ky sarah nd mommy d...ano kaya ang next move nila?abangan....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 740  Jockinthepan

    08/01/2012 | 06:31 PM
    No matter what will always support you Sara, Sana lang huwag maging over protective ang parents nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    haleyholiday
    08/01/2012 | 07:59 PM
    In my opinion hindi na over protective. Divine is a manipulator and controlling. Gaya nga ng nababasa ko na si Sara hindi allowed magdala ng pera, prepaid and CP at si Divine pa rin ang namimili ng isusuot niya. Ang kinaawa ko lang kay Sara baka pagdating ng panahon ay wala pala siyang pera sa account niya at na kay Divine lahat. Maski sa computer limited ang oras depende kay Divine. Maski pagkain si Divine ang nagsasabi kung ano ang kakainin ni Sara. Sara has no life at all. Look at her eyes, the sadness is there.
  • 739  haleyholiday

    08/01/2012 | 05:22 PM
    Ako ang issue ko dito is not about having BF. Si Sara ay nakatungtong sa numero. De oras ang computer, hindi puwedeng makipagkaibigan, hindi puwedeng lumabas at si Divine din ang namili ng isusuot even kung ano ang kakainin. Sobra ang paghihigpit ng wala sa lugar. Kasi ang rason ni Divine Almighty ay baka kung matutong tumayo sa sariling paa ay mawalan sila ng milyones at breadwinner.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    akinse
    08/01/2012 | 05:37 PM
    agree! after watching last Sunday's SGL para akong natauhan..kala ko sabe sabe lang yung about ke mother...grabe ha,,on national TV ganun sila makasalita...lalo na siguro off cam. I'm a Sarah fan since 2006...watched all her major concerts...movies, tele seryes,,nilalait na ako ng mga kaibigan ko pero ipinagpapakipatayan ko yan...parang after all this time, nabulagan ako. Dapat di ba para fair, hindi dapat ako nawawalan ng suporta ke Sarah,,,pero nakikita ko kasing kinukunsinte nya rin ang pang aabuso ng mga magulang nya.. naawa ako sa kanya at naiinis to the highest level!
  • 738  cottonkloud

    08/01/2012 | 04:52 PM
    Yang mother ni Sarah is a twisted creature LOL.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 737  pinayforever2

    08/01/2012 | 04:13 PM
    Naku Sarah, ngayon pa lang forget mo na ang pagbo-boyfriend. Tough luck with a monster mom like that. Tutal sabi naman nya ibibigay ni Lord ang right guy at sya ang makakaalam noon, hintayin mo na lang. Pag 50 anyos ka na na dumating yun sa buhay mo, yun ang swerte mo kasi inasa mo lahat sa nanay mo na sabi mo ay mas nakakaalam ng mas makabubuti sa iyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 736  pinayforever2

    08/01/2012 | 04:03 PM
    Sa mundong ito, nothing is certain. Kahit yung ideal man na ang mapangasawa niya may chance pa ring maghiwalay. No guarantees sa buhay. It's the risk that we have to take. Sabi nga, it's better to love than not to love at all.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 735  pinayforever2

    08/01/2012 | 04:01 PM
    Sign kaya si Ge ng contract na hindi nya iiwan at lolokohin si Sarah. Ano kaya reaksyon ni mommy Divine. Pag umayaw pa din, ay talagang ayaw.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 734  pinayforever2

    08/01/2012 | 03:32 PM
    At her age na 24, walang backbone, big turn off. Baka 50 years old na nakadepende pa sa nanay for decision making kasi mas nakakaaalam kung anong makabubuti sa kanya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 733  shinescb

    08/01/2012 | 02:56 PM
    For the 1st time in my life,,sobra akong naapektuhan sa isyung showbiz,,kay sarah at gerald lng...cguro ksi nkakarelate ako,,ang pagkakaiba ko lng kay sarah,,ipinaglaban ko yong gusto kong lalaki kahit "Me against the world na ang drama k dati"..and now were together for 17 yrs... pero naniniwala pa rin ako sa power of love,,at di yan naglalaho overnight,,and it will pass the "test of time".
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 732  mariel225

    08/01/2012 | 02:41 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 731  akinse

    08/01/2012 | 01:53 PM
    Sa bagay,, si mother ang decision maker sa career ni Sarah..kasama sa decision na pigilan na si gerald sa pagligaw kasi tapos na raw ang role nya sa career ni sarah!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    mariel225
    08/01/2012 | 02:38 PM
    Correct. Kawawa naman si Gerald. Nagpakatotoo lang siya at talagang na-inlove kay Sarah tapos ginamit lang pala siya ni Mommy D para sa career ni Sarah. Kaya pala cancelled ng ang 3rd movie dahil sabi ni Hitler Divine - No na dahil nafa-fall na si Sarah. Manipulate at vindictive talaga siya.
  • 730  hellokitty30

    08/01/2012 | 01:50 PM
    sa mga maka-Divine dyan why not watch the guesting of Juday dahil she knew Sarah very well at yung advice nya kay Sarah eh napaka-ganda tulad ng mga advice dito, pakinggan ang mga side comments ni Sarah during her interview sabe nya "pag happy na daw ang lahat" ibig sabihin d happy ang mga nakapaligid kay Sarah kasi in love sya kay Gerald kaya naudlot d kc happy ang mga taong mahal nya para sa kanya. Kawawa talaga si Sarah sana isapuso nya ang payo ni Juday!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Glak9
    08/01/2012 | 01:59 PM
    Si Sarah Hindi na napunta kina juday, sabi ni hitler divina bad influence si juday, nagkakarron ng Bala ang anak Kung paano sasagutin Siya, kaya ban lahat, kundi nga Lang sa rating siguradong pili rin ang guests sa Sgl, every week sila nalang mag anak, umalma Sana ang advertisers
    haleyholiday
    08/01/2012 | 08:04 PM
    OO nga sana umalma na. Gaya ng pag-alma ng endorser ni Sara doon sa endorse niyang damit. Ayaw ipasuot ni Divine. Sana kesa naging mabait itong advertisers na ito inihabla na lang sana si Divine. Mga Pakainin.
  • 729  akinse

    08/01/2012 | 01:48 PM
    Management decision????? LOL!!! Wag nang i divert ang tunay na dahilan.. Gerald is not the type na hayok sa projects! Sabi nya nga anytime pede nyang i pursue ang pag susundalo nya..at pinipili nya na ngayong maigi ang mga projects nya,, meaning, can afford syang wala munang teleserye or movie..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 728  boyish16

    08/01/2012 | 01:25 PM
    diversional tactics lang yan !! Pakana ng management? Oh c'mon obvious parents ni Sarah ang dahilan ng pagbagsak ng career nya ! Ginlit nyo ang mga fans di nyo sila masisisi mrs. Divine! Msyado mo kinokontrol buhay ng anak mo! Hyaan mo magkroon ng sariling pakpak! Paramdam mo s knya ang isang normal na 24yrs old... I guide mo wag mo diktahan! Grabe ka! Anak mo may edad na wala pang alam paano takbo ng buhay!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 727  mariel225

    08/01/2012 | 01:24 PM
    Gusto kong i-exchange yung tix ko for Sarah's concert in Sept for Gerald tour tix here in San Diego. Sana pwede. I'd rather spend my money on GERALD who is GENUINE AND KIND than kay SARAH who is PHONY AND FULL OF BALONEY! If I can't get a refund, I'll just sell my Sarah tix, kung may bibili pa at may naniniwala pa sa kanya after this issue. No matter what, manood ako ng kay Gege. GO TEAM GERALD!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 726  mariel225

    08/01/2012 | 01:13 PM
    Managemen/network decision yung separation? Certainly not. So, yan naman ang ginagawang rason para sa damage control ng mga Geronimos against the overwhelming negative publicity sa kanila. Sino naman kaya ang may idea niyan? Mommy Divine or ang Viva? .....Tsk tsk tsk....Wala nang integrity si Sarah at ang family niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 725  megan_mia

    08/01/2012 | 01:06 PM
    wlang trust c divine kay sg. poor sg. indi nya tuloy naranasan ang life ng isang dalaga.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 724  sands17

    08/01/2012 | 12:56 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 723  hellokitty30

    08/01/2012 | 12:45 PM
    Sa mga nag sasabe na pakana kuno eto ng management na pag hiwalayin sila etc sino naman may press release nyan? pwede b wag nyo itolerate ang ugali ng nanay ni Sarah huling huli mismo si mother superior galing sa kanyang bibig na hindi si Gerald ang the right man for Sarah dahil sya mismo at si God ang nakaka-alam at hindi pa daw dumadating si mr. right don't tell me part of the script rin yun? Sa last guesting ni Ge panoorin nyo you will notice how he's holding his emotion parang maiiyak pakibasa ang mga body language ng dalawa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    hellokitty30
    08/01/2012 | 12:50 PM
    At kung part lang tlg eto ng grand scheme ng Viva at Abs aba naman edi yung mga message ni Divine at Delfin para ke Sarah sa SGL eh scripted lang rin pala baka mega iyak-iyak pa si Sarah. Ba't may ibang fans ang slow hina ng discernment! read Divine's lips.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About