news

Senior stars rule in 8th Cinemalaya awards night; Diablo and Posas win Best Film in their categories

by Mark Angelo Ching posted on July 30, 2012  STATS: 9636 Views | 4 Comments

CINEMALAYA WINNERS: (From left) Iza Calzado, Directors' Showcase Best Actress/Supporting Actress for Mga Mumunting Lihim; Ama Quiambao, New Breed Best Actress for Diablo; Eddie Garcia, Directors' Showcase Best Actor for Bwakaw; Anita Linda, New Breed Best Supporting Actress for Sta. Niña; Joross Gamboa, New Breed Best Supporting Actor for Intoy Syokoy ng Kalye Marino; and Art Acuña, Directors' Showcase Best Supporting Actor for Posas.

Photo By: Nima Chua

Kahit pa malakas ang hangin at ulan dahil sa bagyong Gener, napuno ang Tanghalang Nicanor Abelardo sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kagabi, July 29, sa awards night ng 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Hindi lang mga artista at filmmakers ang dumalo para tunghayan kung sino ang mananalo, kundi maging ang maraming film enthusiasts.

Ang Cinemalaya ang taunang film festival na nagpapalabas ng independent films. Nabuo ito sa pamamagitan ng pagbibigay-pondo at paggabay ng Cinemalaya Foundation.

May tatlong kategorya ang July 20-29 festival: ang Directors' Showcase, na kinapapalooban ng 5 pelikulang idinirek ng mga beteranong direktor; ang New Breed, kung saan may 10 pelikulang idinirek ng mga baguhang direktor; at ang Short Films, na kinapapalooban ng 10 maiikling pelikula.

Isang jury ang nagdesisyon kung ano sa mga pelikula ang mabibigyan ng parangal.

Ngayong taon, ang jury ay binubuo nina National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, award-winning scriptwriter Ricky Lee, film professor Rolando Tolentino, Malaysian filmmaker U-Wei Bin Haji Saari, at Italian director Italo Spinelli.

Simple lamang ang programa ng awards night.

Walang nominasyon na ipinapakita, bagkus ay binabasa lamang ng hosts na sina Ciara Sotto at Jonathan Tadioan ang mga nanalo.

Matapos nito ay aakyat sa entablado ang nanalo para tanggapin ang isang trophy na may hugis na balanghai, o lumang barko sa kasaysayan ng mga Pilipino.

Bukod sa trophy ay nakatanggap din ang ibang mga nanalo ng cash prizes at mga high-end DSLR cameras.

Ang itinanghal na Best Films ay: Diablo para sa New Breed category, Posas sa Director's Showcase, at Victor para sa Short Feature.

Best Director naman sina: Mes de Guzman (Diablo) para sa New Breed, Raymond Red (Kamera Obskura) para sa Directors' Showcase, at Sheron Dayoc (As He Sleeps) para sa Short Feature.


SLIGHT MISUNDERSTANDING. Kahit na simple lamang ang programa ay bahagya pa ring nagkaroon ng kalituhan nang i-announce ang nanalo sa Best Supporting Actress para sa Directors' Showcase category.

Nang basahin ng host na si Jonathan Tadioan ang mga pangalan ng ensemble cast ng Mga Mumunting Lihim, na sina Judy Ann Santos, Agot Isidro, Iza Calzado, at Janice de Belen, ay tumayo ang huradong si Bienvenido Lumbera para ipahayag ang kanyang pagtutol.

Pag-akyat ni Lumbera sa stage para i-announce ang nanalo, ang binanggit niya ay ang pangalan ni Anita Linda, na nanalo nga ng Best Supporting Actress para sa Sta. Niña, ngunit para sa New Breed category.

Nalito tuloy ang mga artistang paparangalan.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • marilousyj

    07/31/2012 | 07:30 AM
    Napanood mo ba ang Sta Nina? Si Anita Linda ay LOLA at hindi nanay ni Coco dito. Maging maingat sana sa detalye ng pag-uulat...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grazildachuvastra

    07/31/2012 | 01:37 AM
    Thank God mga totoong artista ang nanalo dito at hindi yung mga self proclaimed world class stars kuno ng Star Cinema!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • babyshy

    07/30/2012 | 02:51 PM
    sobrang deserving si Eddie Garcia. galing! Congrats manoy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aaronick

    07/30/2012 | 12:48 PM
    Congrats sa mga nanalo. No offense sa ibang award giving bodies. Pero kahit indie films ang cater ng cinemalaya, ang taas-taas ng tingin ko at napaka-credible ng hurado na pumili ng mgananalo. This is not people's choice award. Hindi kailangang by popular vote ang basehan. I am sure, deserving lahat ang nanalo. This is not to say na hindi magagaling yung mga hindi nanalo. Na-nominate kayo, sapat ng dahilan ito para tawagin din kayong mga magagalign sa inyong larangan. Kaya congrats sa lahat ng artistang kasali sa Cinemalaya, sa mismong Cinemalaya at sa lahat ng organizers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About