news

Sherilyn Reyes's wish for daughter Anya Sabrina's first birthday: “Sana hindi niya mapagdaanan ang mga pinagdaanan ko."

by Rose Garcia posted on July 30, 2012  STATS: 18817 Views | 3 Comments

“Siyempre, bilang magulang, kung puwedeng huwag masaktan ang anak mo, di ba? But then, paano naman sila matututo sa buhay kung hindi mo sila pababayaan?” says Sherilyn Reyes on her birthday wish for daughter Anya Sabrina.

Photo By: Rose Garcia

Punong-abala sa first birthday celebration ng anak na babae nila ni Chris Tan ang aktres na si Sherilyn Reyes.

Ani Shey (palayaw ni Sherilyn), kahit na may kinuha na silang organizer ng birthday party ng anak nilang si Anya Sabrina o Eia, sila pa rin ni Chris ang nag-asikaso ng ilang bagay.

“Actually, napaka-O.C. niya [Chris]. Kumuha na nga kami ng party organizer, nagpunta pa rin kami para sa ingress. Kasi nga, nag-i-event kami.”

May sariling events productions and management agency sina Sherilyn at Chris, ang 1TWO17 Production and Management Services.

Hands-on at talagang involved sa pagha-handle ng events ang mag-asawa. Pero sa kuwento ni Sherilyn, mas “O.C.” (obsessive-compulsive) o mas mabusisi sa kanya ang asawang si Chris.

“Nandito kami kaninang umaga at dahil may ibang suppliers na wala pa, gusto niyang bumalik nang mas maaga pa,” patuloy na kuwento ni Sherilyn sa PEP, sa birthday party mismo ni Eia.

Ginanap ito sa dalawang function rooms ng St. Francis Shangri-La Place, nung Sabado, July 28.

“Sabi ko, ‘Alam mo, nagbayad tayo ng party organizer para sila na ang mag-ano niyan. May sakit pa 'ko, puyat pa 'ko dahil nag-taping ako ng My Daddy Dearest kahapon, so, gusto ko, dumating na lang ako,’” sabi raw niya kay Chris.

PREPARATIONS FOR THE PARTY. Six months ago pa raw, nakipag-meeting na si Sherilyn sa party organizer para sa first birthday party ni Eia.

“Yung party organizer, Kidstarkastle, [yung may-ari] schoolmate ko sa high school sa Cebu. So, palagi kaming nagko-communicate. 

“’Tapos sabi ko, ngayon lang naman kami magpa-party nang ganito. So, siya na ang kinuha ko kasi, friend ko naman siya.

“’Tapos, yun, na-excite ako. Yung invitation, yung ad works…Kasi, ang tagal na sila ang gumagawa ng invitation ko at give-aways. Sa kanila ko inoorder. 

“Nakakatuwa rin…kasi sa Instagram, nag-post ako ng mga pictures, talagang sine-share ko sa kanila.

“Sa Instagram, yung Instamug, na-touch ako sa kanila kasi, nagbigay ng numbers of mug na talagang dinesign [design] nila kay Eia.”

Hiwalay na kumpanya ang local na Instamug at ang U.S.-based Instagram.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • chinkychick22

    07/31/2012 | 12:57 PM
    swerte nya! un lang..swerte nya kay chris tan! hahhah..eh cno lng nman ba yng sherilyn reyes na yan noon? hndi nga sumikat sikat dba? aba ngaun sosyalin na!,nangongilekta ng hermes ang lola,dnaig pa mga kasabayan nyang tlgang sikat noon. well, lucky her lng tlga.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • LosAngeles

    07/31/2012 | 08:34 AM
    omg naman teh kaw lang ba naka experience ng hirap sa BUONG mundo? what doesnt kill u makes u stronger gosh drama naman ni teh!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • delicate_tickles

    07/30/2012 | 04:23 PM
    ano ba ang story nito nila ni junjun santiago? naghiwalay ba sila ni junjun bago siya nakipag relasyon sa husband niya ngayon? o habang mag-asawa pa sila ni junjun eh sumama na siya diyan sa asawa niya ngayon?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lovejlc
    07/30/2012 | 05:14 PM
    ano kaba? past is past, we all dont know kung ano nanyari talaga sa both parties. kelangan pabang ulit ulitin yon?

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About