news

Angelu de Leon says about husband Wowie Rivera: “Oo, ayaw niya lang ng kissing scene, love scene. O, di ba, parang dalagang Filipina lang?”

by Rose Garcia posted on July 31, 2012  STATS: 15062 Views | 6 Comments

Angelu de Leon admits to postpartum episodes after giving birth to her third child.  Occasionally, she warns husband Wowie Rivera: “Sinasabi ko na, ‘O, may ganitong moment, ha?'  Pero minsan kasi, mararamdaman mo naman talaga kapag kumi-creep-in na siya. Time-out na ako.”

Photo By: Noel Orsal

Kasama ni Angelu de Leon ang buong pamilya niya sa birthday party ng anak ng mag-asawang Chris Tan at Sherilyn Reyes.

Idinaos ng mag-asawang Chris at Sherilyn ang first birthday ng anak nilang si Eia sa St. Francis Shangrila Place noong Sabado, July 28. 

Kasama ni Angelu si Rafa, ang magsi-six month old na bunsong anak, na maraming nakapansin ay maraming nakuhang features sa kanya.

         

“Ganoon na nga,” nakangiting sagot naman ni Angelu nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Sabi nga nila, kung sino ang kamukha, yun ang mahal.  Kini-claim ko lang yun,” natatawa niyang sabi.

         

“Pero pinaghatian naman namin ‘yan.  Sabi ko, ‘Sige, sa akin ang ilong, sa asawa ko ang mata,’ yun nga ang nangyari.”

         

Tinanong namin si Angelu kung ano ang kaibahan ng baby boy niya sa dalawang nauna niyang girls na sina Nicole at Louise.

         

“Well, pareho sila in a way na hindi sila mahirap alagaan.  My kids were never...yung pangalawa lang ang medyo iyakin, but the rest, hindi naman sila perwisyong bata. 

“And then, siya kasi, na-train ko na mag-baby wise kaya medyo madali ang transition niya, lalo na nagbe-breastfeeding ako every two hours.”  

         

POSTPARTUM BLUES.  Ngayong balik showbiz na siya sa afternoon soap ng GMA-7 na Kasalanan Bang Ibigin Ka?, kinailangan niyang ihinto ang pagbe-breastfeeding.         

         

“Noong mag-start na akong mag-work, I had to stop… ang hirap. 

“And then, sabi ko nga, hindi naman sa hindi ako stressed noong nagbe-breastfeed ako, pero hindi ako nakakatulog, so hindi ako nakakapag-produce ng milk.

         

“So, kapag hindi ka nakakapag-produce ng milk, nakaka-frustrate. Parang both on baby and you.

“So, parang ako, nagkakaroon ng emotional postpartum.  So, sige, mag-formula na tayo.”

         

Ano ba ang pinanggagalingan ng postpartum moods at ano ang naging usapan nilang mag-asawa dito?

“Sinasabi ko na, ‘O, may ganitong moment, ha?'  Pero minsan kasi, mararamdaman mo naman talaga kapag kumi-creep-in na siya. Time-out na ako. 

“Banyo muna ako.  Ganoon… nag-a-isolate ako ng sarili.”

         

BIRTHDAY PLANS.  Kung ang kaibigang si Sherilyn ay nagsimulang mag-prepare para sa first birthday ng bunsong anak noong six months pa lang si Eia, nagpe-prepare na rin ba siya?

         

“Very organized 'yang si Shey, which I so admire.  Ako, hindi pa.  Kasi, hindi ko pa nga alam kung ano ang gusto kong theme. 

“Parang hindi pa rin nasasabi ni Rafa kung saan siya.  Siyempre, ayoko namang ipilit na, ‘O, gusto ko mag-cars ka.’ 

         

“Ayoko lang ng Mickey Mouse, hindi ko alam kung bakit,” natatawa niyang sabi.

         

Ipinaalala namin sa kanya na noong bata siya, ang hilig niya ay si Mickey Mouse.

         

“I know!  Kaya siguro, pati Zashiki Bota,” natatawa niyang sabi.

         

“E, medyo nahihirapan ako.  With the two girls, ang dali!  Pero sa lalaki, parang limited. Not unless sa carnival ka yata, mas bongga. 

“Kaya hindi pa ako nagpi-prepare.  Maybe, kapag tumapak na siya ng six months.

         

“Kasi, kailangan ko pa siyang ipa-dedicate.”

Karamihan daw ng nasa party rin ng anak ni Sherilyn ang posibleng maging ninong at ninang.

         

“Well, sabi kasi nila, hindi naman sa naniniwala ako sa kasabihan, pero nakukuha raw ang ugali ng mga ninong at ninang. 

“Siyempre, gusto kong kumuha ng ninong at ninang na alam mong puwedeng takbuhan ng anak mo.

         

“Kasi, yun ang role nila, e—to be the second parent, e.”   

         

NEW TELESERYE.  Kinumusta ng PEP ang participation niya bilang Jordana sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?

         

Ayon sa kanya, “Si Jordana, masaya na mahirap siyang gawin.  Kasi, minsan, umiisip ka na kailangan masama ka, di ba?

“Ang hirap, minsan hindi ko naman sinasabi na mabait ako at santa 'ko.

“Pero kung minsan, kailangan kapag may ganoon kang role, ikaw mismo, naglalagay ka ng nuances na… ang hirap mag-isip ng masama.

         

“May ginawa kaming eksena na may namatay.  Dumalaw pa ako at kung ano-ano ang pinagsasabi ko.  Jordana was just cold. 

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • Prd2bpnay8

    08/01/2012 | 09:50 AM
    Pack PEP!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tineetinee

    07/31/2012 | 10:35 PM
    Pretty pa rin si Angelu ;
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • robbiethompson

    07/31/2012 | 02:36 PM
    ay sayang naman yung movie nya dapat. joel lamangan pa naman who directed her in BULAKLAK ng MAYNILA not QUIAPO ha.. pero at least ma respeto sya sa marriage life nila ni wowie. good yan. sana may movie offers ka pa rin after MENOR de EDAD. Pa payat ka pa ANGELU tulad nung TADYANG Days soap nyo ni Dong at Marian. super Sexy mo dun. bagets na bagets that time. Good Luck sa soap mo with Jennylyn.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    07/31/2012 | 11:40 AM
    as if mat gusto pang pumareha sa kanya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    07/31/2012 | 09:27 AM
    miss rose garcia, lagi ka nalang nagkakamali ha. hindi siya kasali sa "kasalanan ba". part po siya ng "hindi kana mag-iisa".
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    BERNARD2010
    07/31/2012 | 10:28 AM
    Hindi kase nagri-research si Rose GARCIA eh.Baka panay ang party?Hehehehe!Joke lang po.Peace???
    gorgeous_aleck
    07/31/2012 | 10:57 AM
    oo, nga eh. pansin ko madalas siyang magkamali sa mga sinusulat niya.
  • ike

    07/31/2012 | 09:15 AM
    Tama yan dapat nga lahat wala ng kissing scenes o love scenes kasi pinapainit lang ng mga scenes na ganito ang mga manonood e overpopulated na nga ang Pinas. Ibalik na natin ang Maria Clara days.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About